16 : C H A L L E N G E

27 6 0
                                    

CHAPTER 16

3rd Person's P.O.V
    Lumipas na ang dalawang araw ng pagp-promote sa kanilang bagong kanta. Ngayon, ay nasa recording studio sila para i-record ang kanilang special song para sa kanilang mga taga-hanga. Habang abala si Kyla sa paggawa ng kanilang special song, sa kabilang dako naman ay mukhang mayroon ring pinagkaka-abalahan ang dalawa.

"Pst, Djwane!", mahinang tawag ni Ella kay Djwane. Agad namang tumingin si Djwane sa kanya.

"Halika rito!", utos ni Ella kay Djwane. Lumapit naman siya.

"Bakit?", bulong na tanong ni Djwane kay Ella.

"May maganda akong ideya na naisip kanina, Djwane", mahinang ani Ella na nakangiti.

"Ano yun?", mahinang tanong ni Djwane habang nakangiti rin.

"Diba, 2 araw pa lang tayong nagp-promote ng comeback song natin?", tanong ni Ella.

"Yes..tapos?", tanong ni Djwane na patango-tango pa.

"May sikat na app ngayon na sa tingin ko ay maaaring makakatulong sa pagp-promote ng ating kanta", nakangiting ani Ella.

"Anong app?", seryosong tanong ni Djwane.

"TikTok", agad na sabi ni Ella.

"Ahh~ Let me guess, gagawa tayo ng challenge roon?", natatawang tanong ni Djwane.

"Yes! You guessed right! Marami kayang idols na gumagawa ng mga challenges roon, katulad na lamang ni Zico sunbae-nim! Yung mga kanta niyang: Anysong at Summer Hate. So, kung gagawa tayo ng challenge roon, malay mo maging trend diba?", nakangiting paliwanag ni Ella.

"Hmm? Not bad..", ani Djwane habang nakalagay ang kaniyang daliri sa baba at tumango.

"Right?", nakangiting tanong ni Ella kay Djwane.

"Ang tanong! May gagawa ba ng challenge natin? Masyadong mahirap yung steps natin eh. Tayo nga nahirapan pano pa yung mga gagawa ng challenge?", tanong ni Djwane.

"Mahirap nga yung sayaw natin, pero yung chorus hindi! Sobrang dali lang ng steps sa chorus tapos catchy pa!", masayang ani Ella. Tumango na lamang si Djwane sa sinabi ni Ella.

"Ano, okay ba yung idea ko?", nakangiting tanong ni Ella kay Djwane.

"Yeah! Sa tingin ko ay magiging effective 'yang naisip mo", nakangiting ani Djwane.

"Tanungin mo rin yung opinyon ni Ate Kyla", utos ni Djwane kay Ella. Tumango naman si Ella.

"Ate Kyla~", tawag ni Ella kay Kyla.

"...", hindi sumagot si Kyla, na nagpapatuloy pa rin sa kanyang ginagawa.  Tumawa naman si Djwane.

"Sira! Lumapit ka kaya kay Ate Kyla. May suot siyang headphones oh, hindi ka niya narinig", ani Djwane at tinuro yung headphones ni Kyla.

"Ahhh AHAHA!", natawa na lamang si Ella sa kaniyang ginawa at pinalo ang sarili.

Lumapit si Ella kay Kyla, na abalang-abala sa paggawa ng kanilang special song. Nagdadalawang-isip si Ella kung sasabihin niya na ba ngayon o hihintayin niya na lamang na matapos si Kyla tsaka niya sabihin ang kaniyang magandang ideya.

| T R O U V A I L L E | :  THE BEGINNINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon