CHAPTER : 1O

409 13 3
                                    

FRANKI's POV :

Lubog na ang araw nandito pa rin ako sa park .. Nagsisidagsaan narin ang mga tao .. Mas masarap kasi ang hangin sa gabi idagdag mo pa ang pailaw .. Pero hindi ko parin maiwasan makaramdam ng inggit sa twing nakakakita ako ng mga batang naglalaro at nagtatawanan kasama ng mga magulang nila .. Hindi ko kasi naranasan iyon .. Kaya itinutuon ko nalang ang paningin ko sa parteng hindi matao, o di kaya ay tumitingala ako paminsan minsan para pagmasdan ang mga bituin .. Napangiti ako ng bigla kong maalala si Gino at yung higanteng telescope ..

" Sinong naalala mo .. ? "

Napapitlag ako ng biglang magtanong ang katabi ko .. Mula kanina ay ngayon lang ulit ito nagsalita ..

Ang lakas naman makaramdam nito ..

Imbis na sagutin ay humalukipkip nalang ako .. Medyo nilalamig narin kasi ako .. Isa pa kanina ko pa gustong gusto umalis sa lugar iyon pero hindi nakikisama ang mga paa ko .. Kanina parin hindi mapakali ang puso ko na hindi ko alam kung bakit .. Ilang na ilang narin ako sa mga panaka nakang pagtitig nya sa akin .. Ramdam ko iyon kahit hindi ko nakikita ..

Maya maya pa ay tumayo ito .. Baka aalis na .. Hindi narin siguro makatiis .. Ang awkward nga naman nung kanina pa kayo magkatabi pero hindi manlang nagpapansinan ..

Hindi ko alam pero parang may kung anong bahagi sa loob ko na nakaramdam ng lungkot at pagka dismaya sa isiping aalis na ito ..

SINO .. ?

Yung katabi ko ..

SINONG KATABI MO .. ?

Siya ..

SINO NGA .. ? BA'T DIMO MASABI PANGALAN NYA ..

Bakit nga ba .. ? Teka .. !? Paki mo ba .. !?

BA'T ANG SUNGIT MO ..

Ba't ka nandito .. ? POV ko 'to gumawa ka ng say-

Natigil pakikipag talo ko kay OTOR ng maramdaman kong may dumantay sa balikat ko, nakaramdam ako ng konting init kahit papano ..

Pag tingin ko, Jacket .. ???

Tinanggal pala nya yun jacket na kanina pa nakapulupot sa beywang nya ..

Napatitig ako kay Dia- sa katabi ko ..

Sakto naman nakatingin din pala ito sakin kaya saglit na nagtama ang aming paningin .. Agad din akong nag iwas ng tingin dahil mas lalo lang ako nailang ..

" Pwede mo naman ako kausapin kesa makipag usap ka sa sarili mo .. " - sabi nito sabay upo at nag cross legs at cross arms ..

Kasalanan 'to ni OTOR, bigla bigla nalang sumusulpot kung saan saan ..

" Nakakabaliw kaya yan .. " - dagdag pa nya ..

Napatingin naman ako sakanya sa sinabi nyang iyon .. Noon ko lamang din napansin na nakapikit na pala ito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan ang kabuuan nya ..

Infairness, ang tangos ng ilong .. May panglaban .. Maganda rin ang korte ng labi nya parang ansarap -

Wait what .. ? What did i say .. Erase that part ..

YOKO NGA .. NA TYPE KONA .. NABASA NARIN NILA ..

Damn you OTOR .. !

Napadako ulit ang panangin ko sa dibdib nya ..

No, I mean sa tattoo nya sa dibdib nya ..

SA DIBDIB NYA ..

Sa tattoo nga nya sa dibdib nya .. !

" MS.PHILOPHOBIC .. "Where stories live. Discover now