"Collineeeee! Bangon ka na dyaannnn!" Isang matinis na boses ang bumabasag sa eardrums ko.
"Colline, Colline, Colline!!!!" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa pagkakayugyog sakin ng babaeng to.
Tiningnan ko ang oras sa wall clock ko at napasapo ako sa ulo ko ng makita kong 6am palang ngayon.
"Stella namaaaannn, 6 palang. Bat ang aga mo ngayon??? May lakad ba tayo ngayon?" Bumalik ako sa pagkakahiga at nagbalot sa kumot.
Di nya ba alam na kailangan kong magpahinga?
"UGHHHHH! GRRRR!" Naramdaman ko ang pagka frustrate nya kayat napahiga din ito sa tabi ko. Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya.
"What's wrong Stella?" Kusot mata ko ulit syang tiningnan. Bat parang mas frustrated pa sya kaysa sakin? Di nya ba alam na ako yung nawalan dito?
"Do you even know na NANDITO SYA?" Taas kilay nyang tanong sakin???
"Sino???" Wala akong maisip kung sino, Kung si James man yon. Hmmmm, lagi naman syang nandito. Saka bakit may diin yung pagkakabanggit nya?
"Hayyyst, whatever, basta binalaan na kita ha. NASA BABA SYA." Pagkasabi na pagkasabi nya non ay sinarado nya yung pinto.
Bigla akong kinilabutan dahil sa kawierdohan ng babaeng yon. Myghad Stella? Ano ba yun?
Dahil sa pangbubulabog ni Stella ay napabangon na din ako ng wala sa oras.
Agad agad kong tiningnan ang sarili ko salamin.
Hayyysttt!
Tanging buntong hininga nalang ang nagawa ko ng makita ko ang sarili ko sa salamin.
Magang maga parin ang mata ko dahil sa magdamag kong kaiiyak kahapon. Kahit ang buhok ko di ko na magawang masuklay dahil parang nawawalan na ko ng gana mabuhay.
Parang maiiyak ulit ako sa twing maalala ko ang nangyari kahapon.
Waaaaahhhhhhhhh!
Unti unting namumuo ang luha sa mga mata ko. Halos ayaw magpaawat ng mga yon na para bang may sariling buhay at sunod sunod na nagsilaglagan mula sa mga mata ko.
Sinampal sampal ko ang sarili ko. Kahit anong mangyari, di ko na maibabalik ang kung ano man ang nawala sakin kahapon.
KASO, SA HARAP PA MISMO NI JAMES! Di ako makapaniwalang di si James ang naka una sakin.
Inayos ko muna kahit papaano ang sarili ko pero parang walang buhay padin akong lumabas ng kwarto.
Nasa hagdan palang ako, rinig na rinig ko na ang kantang naka play.
Gusto ko sanang sabayan yung kanta kaso nawawalan padin ako ng gana.
"Oh, Colline? Bat nakapantulog ka pa? Di ka na nahiya sa mga bisita. Magpalit ka nga ron! Pati muka mo! Para kang ZOMBIE!!!" Pagrereklamo sakin ni Kuya.
"Sino bang bisita???" Napatingin ako kay Stella na nasa di kalayuan lang samin. Napatingin din ito sakin at mistulang tinarayan ako.
"Si Stella lang naman pala eh, bisita bayan? Bwisita yan eh." Pang ookray ko sa kanya pero mukang waepek. Parang demonyonita pa ito at nginitian ako na parang may kung ano syang binabalak.
"Hi Colline, Morning. Anyare sayo??" Napansin ko si kuya Sam na nandito nadin sa kusina at umiinom ng energen.
"Wala naman kuya Sam. Morning din." Mabuti patong kapatid ni Stella na si kuya Sam mabait at may pakealam sakin. Tsk tsk tsk
"Asan si Jah?" Tanong ko kay kuya Sam.
"Nako tulog pa yun. Anong aasahan mo dun?" Sagot ni kuya Sam na naglalagay ng palaman sa tinapay.
BINABASA MO ANG
He Who Stole my First Kiss
Romance*SB19's fictional story.* A girl who wish to have her first kiss in a very romantic scene. A gril who wants her first kiss to be given to someone who truly loves her. A girl who believes that first kiss is sacred, it must be given to someone whos wo...