DIANA's POV :
Hanggang ngayon ay di parin bumabalik sa normal yun tibok ng puso ko .. Nakaukit parin sa alala ko kung gaano kalapit yun muka ng Future Mami nyo sa muka ko, muntik nako mawala sa katinuan kanina sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko ..
MAY DIBDIB KA .. ?
Manahimik ka .. Moment ko'to ..
Pero hindi talaga yun ang concern ko ..
EE BAKIT YAN YUN IN INTRO MO .. ?
Manahimik ka sabi, kung ayaw mong ibangga ko 'tong sasakyan .. !
DIKA TALAGA MABIRO .. !
Wagka kasing maingay .. ! May iinisip ako .. !
SINO .. ? CRUSH MO .. ?
Hindi ..
HUWAW .. ! FOR THE FIRST TIME HINDI SI CRUSH MO ANG INIISIP MO .. IS THAT YOU DIANA .. !?
Naririndi nako sa kasama ko .. Konti nalang ibabangga ko na talaga tong minamaneho ko .. ! Ba't ba kasi andito 'to .. !
SO KUNG HINDI SI CRUSH MO ANG INIISIP MO .. SINO .. ?
Yaman din lamang na naitanong nya ..
Otor .. ?
YEP MS.D .. ?
Sino ba nakaiwan ng sapatos .. ? Si Snow White o si Cinderella .. ?
JUSKO NAMAN DIANA PATI BA NAMAN YAN ITATANONG MO PA .. ? HINDI BA ITINURO NG TEACHER NYO YAN .. !?
Ewan ko baka absent ako nun itinuro yan .. Ikaw ba pumasok .. ?
OO .. ! KASO YUN TEACHER ANG ABSENT NUN KAYA WALANG NAGTURO ..
Fvcptxcgkzrqvw .. !
ANO .. ? MAY SINASABI KA .. ?
Wala .. ! Bumaba kana wala kang kwenta kausap .. !
WALA AKONG MATUTULUYAN ..
Problema mo nayun .. !
Iiiiiiiikkkkkkk .. !
Bigla ako napa preno ng mapansin ko ang isang papalayong sasakyan na nanggaling sa aming bahay ..
ARAY .. ! DAHAN DAHAN KA NAMAN .. !
Tito Fernan ..
Pagka garahe ko ng sasakyan ay hinanap ko agad si Mama ..
" Maaaaaaaa .. ! "
" Yes Anak .. ? Andito lang ako sa kusina .. "
Patakbo akong nagtungo sa kusina at naabutan ko itong nagliligpit ..
Napasimangot ako ng mapansin kong may bagong bulaklak na naman sa mesa ..
" Ayan na naman yun muka mong pang semana santa 'Nak .. " - banat agad nya habang naghuhugas ng pinagkainan ..
Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatayo .. Pinagmasdan ko sya mula paa tuhod balikat ulo .. Ramdam ko ang saya nya sa mga ikinikilos nya .. Hindi ko pa nakitang ganyan kasaya si Mama sa lahat ng nanligaw sakanya .. Maliban kay Tito Fernan ..
Okay naman sana kasi nakikita ko naman malinis ang intensyon ni Tito Fernan, kaso, pamilyado ito at kahit pa sabihin nyang nakipaghiwalay na sya, kasal parin sya .. Ayokong sa huli ay madehado si Mama ..