Prólogo

11 1 0
                                    

My life is a big cheat. They always say, when life gives you lemons, why not make some lemonade? Eh paano kung gusto ko ng apple juice or pineapple juice or maybe a coconut juice fresco? Posible ba yon? Of course, no. You blindly thought marami kang pagpipilian but actually, it has only one choice. It always settle for one decision.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Iniikot ang paningin sa paligid. Nasa isang maliit na kwarto ako na sa tingin ko ay gawa naman sa kahoy. Maliit din ang napakatigas na kamang hinihigaan ko. Lagpas na yung mga paa ko sa paanan nito.

I tried to sit but my weak arms gave up kaya napabalik ako sa paghiga. I also can't  move my legs! My whole body is aching!

Ilang minutong dumaan, inabala ko na lamang ang sarili kong nakatitig sa bubong na mukhang isang ihip lang ng hangin ay tiyak na lilipad na ito sa kabilang dako.

"Nay! Nay! Gising na si ate Ganda!"

Napabaling ako sa maliit na pintuan kung saan may sumisilip at nagsisigaw na batang lalaki. Sa sobrang liit ng pintuan tila gumapang pa yung bata papasok sa kwarto!

"NAY! NAY! NAY!" patalon-talon na sigaw uli nung bata nang makapasok. Agad naman akong napabaling uli sa pintuan at nakitang may aleng gumagapang na rin sa pintuan gaya nung ginawa kanina nung bata.

"Jusko! Napakaingay mong bata ka!" sita nung ale sa anak kaya sinimangutan naman siya nito. Agad naman itong nakabawi at nakangisi uli saakin kasabay ng pag-iling ng ina at iginawad na rin ako ng tingin.

"Pasensya ka na ineng. Buti naman at nagising ka na. Akala namin--"

"mamamatay ka na!" singit nung bata na agad namang tinampal ang bibig.

Lutang ko silang tinititigan. Tila naguguluhan sa nangyayari. Nasaan ba ako? Bakit ako narito? Paano ako nakarating rito? At sino... ako?

Agad akong nakaramdam ng takot. Takot para sa sarili na tila hindi ko rin nakikilala yung sarili ko mismo maliban sa mga estrangherong nasa paligid ko ngayon.

Napabalikwas ako sa kama at takot silang tinitingnan. I immediately covered myself with the blanket-- oh wait! This isn't a blanket! Isa itong sako! The one that is filled with rice?! Dios mio!

"Ineng, huwag kang matakot. Hindi kami masasamang tao. Mabuti na nga lang at nakita ka ni Toba. Duguan kang nakahandusay doon sa tambakan ng mga basura kung saan nangangalakal yung anak ko. Hindi namin alam kung saan ka nanggaling o paano ka napadpad rito sa lugar namin. May naaalala ka ba ineng?"

I shook my head tila hindi sigurado kung anong isasagot sa tanong niya. My head suddenly throbbed kaya napahawak ako sa ulo kong ngayon ko lamang napansin na may nakatapis na tela.

Dios mio! What's happening to me?! Why can't I remember anything?

"Wala kaming nakitang naiwang gamit mo kahit selpon! Pero heto-" hinahalughog nung ale ang kanyang bulsa at inilabas ang isang hugis susing kwintas na mukhang gawa sa pilak. Inilagay niya ito malapit sa kung saan ako nakaupo.

"Nakita raw yan malapit sa kung saan ka nakahiga at sa tingin namin iyo iyan."

Napapikit ako nang hinawakan ang kwintas, pilit na iniiwasang lumandas ni isang luha. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako, dahil ba sa sitwasyon ko ngayon o sa insidenteng kailanman hindi ko naaalala. My head is throbbing again. I don't know what to react!

"Nay." isang mababang boses ang nagpatigil sa aking paghihisterya. My mind is clouded with so much confusion to the point na hindi ko napansin na tatlo na silang nakatayo sa harapan ko.

A man I think in his early 20s is standing near the small door. Tama lamang ang laki ng pangangatawan nito but I gotta admit that he has larger frame than that door! Ni hindi ko na inalam kung gumapang din ba siya papasok dun sa maliit na pinto.

My Own PlatinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon