FRANKI's POV :
Mataman kong pinagmamasdan ang bulaklak na nanggaling kay Diana. Ibinigay sakin iyon ni Maza dahil para sa akin naman daw talaga. Iniisip ko tuloy kung iuuwi ko ito sa bahay. Baka kase maalala na naman ni Mommy si Daddy, gantong ganto din kase yung bulaklak na ibinibigay sakanya ni Daddy noon eh.
Nawala ang atensyon ko sa bulaklak nang makarinig ako ng mahihinang katok mula sa labas ng aking sasakyan. Mabilis kong ibinababa ang salamin ng bintana nang mapansin kong si Maza iyon.
" Hindi ka pa uuwi? " untag nito sakin.
Saglit kong tinapunan ng tingin ang bulaklak bago ako sumagot, " Ano sa tingin mo magiging reaksyon ni Mommy pag nakita 'yan? "
" Eh di ma mimiss nya si Tito? " patay malisya nyang sagot.
" Alam mo naman siguro kung anong nangyayari sakanya diba? " malapit na akong maubusan ng pasensya sa kaibigan ko pero dahil kaibigan ko nga mas pinili ko nalang kumalma.
" Eh di ilagay mo sa kwarto mo? " nag flip pa ito ng hair kaya mas lalo akong nainis. Napaka arte akala mo naman ikinaganda nya yon.
" Bakit kase kelangan ko pang tanggapin yan!? " hindi ko na napigilan ang inis ko.
" Kase hinintay ka ni Diana? Credits nalang dun sa tao 'no? " sa tono ng pananalita nya ay hindi naman halatang nakikisimpatya sya kay Diana.
" So kasalanan ko pa na hinintay nya ako? Sinabi ko ba na hintayin nya ako? Bakit parang kasalanan ko pa na hinintay nya ako? "
Wala ng nagawa pa si Maza nang patakbuhin ko na ang sasakyan. Sa huli ay napilitan akong ilagay sa kwarto ang mga bulaklak. Swerte at nasa kwarto na si Mommy kaya naipuslit ko iyon. Sayang din naman, sa pagkakaalam ko ay mahal ang ganong uri ng bulaklak. Mukang yayamanin si Diana.
Pagkabagsak ng katawan ko sa kama ay agad akong nilamon ng antok. Ganun ako kasarap.
" Franki! Franki! " it was Aling Cora's cracking voice kaya napabalikwas ako agad at napalabas ng kwarto. Naabutan ko syang hindi mapakali at natataranta. Bakas sa muka ang pinaghalo halong kaba takot at pag aalala.
I asked her, "why?" at imbis na sumagot ay napahagulgol ito mas lalo kong ikinabahala.
"What happened?" mabilis kong inalo si Aling Cora kahit hindi ko alam kung ano ba talagang nangyayari. Nanatili lang itong tahimik habang iyak ng iyak.
Noon ko lamang din napansin ang kakaibang katahimikan ng bahay. I rushed to my Mom's room and look for her. I also checked the kitchen kung nandoon ito dahil mahilig itong magluto, ngunit bigo akong makita sya doon. Isa isa kong hinalughog ang buong kabahayan at nang hindi ko sya makita ay binalingan ko si Aling Cora.
Nanginginig ang buong katawan kong lumapit sakanya. "Where's Mom?"
Tanging hikbi lang ang sagot nito.
"Damt it Aling Cora, where the fucked is my Mom!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko sa sobrang pag alala kung nasaan si Mommy.
"H -hindi k -ko alam, Franki. I -inutusan n -nya akong m -magluto dahil baka daw b -biglang dumating ang Daddy nyo. Iniwan k -ko syang n -nanunuod dito sa sala. Pagbalik ko, w -wala na s -sya." Paliwanag ni Aling Cora sa pagitan ng pag iyak nya.
Oh,crap! Napasapo na lang ako ng noo dahil biglang sumakit ang sentido ko.
Mabilis akong nagpalit at umalis ng bahay para hanapin si Mom. Pero, saang lupalop ko naman sya hahanapin?
Naka ilang oras din akong nagpaikot ikot at nagtanong tanong kung may nakakita ba kay Mom, ngunit bigo ako. Bago ako tuluyan mawalan ng pag asa ay tinawagan ko si Maza. I told her to come at ilang sandali pa ay dumating ito.