1: OVER PROTECTIVE KUYA

778 26 3
                                    

*Yesterday,
Friday*

"Kuyaaaaaaaaa Joshuaaaaaaaaa! Gumising ka naaaaaa. Tanghali ka na namannnnnn!"

Halos limang minuto na ko nagpabalik balik sa kwarto ng kuya ko para gisingin sya. Mag aalas syete na at baka tanghaliin na naman ako sa pagpasok.

"Aish, ikaw kasi ambagal mo maligo. Inantok tuloy ulit ako." Kinukusot kusot pa ni kuya ang mata nya at tuluyan nang bumangon.

"Tsk, bat ka kasi natulog pa? Wala ka bang pasok?" Hindi ko na hinintay ang sagot ni kuya. Lumabas na ko sa kwarto nya para makapagbihis na sya.

Bumaba na ako at nagderetso sa kusina para kumain. "Kuya bilisan mo naaaaaa! Kakain ka pa." Paalala ko sa kuya kong isa pang mabagal kumilos. Tsk! Kala mo babae kung mag ayos.

"Im the most charismatic guy you'll ever see." Pangagaya ko sa palaging sinasabi ni kuya tuwing nakaharap sya sa salamin.

"Charismatic daw sya. Di naman ma spell yung charis---- arayyyyy! Kuyaaa bineltukan mo na naman akooooo! Isusumbong na talaga kita kay mama this time!" Pag atungal ko dahil sa beltok ng kuya kong walanghiya.

"Hoy charismatic talaga ako noh, kahit kay papa mo pa itanong. Tsk, palibhasa di ka nabiyayaan ng charisma eh. Poor sister ok lang yan. Kumain ka na nga lang dyan." Tinap pa ni kuya yung ulo ko na parang aso. Bigla akong naasiwa sa muka nya kaya binato ko sya ng hotdog. Nawalan tuloy agad ako ng gana kumain kaya tumayo na ko.

"Kuya bilisan mo na ah, ambagal mo kumilos." Hayyyst nagsasapatos pa, ang kupad talaga.

Dali dali akong lumabas para tingnan si Jah sa labas.

Sumakay na ako sa kotse para hindi mahalatang hinihintay ko talaga syang lumabas.

Maya maya pa ay lumabas na ang pinaka gwapong nilalang sa buong mundo.

Dumeretso ako ng tingin at nag abala sa cellphone ko.

Nagulat ako ng maramdaman si Jah sa tabi ko. Nakadungaw na ito sa bintana ng sasakyan at nakangiti sakin.

"Hi Colline, tanghali na ah. Late na naman ba si Kuya Josh?" Nakangiti nitong tanong.

Parang biglang nagningning ang paligid ko. Sobrang lapit sakin ni Jah.

"Ahh oo, tinanghali na naman si kuya. Lagi naman eh. Eh ikaw? Tanghali ka na din ah?" Ngiting ngiti kong sabi habang nakatitig sa muka nya. Napakagwapo talaga ng baby Jah ko.

"Ahh, sira kasi ang sasakyan namin eh, ipapaayos pa daw mamaya." Nanlaki ang mata ko ng marinig yun. Omo, chance ko na to.

"Pwede kang makisabay samin." Pleaseeee. Umoo ka. Please Lord, chance ko na to. Pleaseeeee.

"Ahhh, salamat pero may dadaanan pa kasi ako, saka napag isipan kong mag skateboard papasok sa school eh." Napatingin ako sa hawak nyang skateboard.

Grrrr, why so talented baby Jah??? Bigla tuloy akong nanghinayang, sana pala di ko na ginising si kuya.

"Oh James, Ano ginagawa mo sa kapatid ko ah? Gusto mo beltok?" Biglang umepal si kuya. Hayyyst. Ano ba kuya, di pa nya ko nililigawan. Nandyan ka kasi eh.

"Hahaha. Wala pa naman kuya, tinanong ko lang." Nagulat ako sa sinabi ni Jah. Ano yung WALA PA???? MAY PLANO KA?? GAWIN MO NA JAAAAH! Para kong hibang na pinipigilang kiligin. Pinapaasa na naman ako ni baby eh!

Lumapit sya kay kuya para kausapin. Tsk, lagi naman silang ganyan. Ayaw iparinig yung usapan nila. Tsk.

Pumasok na si kuya sa loob ng sasakyan at umupo sa driver's seat.

"Pano James, una na kami." Bumusina si kuya bago tuluyang pinaandar ang sasakyan at ako ayun, nakahabol ng tingin kay baby Jah.

Nagpaalam na din ako sa kanya. Di ko mapigilang kiligin habang humahanga sa galing ni Jah mag skateboad.

Ramdam ko ang ngiti kong mukang ikakapunit ng muka ko.

"Hoy ikaw Colline, may gusto ka ba dyan kay James??? Maaga palang pinagbabawalan na kita makipag relasyon sa kahit kanino. Tingnan mo, pagnakita kitang may kasamang lalaki, diretso ospital yun. Sinasabi ko talaga sayo. Naku." Nagulat ako sa mga pinagsasabi ni kuya. Bigla nalang syang nagsalita at kala mo may kung anong ipinaglalaban.

"Talaga kuya? Kahit si James??" Bigla akong sinamaan ni kuya ng tingin.

"Kuyaaaaa, nag dadrive kaaa. Tumingin ka sa kalsada." Agad namang bumalik ang tingin ni kuya sa kalsada.

"Okay lang siguro, pero HINDI NGAYON. Tapusin mo muna yang pag aaral mo. Dapat grumaduate ka muna." Kala mo naman tatay ko sya kung pangaralan ako.

"Naku tamang tama kuya, malapit na kong grumaduate this year. Pwede na ba------." Di na ko pinatapos ni kuya magsalita at pinitik ako sa noo.

"GRUMADUATE KA MUNA SA KOLEHIYO COLLINE. KO-LE-HI-YO HINDI HIGH-SCHOOL! Di kita pinalaki para mag asawa ng maaga ha! Tutuktukan kita dyan talaga."

"Opo tatay." Pang aasar ko pabalik sa kanya.

"Seryoso ko Colline, si James andyan lang. Magtapos ka lang ng kolehiyo at ako na magpapakasal senyo."

Ay putananenae. Halos gusto ko nang magsisigaw sa kilig. Putekkkkk! Konting konti nalang talaga at makukumpirma ko nang hinhingi ni Jah kay kuya ang permiso para ligawan ako. Kyaaaaaaaa! Parang gusto kong magtatatalon dito sa loob ng sasakyan. Poteeek!

Pero hold your feelings Colline. At para hindi mahalata na kinikilig ako,

"Talaga kuya, ikaw magpapakasal samin? Aahhh  balak mo na palang mag pare ngayon ha."

"Sige pag nagpare ako pag mamadrehin kita."

"Hehe  joke lang. Kuya di mabiro."

"Pero seryoso to ha. Ayaw kong makita kang nakikipagharutan dyan." Seryoso talaga si kuya pag dating sa ganto.

"Of coase kuya. Saka pano naman may magtatangkang lumapit sakin eh halos lahat na nga ng kakilala kong lalaki takot sayo."

"Goood." Napangiwi nalang ako. Hayyyst  kelan pa naging mabuti ang layuan ka ng mga tao dahil may kuya kang super super duper duper protektive.

Naka abot kami ng school na halos buong byahe pinapangaralan ako ni kuya sa mga bagay na dapat at di ko dapat gawin. Galing diba? Parang grade 1 lang ako tas sya tatay ko.

Hayyyst. Halos anim na bwan nalang at gagraduate na ko pero yung mga sinasabi ni kuya di nagbabago. Halos masaulo ko na nga.

"Ssssssshhhhhhhh, dito na po ako tatay, naalala ko na lahat ng bilin nyo. Okay na po. Bababa na ko ha?" Mahinahon kong tugon kay kuya at magmamano pa sana ko ng pitikin nya ko sa noo. Napaatras tuloy ako dahil sa sakit.

"Wala kang baon ha." Pagkasabi nya non ay sinarado nya ang pinto at nagmaneho palayo.

Naglakad na ko papasok ng gate at doon nakita ko si Stella. "Antagal mo ahhhh  kanina pa ko nakabangla dito." Reklamo nya pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya.

"Sorry na, bagal ni kuya eh." Pagdepensa ko.

__________

PLEASE VOTE, COMMENT AND FOLLOW IF YOU LIKE THE STORY.

Follow me on TWITTER: @InfaKnight7

THANK YOU!!❤❤❤❤❤❤❤❤

He Who Stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon