CHAPTER : 6

445 11 1
                                    

FRANKI's POV :

Malayo na ang narating ng panaginip ng katabi ko samantalang ako eto, nananatiling mulat pa din .. Mahapdi sa mata pero mas mahapdi at masakit kung ipipikit ko at pipiliting matulog .. Hindi parin kasi mawala sa isip ko yung nangyari sa shop kanina .. Iniisip ko kung tama ba yung ginawa kong pagpapahiya at panunupalpal ko sa babaeng nag offer ng Flavored Cappuccino na ibinalik korin naman kahit paborito kopa iyon .. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong trip nya at wala din naman akong panahon sa mga ganung bagay ..

Hindi na bago sa akin na may mangilan ngilang mga babae na gusto din ay babae ang nakikipaglapit sakin .. May mga kaibigan din kase akong babae na ang partner ay babae din .. Dumating narin sa puntong inireto na nila ako sa kapwa ko rin babae sa pag aakalang kalahi nila ako dahil sa tagal narin na wala akong nagiging boyfriend .. Nakaka insulto pero diko naman sila masisi .. 18yrs.old pa ako nung huling nakipag relasyon ako .. At 25 na ako ngayon ..

Alam ko sa sarili ko na kaya ko na .. Na handa na ulit ako magmahal, pero sa tuwing susubukan ko na, bigla bigla nalang ulit mabubuhay yung takot ko .. Takot na baka masaktan lang ulit ako .. Kaya nakasanayan ko narin na mag build ng wall sa kahit na sinong taong gustong sumubok na pumasok sa buhay ko .. Para maiwasan ko rin mahulog ang loob ko at makaiwas narin sa sakit dahil alam ko sa huli, lolokohin lang ulit nila ako ..

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako tuluyang lamunin ng antok ..

KINABUKASAN ..

" FUCK .. ! " - i bursted out as i realized that it was already 6 : 30 AM .. !

Agad kong hinanap ang katabi ko ngunit wala na ito .. Wala tuloy akong masisi .. Ni hindi manlang ako ginising alam naman nyang may trabaho ako .. Walang utang na loob ..

Kung tatanungin nyo kung sino yung katabi ko kagabi, walang iba kundi si DAKILANG OTOR .. Nakiusap kase ito na makiki sleep over muna, wala daw kasi itong pamasahe pauwi dahil pinabayaran sakanya yung Flavored Cappuccino, naawa naman ako kasi baka hindi na'to sikatan ng araw sa lansangan e, konsensya kopa ..

Dali dali akong nag ayos ng higaan at mabilisan naring naligo at nag handa papasok sa trabaho ..

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko sa sala si Mom, tahimik lang itong nakaupo at nanunuod .. It was their wedding video .. Isa iyon sa pinaka masayang araw na nangyari sa buhay nya .. Bahagya akong nakaramdam ng awa ng maalala ko kung anong sitwasyon meron kame ngayon .. Dalawa nalang kaming lumalaban para sa masayang pamiliya na pinapangarap namin ..

Paalis na sana ako ng bigla nya akong tawagin ..

" Franki, hija .. Papasok kana ba .. ? Halika muna .. "

Agad naman akong lumapit at umupo sa tabi nya ..

" Panuorin mo muna saglit ito .. "

Nginitian ko lang sya at matamang pinagmasdan ..

Napangiti naman ito ng mapanuod ang palitan nila ng wedding vows ni Daddy, pero bakas parin sa mga mata ang lungkot ..

" Mom, gusto mo ba sumama sakin sa shop .. ? - aya ko sakanya ..

" Hindi na 'Nak .. Baka biglang umuwi ang Dad mo, wala syang madatnan dito .. " - sagot nito na hindi inaalis ang paningin sa pinapanuod .. Ramdamko na mahal na mahal parin nya si Dad sa kabila ng mga pagkakamaling nagawa nito sakanya ..

Nag aala lang kasi ako .. Sya lang naiiwan dito mag isa .. Sa twing uuwi naman ako galing trabaho .. Ay himbing na ito sa pagtulog .. Hindi narin kami nakakapag usap ng maayos ..

" Mom, Im sorry, but I have to go .. " - paalam ko sakanya .. Nuon lamang ito napatingin at ngumiti ng pilit ..

" Take care,Hija .. Mommy loves you .. " - yumakap pa ito bago itinuon ulit ang atensyon sa panunuod ..

" MS.PHILOPHOBIC .. "Where stories live. Discover now