DIANA's POV :
Isa ..
Dalawa ..
Tatlo ..
Apat ..
Lima ..
Anim ..
Pito ..
Pito .. ???
Pitong araw na pala akong di nagpupunta sa shop .. Kaya ko naman pala syang iwasan ..
Pero ba't ganun, diko sya makalimutan .. Walang araw o sandali na hindi ko sya naiisip ..
Parang mas nasasabik pa akong makita sya ..
Arghhh .. ! Bakit ba dika mawala wala sa isip ko .. !
Sa inis ko ay naibato ko yun unan na kanina lang ay yakap yakap ko ..
" Anak, kinalat mo na lahat ng unan sa sofa .. Okay ka pa ba .. ? "
Naka bihis na pala si Mama at naghahanda para pumasok sa trabaho samantalang ako heto, nagmumukmok ..
" 'Nak, nag alala nako sayo .. Nangangalumata kana kakapuyat, wala ka naman jowang ka chat .. " - Tirada agad ni Mama, habang inaayos ang ilang gamit na dadalhin nya sa office ..
" Ma .. ? Yun mga may jowa lang ba ang may karapatang mag puyat .. !? " - inis kong sagot ..
Napa ismid naman ito, tila natutuwa kasi napipikon ako .. Mama ko ba talaga 'to .. ???
" Malayo pa ang Mahal na Araw, pero yun itsura mo pang Semana Santa na .. " - pang aasar pa nya ..
Tumahimik nalang ako dahil alam ko aasarin lang nya ako ng aasarin .. Aantayin ko nalang sya makaalis ..
" Diana, Anak .. " - nakangiti nitong tawag sakin, sabay lapit .. Masuyo nya akong hinawakan sa kamay bago nagsalita ulit ..
" Wagmo pahirapan sarili mo, gawin mo yun mga bagay na alam mong makakapag pasaya sayo .. "
Hoooyyy .. ! Ang seryoso ni Mama sa part na yun .. !
" Puntahan mo na crush mo .. " - dagdag pa niya ..
" Ma .. ! " - angal ko sabay bawi sa kamay ko ..
Tatawa tawa naman ito .. Alam kong masaya sya kapag inaasar nya ako ..
" Baka hindi ako type nun Ma .. Tsaka may nanliligaw nadun .. " - naka ngusong sagot ko ..
Meron naman na talaga .. Kita ko kaya ..
" Nanliligaw palang naman 'Nak, hindi pa sila .. Ibig sabihin may pag asa ka pa .. "
" Hindi nga ako pinapansin, pag asa pa kaya .. ? " - himutok ko ..
" Alam mo 'Nak, sa ganyan din kami nag umpisa ng Papa mo .. Hindi ko naman sya agad agad ginusto .. "
Napatitig naman ako sakanya .. Ramdam ko ang sinseridad at ningning sa mga mata nya habang nagkukwento ..
" Choosey ka pa nun kay Papa .. Ganda ka .. ? " - biro ko ..
Ngumiti lang ito at hinawakan ulit ang kamay ko ..
" Hindi ganun yun Anak, ang ibig kong sabihin .. Kaming mga babae, nakukuha din kame sa tyaga .. Lahat kase kayang gumawa ng paraan para mapa ibig ka, pero hindi lahat nakakapag hintay .. " - makahulugang sagot nya ..
" Mabait at matyaga ang Papa mo kaya napa OO nya ako .. " - dagdag pa ni Mama .. " Kaya kung ako sayo, idaan mo sa tyaga yan crush mo .. Lugi pa ba sya sayo .. ? Ang ganda kaya ng lahi natin .. ! "