FRANKI's POV :
I was busy sitting at the corner doing some stuffs related to our business .. I try and try to concentrate but i really can't .. Wala kasing ibang tumatakbo sa utak ko kundi si Dad, na halos magtatatlong linggo ng hindi umuuwi .. Mas lalo tuloy akong nagiging interesadong makikilala ang bagong babae nya .. Hindi naman na bago sa akin sitwasyon namin sa kanya pero, sa tagal ng pambababae nya, ngayon lang sya hindi umuwi samin ng ganun katagal ..
Parang bibiyakin na naman ang ulo ko sa sobrang sakit sa kakaisip .. Minsan gusto ko munang mawala pansamantala, tipong takasan ko nalang lahat .. Babalik pag okay na, kaso hindi pwede .. Hindi ko lang naman laban 'to, laban namin ni Mommy ..
Isang malalim na buntong hininga pinakawalan ko ng maalala ko si Mommy .. Matamlay kasi ito nitong mga nagdaang linggo .. Wala ko magawa para maibsan man lang yun nararamdaman nya ..
" Nasaan kana ba kasi,Dad .. ? " - naitanong ko nalang sa isip ko ..
" Hi, Franki .. "
Bahagya pa akong nagulat ng may tumawag sakin, pag angat ko ng muka si, Gino ..
Nakangiti pa ito habang pakamot kamot ng batok ..
" Gino .. ! Kanina kapa dyan .. !? " - natatarantang tanong ko sakanya ..
" Upo ka .. " - dagdag ko pa ..
" Hindi naman masyado, para sayo nga pala .. " - nakangiti paring sagot nya sabay abot ng dala nyang bulaklak ..
" Thank you .. Nag abala kapa .. Gusto mo ng maiinom .. ? " - alok ko sakanya .. Bakas sa muka nya ang pagod pero naka ngiti parin ito ..
" No , no Franki .. Kararating ko lang galing sa isang business trip .. Actually, dumaan lang ako dito para kamustahin ka .. Paalis narin ako .. May hahabulin pa kasi akong meeting e .. " - tanggi nya ..
" Are you sure .. ? " - paninigurado ko sakanya ..
" Yeah, Maybe some other time .. Mukang busy ka rin naman e .. " - napasulyap pa ito sa mga papel na nagkalat sa mesa ..
" Its just some stuffs regarding dito sa business namin ni Maza .. Binabalak kasi naming palakihin nalang ulit kesa magtayo pa ng ibang branch .. " - pilit ngiting sagot ko sakanya .. Hindi kasi ako ganun ka komportable na makipag usap, although matagal tagal narin naman kami magkakilala, and almost 3months narin syang nanliligaw kaya may pa bulaklak ..
" That's great, maigi at maganda ang location nyo pero I think, its much better if magtayo kayo ng ibang branch para mas makilala ang coffee shop nyo .. " - suggestion pa ni Gino ..
" I could help .. " - dagdag pa nito ..
We're located kasi here in Taguig .. Kaya kahit pano hindi kami nawawalan ng costumer kahit may kasabayan kaming ibang shops ..
" We're still considering it naman pero, siguro in the near future .. " - sagot ko nalang para hindi na humaba pa ang usapan ..
" Well, goodluck .. Maayos naman ang takbo kaya sigurado akong kaya yan .. Anyway .. I'll go ahead .. See you around, take care .. " - paalam nya ..
" Likewise .. " - tipid ko namang sagot ..
Ngumiti lang ito at tumango tango bago tuluyang umalis ..
" Yun na yun .. ? " - usisa agad ni Maza pagka alis ni Gino ..
Hindi ko nalang iyon pinansin dahil alam kong kukulitin na naman ako nyan tungkol kay Gino ..
" Wala ka pa rin bang nafi feel kahit ano para dun sa tao .. ? Muka naman mabait at maginoo .. Good catch kumbaga, gwapo na mayaman pa .. Hindi ka na lugi dun .. " - dagdag pa nya sabay upo sa tabi ko ..
Well .. May tama naman si Maza .. Good catch na nga kung tutuusin si Gino .. Halos nasa kanya na lahat ng hinahanap ng isang typical na babae ..
Hindi naman sa mapili ako o sa hindi ko gusto si Gino, aaminin ko , may mga pagkakataon na humahanga ako sa kanya .. Sa kabaitan nya .. Sa respeto na ibinibigay nya sakin .. Yun oras at effort .. Pero, hanggang dun lang talaga e .. Ayoko rin naman bigyan ng motibo, ayokong umasa yung tao .. Di nya deserve masaktan ..
" Frenny .. ?? Nakikinig kaba .. ??? " - pangungulit nya sakin ..
" Huh .. ?? Ano .. ??? May sinasabi kaba .. ?? " - balik tanong ko naman sakanya ..
Inirapan naman nyako ng bongga .. Siguro kung may lason lang yung irap nya, baka nangisay na ako ..
Ilang sandali pa ay may mangilan ngilan nang costumer ang nagsidatingan .. Hindi naman nila ma o okupa lahat ng upuan kaya hindi muna ako umalis sa lugar ko .. Nagpaalam naman si Maza at pumwesto sa counter ..
Nakaagaw pansin sakin ang huling pares na pumasok ..
Isang babae at isang lalaki ..
Mataman kong pinagmasdan yung babae .. May katangkaran ito at maganda rin ang hubog ng katawan .. Naka high top converse shoes ito at high waisted short .. Naka t shirt ng medyo maluwang, naka tuck in sa harap at bahagya pang naka tupi ang manggas ..
I find her maangas kasi may suot pa itong cap ..
Sa tantya ko, ayaw na nyang kape .. Hindi pa man din kasi nakakapag order yun kasama nya e nag aaya na itong umalis ..
" Just wait .. Sandali lang 'to .. " - dinig kong sabi ng lalaki ..
Napasimangot nalang yun babae at padabog na umupo .. Kahit ilang metro ang layo ay makikita mong salubong ang kilay nito .. Na badtrip yata ng bongga ..
Naramdaman nya sigurong kanina pa may naka tingin sakanya kaya nagpalinga linga ito ..
Kaya bago pa nya ako mahuli e napayuko na ako agad at nagkunwaring abala ..
Hindi na ko ulit nag aksayang sulyapan sya .. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa kung ano ang kanina ko pa pinagkakaabalahan pero hindi ko parin matapos tapos ..
Naisip ko na naman si Dad ..
Minsan hindi ko narin maiwasan magtampo kay Papa G. .. Gusto ko lang naman ng buo at masayang pamilya .. Hindi naman siguro sobra yun hinihingi ko, para hindi Nya ibigay ..
Sa sobrang pag iisip ko na naman ay hindi ko namalayan na nakaalis na pala yun lalaki at yun babaeng kasama nito ..
Well .. Yun ang buong akala ko ..
Nagulat nalang ako ng biglang may humampas sa glass wall .. Pag lingon ko, sticky note nalang ang nakita ko habang naglalakad na palayo yung babaeng maangas kanina ..
Yes .. Sya yung humampas sa glass wall ..
Bago pa man ako nakatayo ay nandun sa labas si Maza at sya mismo ang kumuha nun ..
Sa totoo lang, ang creepy ng ngiting iyon ni Maza habang inaabot sakin yung sticky note na hindi ko alam kung ano ang nakasulat ..
" Oh .. ! "
Naka ngisi pa ito habang inaantay ang reaksyon ko ..
" 09161234567 - DIANA .. :) "
Yan yung nakasulat sa sticky note na iniabot sakin ni Maza ..
" Iba talaga ang kamandag ng ganda mo, frenny .. Bentang benta, hahaha .. ! "
Hindi ko nalang pinansin iyon, wala akong panahon sa mga ganyang bagay ..
Nilamukos ko nalang iyon at pinilit mag concentrate sa ginagawako ..
- - - - -
A / N : SA TOTOO LANG WALAKO ALAM SA MGA NEGOSYO NAYAN .. BA'T KOBA PINASOK ANG GULO NA'TO ..
😇😇😇🤦♂️🤦♂️🤦♂️