18: KUYAAAAA

365 18 6
                                    

Ilang minuto lang at nasa school na kami.

"Hey, smile na. Baka insipin nila inaway kita eh."

"Okay na ko. Tara na."

Pinilit kong maging ayos. Pinilit na ngumiti ay pinakitamg normal ang lahat.

Nakakabahala padin ang galit ni kuya. Kinakain ako ng konsensya ko at buonh sistema.

Ang kapal ng muka kong simulan ng ganon si kuya tapos ako naman pala tong di makakatagal.

Ang tanga mo Colline! Alam mo naman kung ano ano ang mga kinaiinisan mi Kuya eh! Ginagawa mo pa. Dapat makipagbati ka na sa kanya agad! Wag mong patagalin pa.

Naalala ko tuloy ang huling pag aaway namin ni kuya. Isa yon sa pinakamalalang away namin. Halos isang bwan bago kami nagbati.

Nagalit sya non dahil nagpumilit akong pumunta sa isang event sa mall. Di ako pinayagan ni kuya dahil gabi daw masyado pero nagpumilit ako at kay mama ako nagpaalam. Kasama ko ang mga kaibigan kong babae pero di ko alam na 12 na ako makakauwi non. Galit na galit si kuya non. Sobrang galit sya. Halos magwala sya at pagbabasagin ang gamit namin sa bahay. Nang mga sumunod na araw matapos non at di nya ko pinansin. Kahit isang salita ay di nya ko kinausap. Kahit anong sabihin at gawin ko ay balewala sa kanya.

Yon ang pinakamasakit na parusa para sakin. Si kuya ang palagi kong kasama at kausap. Si kuya ang nanay at tatay ko. Si kuya lang ang kapatid ko, sya ang ate at kuya ko. Kung tutuusin, sya din ang bestfriend ko. Sa kanya ko nasasabi sa kanya ang lahat ng problema ko, maliit man o malaki.

Sa mga sandaling di ko sya nakakausap ay parang mag isa lang ako. Non ko lang naranasan ang ganon at halos umiyak ako kada gabi dahil pakiramdam ko ay wala si kuya at mag isa lang ako.

Sobrang sakit para sakin na baliwalain ni kuya. Halos araw araw akong mag makaawa para magkausap ulit kami. Pagkatapos ng dalawa pang linggo mula ng magalit sya non ay naging okay na din kami pero alam kong galit padin sya. Kung di pa ko nagkasakit ay malamang natagalan pa ang parusa nya sakin.

Kung titingnan, napaka over protective ni kuya pero mas di ko kakayanin kung maulit ang ganong sistema namin. Ano mang higpit ni kuya ay ako lang ang palagi nyang iniisip. Kung ano ang mas makakabuti sakin.

Nanlulumo ako dahil sa pag-aalala. Iniisip ko kung kailan kami magkakaayos ni kuya at anong pwede kong gawin para di na magtagal at magkabati na kami.

Nagsimula ang klase pero masyadong malayo ang iniisip ko. Hindi din ako makausap ng ayos ni Stella. Masyado akong abala kakaisip kay kuya.

Pano kami magkakabati?


.

James' POV

Nagsimula na ang klase namin pero halata padin na wala dito ang isip ni Colline.

Tsk! Kasalanan ko to!

Kahit ako ay iniisip ko kung paano ko kakausapin si Kuya Josh. Alam kong galit sya. Nong una palang naman ay ayaw na nyang dumidikit dikit ako kay Colline dahil crush daw ako ni Colline at nakikita nyang gusto ko din ang kapatid nya. Si kuya Josh ang nagsabi sakin na crush ako ni Colline.

Matagal na kaming magkakilala nila Sam, Seb at Kuya Josh. Bumuo kami ng grupo dahil pareparehas naming hilig ang pagsasayaw. Madami na kaming napuntahang lugar at malayo layo nadin ang narating namin dahil sa pagsasayaw. Noong una ay Josh o Joshua lang ang tawag ko sa kay kuya Josh, pero dahil kuya sya ni Colline ay kinuya ko din sya. Minsan ay nakukuya ko din sila Sebastian at Samuel dahil yun ang tawag nya.

Nung una ay di ko magawang maniwala dahil di ko naman gaanong ka close noon si Colline. Ang totoo ay nahihiya ako sa kanya noon. Di kami gaanong nagkakausap noon ni Colline at kahit magkaklase kami at magkaibigan kami ng kuya nya ay di kami ganoong kalapit sa isat isa. Isa pa, nagagalit si kuya Josh pag lalapit ako sa kanya. Tss

He Who Stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon