CHAPTER 5
3rd Person's P.O.V
Maagang nagising ang tatlong magkakaibigan. Unang nagising si Ella at ginising niya na ang iba."HOY! Magsigising na kayo, this is it guys! Wohooo!", masayang ani Ella.
ヽ(*⌒∇⌒*)ノ
"Ang ingay mo, Ella! Matulog ka nga at maaga pa naman!", naiinis na sigaw ni Kyla at tiningnan ang orasan.
(ノಠ益ಠ)ノ
"Tingnan mo, 5AM palang. 5 A M!! 10 AM pa naman practice natin eh", ani Kyla.
Bumalik si Kyla sa tulog. Ginising naman ni Ella si Djwane at nagmadali naman itong bumangon at inayos ang kanyang higaan. Plano sana ulit nila na gisingin si Kyla pero hindi na nila ito ginawa kasi natakot sila at naalala ang nangyari noong pinilit nila siyang gisingin.
"Hali—", hindi na tapos ni Ella ang sasabihin niya dahil tinakpan ni Djwane ang bibig niya.
"H'wag mo nang gisingin si ate Kyla", sinabi niya ito ng pabulong.
"Bakit?", pabulong na tanong ni Ella.
"Naalala mo yung nangyari noong ginising natin si ate Kyla?", ani Djwane.
"Oo nga, grabe nakakatakot. Umaapoy yung mga mata niya non eh", natatawang ani Ella.
"Hayaan mo na yan, basta tayo mag-aayos na", ani Djwane.
"Oo nga. Hahahaha Bahala siya ryan!", ani Ella.
Pumunta na sila sa mga banyo nila at nagsimulang maligo.
Lumipas ang ilang minuto..
Nang tapos na silang maligo, pumunta na sila sa hapagkainan at nag simulang gumawa ng almusal nila.
"Anong gusto mong kainin?", tanong ni Djwane kay Ella.
"Marunong ka bang magluto, Djwane?", tanong ni Ella kay Djwane.
"Hindi. Hahahaha", natatawang sagot ni Djwane.
"Tulog pa kasi si ate Kyla eh. Ako nalang magluluto, at least may alam ako sa pagluluto kaysa sa'yo. Hahahahah!", pabirong ani Ella.
(≧∇≦)
"Grabe ka naman saakin!", nakangusong ani Djwane.
"Joke lang, na may halong katotohanan. Hahahahahha", Tumatawang ani Ella.
"Ano ba gusto mong pagkain?", tanong ni Ella kay Djwane.
"Gusto ko kasi yung linuluto ni ate Kyl—Wait, diba June 25 ngayon?", ani Djwane na mukhang may naalalang espesyal na araw.
"Talaga? Sandali lang at titingnan ko sa phone ko", nagtatakang ani Ella at tumingin sa cellphone.
"Oo nga! Gisingin natin si ate Kyla!", masayang alok ni Ella.
"Wait, natatakot ako", takot ani Djwane.
"Hindi yan, ngayon yung anniversary ng friendship natin eh!", ani Ella.
"Okay!", ani Djwane.
Pumunta sila sa kwarto nila at ginising si Kyla.
"Ate Kylaaa! Gumising ka na ate Kylaaa!", pangungulit ni Ella.
"Ate Kylaaaaaaaaaaa!", sigaw ni Djwane.
"Bakittttt?", naiinis na tanong ni Kyla. Bumangon siya at kita sa ekspresyon niya na naiinis na. Natakot naman sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/200872533-288-k562375.jpg)
BINABASA MO ANG
| T R O U V A I L L E | : THE BEGINNING
FanficThis story is all about the friendship between three gifted girls who have the same dream-the dream of becoming an idol. But what will happen to their dream if they loved the person that they are forbidden to love? Are they brave enough to take the...