20: MEETING

218 15 0
                                    

JAMES' POV

Agad akong pumasok sa bahay at ibinagsak sa sofa ang katawan ko.

"Hi James, how was your day?" Nakangiting bungad sakin ni mama at hinalikan ang pisngi ko.

"Okay lang ma. By the way, remember the sponsor I told you last time?" Inayos ko ang upo ko.

"Yup, Mr. Brian ikamo?" Tanong ni mama, nagtungo iti sa kitchen para mag prepare ng snack.

"Magm-meeting po kami ngayon. I told you about it last time diba po?"

"Ahh, oo. You going now?"

"Opo mama."

"Ahh, sure, nagpaalam ka na naman. May pera ka pa? Where are you gonna meet?"

"Hmm, sabi nila Sebastian, sa may kanto nalang daw muna kami magkita kita para sabay saby na kami pumunta sa meeting place. Nakalimutan ko yung exact place na sinabi ni Mr. Brian eh."

"Ahh okay, basta stick with them ah." Lumapit sakin si mama na may dalang plato ng sandwich.

"Here, eat it first, para kahit papaano ay may energy ka naman. Akyat na ko. Pagod na din ako." Hinalikan ako ni mama sa pisnge at umakyat na sa kwarto.

Ipinahinga ko muna sandali ang katawan ko at kinain ang sandwich.

6 pa naman daw sabi nila Sebastian.

Agad kong kinain ang sandwich at nagderetso sa kwarto at naligo.

Mabilis akong nag-ayos ng sarili at nang matapos ay nagpaalam ako kay mama.

Pagkalabas ko ng bahay ay nakita ko si Coco na matamlay na naglalakad palabas ng bahay nila.

"Coco," tawag ko dito. Nilingin naman nya agad ako.

"Si kuya Joshua?"

"Tsk, hayys, umalis nga agad eh. Inis na inis ata sakin." Parang bigla akong nakunsesya dahil don.

"Di ka parin ba pinapansin?"

"Di padin nga eh."

Pano nalang kami mamaya? Kakausapin nya kaya ako? Parang bigla akong di mapakali.

"Ahh, pupunta kana kina Stella?"

"Oo,"

"Tara, hatid na kita. Nandon lang sila Samuel sa Blue Flame nag aabang, hatid kita kahit hanggang don lang."

"Ha? Nandon si kuya?"

Tumango tango ako. Napaisip din tuloy ako, okay lang bang ihatid ko sya? Kung nandon sila kuya Josh, makikita na naman nya kaming magkasama. Di kaya mas makasama sa sitwasyon kung ihatid ko pa sya? Pero baka kung mapano si Coco sa daan, magdidilim na din. Saka wala namang masama kung ihahatid ko sya.

"Sige na. Baka kung mapano ka sa daad. Idederetso muna kita kina Stella. Sa likodan ka nalang umupo." Pangungumbinsi ko.

"S-sige."

Kinuha ko ang gamit nya at tumawid sa kalsada para isinakay sa sasakyan. Pinagbuksan ko din sya ng pintuan at sa may likuran sya umupo. Sumakay din agad ako sa sasakyan at pinaandar ito.

Nagsimula akong magpaandar ng sasakyan. Tahimik lang kami, tiningnan ko sya sa salamin at malungkot syang nakatingin sa labas.

Paano ko ba pagagaanin ang loob mo Coco?

"Dadaan ka pa kay kuya Josh?"

Nakatingin ako sa kanya mula sa salamin sa harapan.

"Di ko alam, gusto kong magpalam sa kanya pero di ko alam kung ikakagalit nya ba kung makikita nyang magkasama tayo." Nahihiya nitong sabi.

He Who Stole my First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon