8 : C E L E B R A T I O N !

33 9 0
                                    

CHAPTER 8

3rd Person's P.O.V
   Pagkatapos ng event, pumunta sila, ang mga JAT artists at staff, sa isang restaurant at nagsalo-salo. Nagtabi-tabi ang ITZY, STRAY KIDS, & KMD sa right side ng long table. Sa left side naman ay ang TWICE, GOT7, at iba pang artist ng JAT. Nasa ibang lamesa naman ang mga staff ng JAT.

Sila ay nagsitawanan sa mga biro na lumalabas sa bibig ni JAT. Pero habang sila ay nagbibiro sa isa't- isa, mayroong nabanggit ang kanilang boss na ikinagulo naman nila.

"Alam niyo, noong pinapanood ko yung performance niyo, nakitaan ko ng magandang chemistry yung ilang pairs. Pero lahat naman kayo nakitaan ko ng magandang chemistry, pero yung pairs na yun ang talagang nagstood-out para saakin", ani JAT pagkatapos niyang uminom ng juice.

"Oooooohh? Talaga po? Sino-sino po sila?", tugon ng lahat.

"H'wag na, baka magka-developan pa. HAHAHAHAHA!", ani JAT.

"Andaya!", tugon ng lahat.

"Sige, isang clue lang ah? Sa grupong STRAY KIDS, ITZY, at KMD ko yun nakita", ani JAT

"AYIEEEE! Sino kaya yun?", panunukso ng grupong Twice at GOT7.

"Tama na yan, basta sa kanila ko yun nakita. At! 'wag niyong kalimutan na ginawa niyo lang yun para sa anniversary ng JAT Ent., ah?", ani JAT.

"Opo!", tugon ng lahat.

Pagkatapos nun ay tumuloy na ulit sila sa pagsalo-salo. Pero saglit lang ng pagkakasabi niya noon ay tumingin siya sa KMD tapos lumipat ang kaniyang mga tingin kanila Changbin, Felix, Han, at Hyunjin. Pero walang nakakita maliban kay Djwane na nakita sa kanya. Ngumiti naman si JAT sa kanya at ngumiti rin si Djwane pabalik sa kanya.

End of 3rd Person's P.O.V

DJWANE's P.O.V
Narito kami ngayon sa isang restaurant at nagsalo-salo. Nagsisitawanan sila ngayon, sobrang nakakatawa kasi yung mga jokes na sinasabi ngayon ng aming boss. Si ate Kyla rin napapatawa na, minsan lang yun tumawa ng ganyan, palaging seryoso, HAHAHAHAH! Si Ella naman, heto lamon ng lamon, parang ngayon lang makakain ng ganitong pagkain. Palibhasa, consider niyo na grabe rin kasi yung diet namin, maraming bawal kainin, hays! Kaya lubos-lubusin na ang paglamon ng pagkain ngayon Hahahaha!

(∩_∩)

"Alam niyo, noong pinapanood ko yung performance niyo, nakitaan ko ng magandang chemistry yung ilang pairs. Pero lahat naman kayo nakitaan ko ng magandang chemistry, pero yung pairs na yun ang talagang nagstood-out para saakin", ani JAT na nakakuha lahat ng atensiyon namin.

⊙0⊙

Talaga? Alam na this! Alam na sina Yeji at kuya Bangchan & sina Chaeryeong at kuya Lee Know ang tinutukoy niya eh. Hindi na kailangan pang itanong kung bakit. Maganda yung chemistry ng dalawang pairs eh. Sana all.

"Oooooohh? Talaga po? Sino-sino po sila?", tanong naming lahat.

"H'wag na, baka magka-developan pa. HAHAHAHAHA!", biro ni JAT.

"Andaya!", tugon ng lahat.

Tumawa naman kami. Nakita kong nawalan na ng interes sina ate Kyla at Ella kaya tinuloy na lang nila ang kanilang pagkain. Kakain na rin sana ako pero bigla ulit nagsalita si JAT.

"Sige, isang clue lang ah? Sa grupong STRAY KIDS, ITZY, at KMD ko yun nakita", ani JAT.

"AYIEEEE! Sino kaya yun?", panunukso ng grupong Twice at GOT7.

| T R O U V A I L L E | :  THE BEGINNINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon