10 : A N G K A S ?

24 9 0
                                    

CHAPTER 10

3rd Person's P.O.V

Habang naglalakad sila, napansin ni Djwane na may isang lalaki na nakaupo sa bike niya pero natuklasan niya na si Hyunjin pala iyon.

"O? Parang si Hyunjin yun ah", ani Djwane at tinuro yung lalaki.

"Oo nga, pero ba't naman naroon siya? Gabing-gabi na kaya", ani Kyla.

"Halika, puntahan natin", ani Djwane.

"Well, pupunta naman talaga tayo roon kasi naroon nakaparada ang mga bike natin", ani Ella.

"Hay nako, Ella", inis na ani Djwane at umiling-iling.

Pumunta na sila sa kani-kanilang mga bike pero habang sila papalapit ay biglaang tumibok nang mabilis ang puso ni Djwane.

"Hmm? Anlakas ng tibok ng puso ko ah", bulong niya sa sarili at tumigil nang saglit. Napatingin at napahinto naman si Ella.

"Huy..Anong pinagsasabi mo r'yan, ayos ka lang?", natatawang ani Ella.

"Ha? Wala.. halika na, tinitingnan na tayo ng masama ni ate Kyla, oh", ani Djwane habang nakatingin kay Kyla, na nakatingin nga ng masama sa kanila.

"Anong nangyari, bakit kayo biglang tumigil?", tanong ni Kyla sa dalawa.

"Eh etong si Djwane bigla-bigla na lang huminto at kinakausap ang sarili, kaya huminto rin ako at tinanong kung ayos lang siya", paliwanag ni Ella, tumingin naman si Kyla kay Djwane.

"Habang naglalakad kasi tayo ay bigla kong nakalimutan yung steps sa sayaw natin kaya tumigil ako at inisip yung step na nakalimutan ko, hehe", palusot ni Djwane at ngumiti. Mukha namang naniwala si Kyla sa sinabi niya at tumuloy na sa paglalakad.

Umiling-iling si Djwane.

"Hayaan mo na yan, baka pagod lang yan kaya ganto na lamang kalakas ang tibok ng puso ko", sabi ni Djwane sa kanyang isip.

Naroon na sila sa mga bike nila.

"Hyunjin?", tawag ni Djwane kay Hyunjin pero hindi niya yata narinig ang sinabi ni Djwane.

Tiningnan naman ni Ella si Hyunjin at may nakitang naka salpak sa tenga.

"May nakalagay sa tenga niya kaya hindi ka niya narinig", ani Ella na nakatingin sa tenga ni Hyunjin. Tumango naman si Djwane at lumapit kay Hyunjin.

"Hellooo?~", ani Djwane habang kinakawayan si Hyunjin sa kanyang mukha, napansin naman ito ni Hyunjin.

"O? Hello! Kanina pa ba kayo rito?", gulat na tanong ni Hyunjin habang tinatanggal ang AirPods na nakasalpak sa kaniyang tenga. Tumango naman ang KMD.

"Ay talaga? Ba't nandito pa kayo? Late na kaya", tanong ni Hyunjin sa kanila.

"Nagpractice pa kasi kami, baka kasi masabon ulit kami ng choreographer eh. HAHAHAHA! Pero pauwi na kami", natatawang sagot ni Djwane sa tanong ni Hyunjin.

"Kaya pala", natawa nang bahagya si Hyunjin.

Inisip nang mabuti ng KMD kung ano ang ibig sabihin nung sinabi ni Hyunjin. Ayos lang naman sa dalawa, kay Ella at Kyla, pero nang nalaman na ni Djwane, she felt uncomfortable at naconscious sa sarili. Nakita ni Hyunjin ang naging reaction niya at nagpaliwanag.

| T R O U V A I L L E | :  THE BEGINNINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon