Nagpatuloy ako sa pag luluto para sa hapunan namin.
"Kuya, luto na hapunan natin." Tawag ko kay kuya mula sa kusina.
"Kuya kuya kuyaaaa" hinanap ko si kuya sa sala pero wala din sya kaya umakyat ako para tingnan sya sa kwarto nya.
May apat na kwarto sa taas namin. Dalawang kwarto sa kaliwa at dalawang kwarto sa kanan
Ang dalawang kwarto at para samin ni kuya, isang master's bed room para kina mama at guest room naman na para sa bisita.
Nasa katabi ng kwarto ni kuya ay ang guest room. Katapat ko ang kwarto nya at ang katabi naman ng kwarto ko ay ang kwarto nila mama..
Nakabukas ang pinto ng kwarto ni kuya at naririnig ko ang usapan nila.
"Son, I'm just so worried about your studies." Kita ko ang pag aalala sa muka ni mama sa kabilang linya. Magka video call sila.
"Ma, di ko naman pinapabayaan parehas eh." Nakatungo si kuya.
Naramdaman ko ang nararamdaman ni kuya. Parehas nyang ayaw i give up ang pag aaral nya at ang pag sasayaw pero, mahihirapan syang pagsabayin ito.
Mechanical Engineering ang coarse nya pero si kuya na mismo ang may sabi sakin na di nya daw nakikita ang sarili nya sa kurso nya.
Hindi ko nakitang nahirapan si kuya sa pag aaral nya dahil matalino talaga si kuya. Madali nyang makuha ang lessons sa mga subjects nya pero, nag aaral nalang daw sya dahil kailangan, hindi dahil gusto nya.
Madalas din ang pag absent ni kuya dahil sa mga competition nila. Ganon din sila kuya Sam at kuya Seb.
Pareparehas silang hirap at di gaanong desidido.
Ang coarse ni Kuya Sam ay HRM, Si kuya Seb naman ay Education ang coarse, major in English at nasa 2nd year College silang tatlo.
Kahit ako nababahala dahil sa pag aaral nila.
"Nak, Im not saying na pinababayaan mo. Pero Im worried na di mo makayanan parehas. Nakikita ko ang determinansyon mong makatapos, pero nak, anong susunod mong gagawin pag nakatapos ka na?" Malumanay na tanong ni mama kay kuya na nakatungo padin..
Napabunting hininga ako at nag lakas loob na pumasok. Pinilit ko ang ngiti ko para pagaanin ang loob ni kuya at kunwaring wala akong narinig.
"Kuya, ma." Kunwaring gulat na sabi ko ng makita si mama sa screen.
"Nakk! I miss you! Teka tatawagan ko ang papa mo." Tumayo si mama at nawala sa screen ng laptop.
"Okay ka lang kuya?"
"Oo naman."
"Luto na ang pagkain eh. Kaya hinanap kita."
"Si Kenzo nandyan na ba?"
"Di ko alam."
Napakunit ang noo ni kuya sa sagot ko.
"Tingnan mo sa baba, papakilala ko kay mama at papa." Napakunit din ang noo ko sa sinabi ni kuya.
Bat kailangan pang ipakilala? Family member ba sya??
"Sige na, nandon na yon sigurado."
Iiling iling nalang akong lumabas ng kwarto nya at bumama.Wala pa sya sa baba. Tsk.
5:30 na ng tingnan ko sa wall clock namin.
Nag deretso nalang ako sa kusina para maghain saming tatlo.
*knock-knock*
Tiningnan ko ang pinto at doon ko nakita ang pagpasok ng isang lalaki. Tsk, si Kenzo.
BINABASA MO ANG
He Who Stole my First Kiss
Romance*SB19's fictional story.* A girl who wish to have her first kiss in a very romantic scene. A gril who wants her first kiss to be given to someone who truly loves her. A girl who believes that first kiss is sacred, it must be given to someone whos wo...