Nakarating na kami sa bahay at bakas padin sa mga labi ko ang tuwa. Halos di ko ma explain ang nararamdaman ko.
Tinulungan ako ni Jah na ipasok ang mga pinamili namin.
Gaya ng napagkasunduan namin, magiging honest lang kami sa isat isa at magiging normal lang gaya ng dati. Hindi naman mahirap yon eh.
Pumasok na ko sa bahay.
"Nandito na ko kuyaaaaaa." Anunsyo ko. Pag pasok na pagpasok ko, nakita ko yung Kenzo na yun na nakaupo sa upuan at nakataklob ng somblero ang muka nya. Mukang natutulog.
Tsk! Dito nga pala tutulog tong isang to. Napairap nalang ako. Nababadtrip ako sa presensya nya.
Inilagay ko na sa kusina ang mga pinamili ko. Inayos ko na yung mga gagamitin ko. Sinimulan ko nang magpakulo ng tubig sa kaldero. Naggayat ng sibuyas at mga gulay. Sunod sunod kong ginawa ang proseso kung paano magluto ng sinigang.
Ilang minuto na ang nakalipas at hinihintay ko nalang maluto ang sinigang. Nasan na kaya si kuya?
Lumabas ako ng kusina at nakita ko ulit yung Kenzo na natutulog sa sofa.
Nakakairita talagang makita sya dito sa bahay. Pakiramdam ko nakaka drain sya ng kilig at lahat ng happy moments eh.
Umakyat ako sa taas para tingnan kung nandon si kuya. Nakita ko naman syang nakahiga at nag cecellphone sa kama nya.
"Kuya. Paluto na yung sinigang." Napalingon ito sakin pero parang walang narinig at bumalik lang sya sa pag cecellphone nya.
Umupo ako sa tabi nya.
"Kuya, bat nandito po yung Kenzo na yun? Tsk, wala bang bahay yun?" Hala eto na naman ako. Kahit di ko sinasadyang makapagsalita ng masama sa kanya, parang pag sya ang nasa usapan bigla nalang ako naiirita.
"Salbahe ka ha. Di kita pinapalaki ng ganyan." Hinampas ako ni kuya ng unan nang hindi man lang pinuputol ang tingin nya sa cellphone nya.
"Kuya kasi, naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kasi....." di ko na matapos yung sinasabi ko dahil naiinis na naman ako pag naalala ko.
Tiningnan na ko sawakas ni kuya. "Alam mo Colline, hindi masamang tao si Kenzo. Kalimutan mo na yung nangyari, wala na tayong magagawa saka di nya din naman gugustuhin na mahalikan ka. Ikumpara mo nga sayo si Kenzo, dapat mga model dinidate non eh. Hahahaha."
"Edi sana yung model hinalikan nya at di ako. Grrrr! Kadiriiii!" Kapal ahhh. So napakababa pala ng tingin sakin ng kuya ko ha?
Napangiwi ako sa mga pinagsasabi ni kuya. Sino bang kinakampihan nya???? Tsk. How can he be so sure about him? Saka model? Duh? Poging pogi si kuya sa Kenzo na yon?
"Maging mabait ka nalang sa kanya. Hahaha sya ang magdadala ng tagumpay satin no." Confident na sabi ni kuya habang pinupunto yung pagsali nila sa Contest.
Inirapan ko nalang si kuya. Tsk. Kahit kelan talaga napakayabang nya.
"Ano ba yan kuya??" Pag uusisa ko sa kanina pa nyang tinitingnan sa cellphone nya.
"Wala, mga video clips lang nung mga nakaraang contest ni Kenzo, naghahanap ako ng steps na pwede namin magamit. Oh tingnan mo." Tumayo na ko bago pa nya maipakita yung sinasabi nyang video clips.
Wala akong pakialam sa kung pano magsayaw ang damuhong yun.
"Mas magaling pa si James dyan eh. Bumaba ka na kuya, maluluto na yung Sinigang mo." Lumabas na ko sa kwarto ni kuya. Tsk. Parehas sila nung Kenzo na yun na nakaka drain ng happy thoughts.
Bumaba na din si kuya patungong kusina kasunod ko. Pinatay ko na yung sinigang tapos naghain na sa lamesa.
"Kuya, kain na."
BINABASA MO ANG
He Who Stole my First Kiss
Romance*SB19's fictional story.* A girl who wish to have her first kiss in a very romantic scene. A gril who wants her first kiss to be given to someone who truly loves her. A girl who believes that first kiss is sacred, it must be given to someone whos wo...