BUS[ONESHOT]

407 1 0
                                    

            I heard this story from a friend of mine then, buala binigyan ko na lang ng mas mahabang plot at characters.

Thanks mah’ friend for the inspiration.

 

                                                                                      BUS

“Friend sigurado ka na ba sa desisyon mo? Wala na ba akong iba pang magagawa para mabago ang isip mo?” umagang-umaga drama agad ang hatid sa akin ng best friend ko

            “FYI lang Anjeleri Anne Perez, uuwi lang akong probinsya hindi magpapatiwakal, atsaka it’s not like this is the first time na all my life na magko-commute ako pero infairness ha, benta sa akin ang drama mo ngayon.”

 

            Tumawa lang ito “Ganto talaga friend pag-inlove madrama at syempe mawawala ba namang ang glowing effects ng facial features ko”

 

            Napangiti lang ako ng mapangasar “Sus, baka showing imbes na glowing”

            Kumunot na lang ang noo nito. Ang slow talaga.

            I still can’t help but make fun of my best friend ever since kasi nung magka-aminan sila nung crush niya na heartthrob lang naman sa buong campus namin ay lagi na lang maganda ang araw niya na akala mo sila pero in truth nagkakahiyaan pa.

            ‘Di nga nila magawang mag holding hands. Parehas nagkakahiyaan pero kung makapagsabing inlove ang kapal. “Showing kasi imbes na glowing ka, showing of mental symptoms ka na kulang na lang eh ipadala kita sa mental hospital. Malala ka na talaga. Tchk. Tchk.”  asar ko dito

            “Ewan ko sa iyo ang mabuti pa maghanap ka na rin ng boyfriend para naman malaman mo kung anong feeling ng kinikilig every day.” I just rolled my eyes

            “Rin? Kayo na akala ko M.U pa lang. Atsaka nagka-aminan lang kayo ganyan ka na, di pa ba ako sapat?” pagdradrama ko naman ngayon dito

            “Lels. Ewan ko sa iyo, halika na nga hatid ko na nga kayong magkapatid sa terminal” pagsasawalang bahala lang nito sabay baling sa kapatid kong si Ivan.

            Ivan is only one year and nine months old, kasabay dapat siya ng parents ko sa pagluwas papuntang probinsya namin pero nagkaroon kasi ng problema kaya kinailangan nilang mauna, leaving me responsible for the safety of my lil’ bro.

            Kaya ang ending kaming dalawa lang ang luluwas. Ang masaklap commute kaming dalawa. By bus pa.

            Nang makarating na kami ng terminal ay halos hindi ako magkamayaw dahil sa bigat ng bitbit ko dagdag mo pa na pasan-pasan ko pa si Ivan. Iniwan na rin ako ni Anj once na maihatid niya ako kasi may pinapagawa pang errand sa kanya ang mama niya. Tinakas nga lang niya ang paghatid sa akin.

            Sa likod ako banda pumwesto. Sa may two seater ako umupo, si Ivan karga-karga ko sa lap ko. “Miss pwede bang tumabi sa inyo ni baby?” tanong sa akin ng isang cute chinito looking guy.

            Oh my gosh! Did I just called him cute?

      

             Erase. Erase. Delete. Diretso sa recycle bin na walang restore button.

The Bus Love Story[FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon