15: HARANA

253 17 1
                                    

Matapos ang dalawang subject namin ay break na ulit.

Gaya ng napag usapan, nasa labas na nga sila Piolo at binibiyabit si Ronnie. Nagpupumiglas pa si Ronnie pero di maawat si Piolo dahil tuwang tuwa ito sa paghila kay Ronnie.

"Ssst!" Pagtwag ko kay Stella..

Ayaw nya daw lubabas ng room. Kanina pa sya di umiimik. Mukang badtrip na badtrip. At dahil badtrip sya, mas natutuwa ako.

"Ayaw mo talagang lumabas? Bahala ka. Mamaya may manliliingkis na sa bebe mo."

"Tumigil ka Colline. Wala ko sa mood"

"Wow, bago yan ah. Hahaha. Di mo makikita kung paano kumanta sa Ronnie."

"Sa ayoko eh. Bakit ba?"

"Tsk, bala ka nga dyan."

Tinalikuran ko na sya. Lumabas na ko nandon na sila baby Jah.

Medyo malawak ang corridor namin. Umupo sila pabilog don. Si Piolo ang may hawak ng gitara at nasapa pagitan ni Ace at Jah si Ronnie. Bakas padin sa muka ni Ronnie ang di pagsang ayon.

"Oh Colline, asan si Stella?" -Piolo

"Ahh, don sa loob. May dalaw ata eh. Badtrip."

"Ahh. Sayang." Tumango tango pa si Piolo at nagstrum sa gitara.

"Ano? Handa ka na Ronnie mang Harana?" Tatawa tawa pasi Ace na halatang nanunuya kay Ronnie.

"Sino ba gusto mong haranahin Ronnie?" Umupo ako sa tabi ni Piolo. Naka indian sit ako at ganon din ang mga lalaki.

"Oh Stella, okay ka lang?" Nilingon ko ang likura  ko dahil sa sinabi ni Ace.

Tsk. Di naman makatiis..

"Okay lang, medyo mainit kasi sa loob. Nakakabadtrip lalo. Daming mahaharot."

Napailing iling nalang ako kay Stella. Naupo ito sa tabi ko.

"Oh sisimulan ko na ha." Nagsimula nang mag strum ng gitara si Piolo. Kahit intro palang ng kanta ay napapa sway na ko.

"Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago?
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba"

Napalingon ako kay Stella na ngayon ay nakatungo.

Maganda ang boses ni Ronnie. Malamig, masarap sa tenga at mukang effortless sya sa pagkanta. Di ko maiwasang mapatitig at mamangha. Kahit wala pa man, at intro palang ay nakakalaglag panga na talaga ang boses nya.

"Meron pang dalang mga rosas
Suot namay Maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma naka barong
Sa awiting daig pa minus one at sing along"

Napatingin ako kay Jah at ganon nalang ang gulat ko ng magtama ang mga mata namin. Nakatingin ito sakin.

Bigla akong tinubuan ng hiya. Kanina pa ko nakanganga at manghang mangha kay Ronnie tapos ayon si Jah. Kitang kita nya ang pagnganga ko.

Napatungo ako dahil sa kahihiyan.

"Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
At sa awitin kong ito
Sana'why maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sayo"

He Who Stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon