FRANKI's POV ..
Its been a long, tiring and stressful week ..
Hindi nalang sa pagmamahal ng isang ama ako kinukulang, pati narin sa tulog .. Seriously, the first week of the month has typically been a busy week and this week was no exception, its just that it took so much more out of me ..
Waking up at 5 : 45AM to prepare myself para sa trabaho at 7AM and getting home late and not getting to bed until 1AM or so is too exhausting ..
What makes me more stressful was my Mom .. I mean, she's getting worse .. Hindi ko na sya makausap ng maayos, madalas na syang wala sa hulog .. I feel sorry for her, pero hindi ko rin naman pwedeng hayaan nalang mag isa si Maza sa shop .. Lalo na netong mga nakaraang araw sunod sunod pagdagsa ng costumer namin ..
So I decided to hire someone na makakasama ni Mommy sa bahay habang nasa trabaho ako ..
" Aling Cora, where's Mom .. ? " Tanong ko sa bagong kasama namin sa bahay ..
" Nasa kwarto po nya Ma'm, ayaw na naman pong kumain .. "
Agad ko naman itong pinuntahan sa kwarto nya para kamustahin .. Bahagyang nakaawang ang pinto kaya hindi na ako nag abalang kumatok ..
Naabutan ko syang naka ngiti habang kinakausap ang picture ni Dad ..
" Anong oras ka ba uuwi .. ? Hinihintay ka namin ni Franki .. Ipagluluto kita ng paborito mo pag uwi mo - "
" Mom .. " I interrupted her ..Hindi ako sanay na nakikita syang ganyan ..
Nagtataka naman itong humarap sa akin ..
" Saan ka pupunta .. ? " She asked as she realized na naka bihis ako ..
Tinitigan ko lang sya ..Nuon ko lamang napansin na ang laki na pala ng ibinagsak ng katawan nya .. Nanlalalim narin ang kanyang mata .. I feel pity for my Mom .. But this is not the right time para sabayan ko sya .. I need to be stronger for the both of us ..
" Aalis ka .. !? Hindi ka na babalik .. !? Iiwan mo narin ako katulad ng Daddy mo .. !? "
She became hysterical ang began screaming .. Ganito na lagi ang tagpo namin sa tuwing aalis ako para magtrabaho .. Yeah, I know she's being traumatized kaya lahat ng pag iintindi sa kanya ginagawa ko ..
" No Mom, No .. " I hug her tight to calm her down .. "Mom, may work ako remember .. ? " Dagdag ko habang hinahagod ko ang likod nya ..
Tila naman nahimasmasan sya ..
" Oo nga pala .. Pasensya ka na sa Mommy mo at makakalimutin na minsan .. " Kumalas ito ng yakap sa akin ..
" Its okay Mom .. Just take care of yourself .. Para pag uwi ni Dad maganda ka parin .. "
Idinaan ko nalang sa biro ang pag aalala ko .. Things wont change naman kung magre react pa ako ..
A huge smile draw on her face as she heard " Dad " ..
" Umuwi ka ng maaga para sabay sabay tayong kumain ng Daddy mo .. "
Tumango lang ako, kahit mabigat sa loob ko ay nagpaalam nako " I love you Mom .. " masuyo ko syang niyakap at hinalikan sa pisngi ..
After ko maibilin si Mommy kay Aling Cora ay umalis na ako .. Palagay na ang loob ko dahil kahit pano alam kong may kasama na sya sa bahay at hindi na ako gaano mag aalala .. Makakapag focus na rin ako sa trabaho, ang dami ko ng atraso sa bestfriend ko ..