17: FRY-DAY

276 18 1
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Friday na agad..

Agad akong nag inat tiningnan ang orasan. Sakto lang ang gising ko.

"Good morning baby" masaya kong bati kay Ice Bear. Niyakap yakap ko sya.

"Kahit papaano, masaya akong kahit papaano ikaw ang unang nakikita ko." Di ko mapigilan ang pagiging sarkastiko.

"Mag aayos na muna ako baby ah? Papasok pa si Mommy. Hihihi." Binuhat ko sya at iniharap sa bintana.

"Say goodmorning to your daddy. Good morning daddy." Di ko mapigilan ang humagikgik dahil sa kaharotan sa isip ko.

Sumilip ako sa bintana. Bukas na ang ilaw nya.

"Good Morning." Bulong ko pero laking gulat ko ng magbukas ang sliding door sa veranda nila.

Syet!

Iniluwal ng kwartong yon ang pipikit pikit pang si Jah. Naka black na sando to at bakat ang muscles sa katawan nya.

Napansin kong nagulat din sya.

"Hi?" Nakangiti nyang bati. Syeeett!

Ang ganda naman ata ng umaga ko ngayon.

Itinaas ko si ice bear. "Good Morning Hihihi."

Ngayon ko lang sya naabutan sa veranda ng bahay nila. Madalas kasi syang tanghaling magising kayat madalas na bihis na ko tapos gigising palang sya.

Di ko mapigilan na kiligin. Potek agang aga nakakaihi ka Jah.

"Good Morning." Matamis na ngiti ang pinakawalan nya. Ngiting nakakapanlambot syet!

"Coffee?" Alok nya pa sakin ng kape.

"Thank you." Pilit kong kinalma ang sarili ko.

Sandali pa at nagtitigan kami. Ngiting may kasamang kilig. Hindi ako napakali at ibinuhos ko kay Ice Bear lahat ng kilig ko.

"Sige, prepare na ko Jah. Good morning ulit." Mahina lang ang pagkakasabi ko pero alam kong rinig nya yun.

"Sandali!" Natigilan ako at naglingon muli kay Jah.

Hmm, ano naman to this time Jah? Nako patay ka pag si kuya nakarinig sayo.

"Sabay tayo papasok?" Medyo hindi nag sink in sakin anng sinabi o tinanong nya.

"H-huh?"

"I mean, pwede bang sakin ka nalang sumabay? Please??" Tonong nakikiusap at nagmamakaawa ang dating nya.

"Ngayon lang" Dagdag pa nito ng walang tunog.

Natawa ako sa itsura nya ngayon dahil nakasimangot sya. Nakanguso at nagpapaawa.

Ibinaba ang tasa ng kape sa sa tabi nya at pinagdikit ang palad.

"Please Coco."

Pinikit pikit pa nya ang mata nya. Kahit malayo kami sa isat isa, kitang kita ko ang mga maliliit na kilos nya.

Natawa ako. Tawang may impit na kilig.

Tanging tango lang ang naisagot ko. Di parin nawawala ang ngiti sa labi ko.

Isang magandang ngiti ang lumitaw sa muka na na parang nanalo ng jackpot prize.

Iiling iling akong nagpaalam, maganda padin ang ngiti sa labi.

Nagpaalam na ko sa kanya para mag aayos. Tumango naman sya at kumaway na nag paalam sakin.

Kahit pagtalikod ko ay ramdam ko ang mga titig nya. Binabalot ako non. Nakakatuwa.

He Who Stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon