CHAPTER : 7

459 12 1
                                    

DIANA's POV :

Ramdam ko na naman ang panaka nakang pagkirot ng ulo ko, pero hindi dahil sa sobrang kalasingan kundi sa magdamag na walang tulog .. Literal talaga na walang tulog .. Lumipas ang isang buong gabi na nakatitig lang ako sa kisame .. Hindi ko parin matanggap na napahiya ako ng isang babae, at hindi lang sya basta babae .. Crush ko yun .. Unang kita ko palang sa kanya sa coffee shop noon ay alam kong tinamaan na talaga ako .. Never pa ako nagbigay ulit ng motibo sa isang babae .. Never pa ulit after Vianca and I got ended .. Masasabi kong hindi naging ganun kadali ang pinag daanan ng relasyon namin pero, ganun na lamang ito kadali nagtapos ..

Pero hindi naman ako nawawalan ng pag asa na balang araw, darating din yung tamang tao para sakin .. Yung kaya akong panindigan .. Yung kaya akong ilaban ..

Marami naman nagtatangka, babae lalaki at isa na dun si Sky .. Kaso wala ni isa sa kanila yung nakapag paramdam sakin kung pano pagpawisan ang kilikili dahil sa kilig .. Wala din yung tinatawag nilang " spark "  kapag nag eye to eye contact .. Even yung sinasabi nilang bago ka matulog ay sya yung laman ng isip mo, at paggising mo sya pa din yung nasa isip mo .. Lilinawin ko lang huh .. ? Hindi ako choosey, na a appreciate ko sila pati si Sky pero hindi ko lang talaga sila feel .. Mapi feel mo naman kung meron diba  .. ? Kaso wala talaga .. Kaya wag nalang ipilit ..

" Ahhh .. " -  sapo ko sa noo ko dahil bigla itong kumirot ng maalala ko na naman kung pano ako napahiya .. Ilang araw narin nakalipas pero diko parin nakukuha number nya .. O kahit pangalan lang nya .. Di naman masakit .. Konti lang ..

" Diana, anak .. ? - tawag ni Mama .. Hindi ako umimik dahil yung ugat ko sa sentido pumipintig pintig ..

" Bangon ka muna, anak .. Meron tayong bisita .. Hintayin ka namin sa baba .. "

Ang aga naman bisita nyan .. Pasado alas otso palang ng umaga ..

Napaisip naman ako kung sinong bisita namin .. Imposibleng si Sky dahil hindi naman basta basta pumupunta dito yun unless pinapunta ko o pinapunta ni Mama .. Di kaya si -  Napatutop ako ng bibig ng maalala ko si OTOR .. ! Iniwan ko nga pala ito sa shop matapos ko pabayaran yung Flavored Cappuccino .. ! Kawawang Otor .. ! Pati sya nadamay .. !

Dali dali akong naghilamos at nag ayos ..

Pagkababa ko ay nasa sala si Mama nakaupo lang ito habang nagbubulatlat ng mga magazine .. Wala naman akong nakitang bisita .. Ang aga naman mang etchos ni Mama .. !

" Ma .. !? Asan bisita .. !? " - tanongko .. Nag uumpisa na naman akong sumpungin dahil  ang sakit ng ulo ko ..

Ngumiti lang ito ..

" Good morning, hija .. "

Medyo nadismaya ako ang ng very light ng mapagsino ko ang kung kanino ang boses na iyon ..

Si Tito Fernan ..

Ilang araw din itong hindi bumisita kay Mama .. Si Tito Fernan nga pala yung sinasabi ko sa inyong nanliligaw kay Mama .. Mabait naman ito, magandang lalaki at mukang desente ..

" Good morning po, Tito .. " - bati ko rin para naman di masyadong awkward kase sa totoo lang, medyo ilag nako sakanya ..

Napansin kong naka suot ito ng aphron ..

" Lets have breakfast .. ? Ako nagluto para sa inyo .. "  - proud pa nitong sabi habang nagtatanggal ng aphron ..

" Sya nga pala Diana, para sayo .. " - sabay abot nito ng regalo ..

Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin kopa iyon .. Galante si Tito Fernan, isa sa mga nagustuhan ko sakanya bukod sa magkasundo kami sa ibang bagay tulad ng panunuod ng basketball at wrestling ..

" MS.PHILOPHOBIC .. "Where stories live. Discover now