Nagising ako ng nag bebreakfast na sila Stella. Para akong tinubuan ng hiya. Di man lang ako ginising ni Stella. Nakikitulog na nga lang ako at lahat lahat, tanghali pa kong nagising.
"Hija, upo ka na dito oh. Kain ka na. Sabi ko ay wag ka munang gisingin dahil si Stella naman ang dahilan kung bakit ka napuyat kagabi." Bati sakin ni tita, mama ni Stella.
Gaya ng sabi ni Stella, nandito ang ilan nyang kamag anak na galing Canada. Mas domoble ang hiya ko dahil may mga taong hindi ko kilala. Sana naman ay nahawaan ako ng kakapalan ng muka ni Stella. Di ko tuloy mapaniwalaang may pagkakapareho ang magkakaibigan dahil makapal ang muka ni Stella. Ako naman ay maganda. Well.
Umupo ako sa tabi ni Stella na mukang iniwanang bakante para sakin talaga.
Late na ng dumating si Kuya Sam kaya malamang ay ganon din si Kuya kaya siguro hindi na nya ako sinundo pa.
Naikwento ni kuya Sam ang pag uusap nila kagabi at halos lumundag ako sa tuwa. Nabalitaan ko din na ang management management na sinasabi nila. Hanggang ngayon daw ay hindi sila sigurado sa magiging desisyon nila.
Dalawang linggo nalang at magsisimula na ang Competition. Gaya ng napag usapan nila kuya ay may practice sila ngayon. Sa bahay nalang daw nila kuya Seb ang practice nila.
Natapos ang breakfast namin, gaya ng dati ay madaldal si Stella. Napaka kapal ng muka nya, ewan ko kung dahil ba kapamilya naman nya ang kausap mya o makapal lang talaga ang muka nya. Kahit kanino iharap ay may sasabihin at sasabihin sya. Minsan naiisip ko kung ambon ba sya o ano. Si kuya Sam kasi ay madaldal man, di naman sing kapal ng muka ni Stella.
Naligo muna ko sa kwarto ni Stella. Gaya ng dati ay katabi ko syang matulog. Sabi ko ay silipin muna namin sila kuya sa practice, peeo dahil wala naman silang gagawin kundi ang sumayaw, mag shoshoping nalang kami pagkatapos naming silang silipin.
Magkakasabay kaming lumabas ng bahay nila kuya Sam. Walking distance din lang ang layo ng bahay nila pero nasa dulo ang bahay nila kuya Seb.
"Sebassstttiiiaannnnn!" Tawag ni kuya Sam mula sa labas ng bahay. Bukas na ang pintuan ng bahay ni kuya Seb nang makarating kami kaya dirediretsong pumasok nalang si kuya Sam. Sumunod nalang kami.
"Kumain na kayo?" Agad niting bati ng makita kami. Nasa kusina na sya at nagliligpit ng kinainan nya.
Wala halos kasama sa bahay si kuya Sam, nasa probinsya daw ang pamilya nya kasama ang mga kapatid niya. Paminsan minsan lang namin nakikita ang pamilya ni kuya Seb pag may okasyon.
"Oyes, pero kung may pagkain ka, di naman ako mapili." Sabi ni kuya Sam na agad binuksan ang ref.
Naglabas si kuya Sam ng Juice at ilang baso.
"Upo na muna kayo don Colline, asan na daw ang kuya mo?" Tanong ni kuya Seb ng makalapit sya sa Sala. Kinuha nya ang remote at binuksan ang tv.
"Ahh, baka po malapit na." Ang totoo ay di ko padin nakakausap si kuya. Kung dati ay tetext nya ko sa gabi para lang itanong kung ayos lang ba ko o kaya ay mag gogood night kapag sa ibang bahay ako nakitulog.
Galit parin siguro sya. Iniisip ko kung hanggang kailan ba sya magagalit sakin .
Maya maya lang ay may bumusina kaya sinilip namin yon. Si Jah pala. Hinanap ko si kuya na baka kasama nya pero wala. Okay na din kaya sila? Sana naman ay okay na sila.
"Morning." Bati ni Jah ng makapasok sa bahay ni kuya Seb.
"Good Morning." Bati namin.
Agad na dumapo ang mata sakin ni Jah at nginitian ako. Parang nakakapagtaka tuloy ang ngiti nya, okay na kaya sila ni kuya?
BINABASA MO ANG
He Who Stole my First Kiss
Romance*SB19's fictional story.* A girl who wish to have her first kiss in a very romantic scene. A gril who wants her first kiss to be given to someone who truly loves her. A girl who believes that first kiss is sacred, it must be given to someone whos wo...