CHAPTER : 15

286 8 1
                                    

DIANA's POV:

"What's with that face?" untag sa akin ni Sky. May dala-dala itong dalawang beer in can.

"Here take this," alok nito. Kinuha ko naman iyon at binuksan saka tuloy tuloy na nilagok. Pakiramdam ko naibsan ang pagka uhaw ko ng isang taon. Nakita ko naman itong napangisi.

"Anong nginingisi ngisi mo diyan?" sinamaan ko sya ng tingin.

"Kanina ka pa kasi bad shot," sagot nya sabay lagok ng beer.

Napabuntong hininga lang ako. Ang totoo niyan, maganda ang mood ko kanina paggising ko. Ayos pa naman ako dahil hindi ko inaasahan na dadalawin ako ni Sky, medyo matagal tagal din kasing nawala sa eksena ang mokong na 'to. Sa tuwa ko ay nayakap ko siya as a friend. Huwag kayong ma issue mga sibs, nabasa niyo naman siguro, AS A FRIEND, huwag agad magtampo. Normal lang sa magkaibigan ang magyakapan kapag nami miss ang isa't-isa. Naabutan daw kasi ng lockdown ang Tito Sky niyo, charoot.

"Bad shot ako kay Tito Fernan," walang kagana-gana kong sagot.

Napangisi ulit siya, "Kasi hindi tayo natuloy sa outing? Ang bilis mo talaga mag tampo." Natawa pa siya sa huling sinabi niya.

Magkapanabay kasi silang dumating ni Tito Fernan sa bahay, napagkasunduan namin ni Sky na mag bonding since matagal tagal din kaming di nagkita. Kaso, nagyaya din si Tito Fernan. Ayoko sana pero pinilit lang ako ni Mama, sumang ayon na rin si Sky.

"Hindi naman sa ganoon. Hindi ka ba nagtataka sa mga ikinilos kanina ni Tito Fernan?" Bahagya ko pa siyang nilapitan. Gumuhit sa gwapong mukha ni Sky ang kyuryosidad.

"Sa iyo ako nagtataka Diana, sa mga ikinikilos mo ngayon. Sana ayos ka lang?"

"Fuck!" i cursed. What's wrong with this man?

"Ipaliwanag mo kasi," dagdag pa niya.

"Naalala mo 'yong babaeng muntik nang masagasaan ni Tito Fernan dahil bigla na lang sumulpot galing sa kung saan?" inis kong baling kay Sky. Siguro naman maaalala niya pa 'yon dahil kanina lang naman nangyari 'yon.

"Oo-?" alanganing sagot niya.

"Nakita mo ba 'yong reaksyon niya? Sobra 'yong takot at pag aalala niya."

Napahagalpak ulit ng tawa si Sky. Malapit na akong mapikon sa kanya.

"D," sambit niya at nagpipigil pa rin ng tawa. Impakto talaga. "Kung sa akin din naman nangyari 'yong nangyari kanina kay Tito Fernan, natural matatakot din ako at mag aalala. Kasi diba? Baka mamaya, napuruhan ko pala 'yong tao. Kargo de  konsensiya ko pa pag nagkataon," mahabang paliwanag ni Sky. Oo tama siya, at alam kong matagal na siyang may tama sa akin. Pero hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ang hirap kasi sa mga lalaki, hindi sila masyadong observant, di tulad nating mga babae. Right ghorls?

"Eh noong dinala niya sa ospital 'yong babae? Bakit iniwan niya sa atin si Mama? Bakit hindi na niya tayo hinayaang sumunod sa kanya? Bakit bigla na lang siyang tumawag na naka uwi na pala siya?" sunod sunod ang naging tanong ko kay Sky. Pero tulad kanina ay humagalpak lang ulit ito ng tawa. Ang sarap niyang batukan.

"Naging praktikal lang si Tito Fernan. Don't you get it? 'Yong nangyari kanina, it's a sign."

"Sign?" ulit ko.

"Yup." pakli naman nya.

"Sign saan?" usisa ko pa.

"Sign na hindi na dapat tayo tumuloy sa pupuntahan natin, dahil baka may mangyaring di maganda,"  sagot niya sabay lagok ulit ng beer.

Seryoso siya? Akala ko ba matalino 'tong mokong na 'to??

"Alam mo sana, hindi ka na lang pumasok ulit sa eksena. Wala din naman akong napala sa'yo. Lumayas ka na," taboy ko sa kanya sabay kuha sa hawak niyang beer.

"Teka, hindi pa nga tayo nakakapag usap ng matagal?" protesta naman niya. "Hindi mo ba ako na miss?" dagdag pa nito saka nag pout. Sa totoo lang, cute sana siya. Pero dahil wala siyang kwentang kausap, mukha siyang naluging Donald Duck.

"Kanina na miss kita. Pero ngayon hindi na. Alis na. Ayokong masayang ang isang chapter dahil lang sa'yo." Hinila ko siya para makatayo at saka kinaladkad palabas.

Nadanaan namin si Mama sa sala at mukhang may kausap sa phone.

"Ma, uwi na daw si Sky," paalam ko. Tumango lang ito at ngumiti.

"Tita, uwi na daw ako sabi ni D," segunda naman ni Sky. Sumenyas lang si Mama at ibinaling ulit ang atensyon sa kausap.

Nang maihatid ko si Sky sa labas ay agad din akong pumasok.

"Tumawag ulit ang Tito Fernan mo. Humihingi ng pasensya dahil bigla daw sumama ang pakiramdam niya. Babawi na lang daw siya sa susunod," nakangiting sabi ni Mama pagpasok ko. Nginitian ko lang din siya at nagpaalam. Hindi ako interesado. Mas okay nga na hindi natuloy dahil tiyak kong hindi din ako mag i enjoy.

Hinayaan ko na lang malunod ang sarili ko sa kakaisip sa naging reaksyon ni Tito Fernan sa babaeng muntik na niyang madisgrasya kanina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

" MS.PHILOPHOBIC .. "Where stories live. Discover now