CHAPTER : 2

579 14 0
                                    

DIANA's POV :

Pupungas pungas pa ako ng mata habang naghahanda ng bumangon .. Sa totoo lang, ayoko pa talagang bumangon, bukod sa tinatamad ako e, puyat at may hang over pa .. Mag uumaga na kasi nung maka uwi kami ni Sky galing walwalan kagabi .. Enjoy naman dahil nandun din yun iba pa naming mga kaibigan, pero hindi na ako natutuwa sa sobrang sakit ng ulo ko ngayon ..

Mahihinang katok ang tuluyang gumising sa aking ulirat ..

" Diana, anak .. ? Gising kana ba .. ? Kung gising kana, paki inform nalang ako kung mga anong oras ka babangon .. "  

Napatalukbong nalang ako sa sinabing iyon ni Mama ..Mas lalo tuloy akong tinamad .. Biyernes palang ngayon, dapat nasa office sya, sa linggo pa araw ng pahinga ..

" Diana, alas dose y media na ng hapon .. Baka gusto mo ng bumangon .. "  - dagdag pa nya .. Pero hindi ko iyon pinansin kasi nga ang sakit talaga ng ulo ko ..

" Diana Cariaga Mackey - "  

Napabalikwas nalang ako ng tawagin na nya ako sa buo kong pangalan ..

" 5 minutes, Ma .. ! "  -  sagot ko sakanya at agad na akong bumangon ..

" 'Nak, nung huling sinabi mo sakin yang 5minutes nayan, inabot ka ng isang oras .. Dapat pa ba kitang paniwalaan .. "   -  rebat naman ni Mama sakin ..

Natatawa nalang ako na napapailing sakanya dahil ilang beses ko narin syang nabiktima ng " 5minutes " nayan ..

" Oh sige, Ma .. 15minutes .. Promise hindi na ito SCAM .. ! "   - diniinan ko talaga yun word na Scam para hindi na humaba pa ang usapan dahil ramdam kong babaliktad na sikmura ko anytime,kaya patakbo akong pumasok sa banyo para magpakain ng pato ..

" Sige 'nak, malakas ka naman sakin kaya papaniwalaan ulit kita .. "   - pahabol pa ni Mama bago tuluyan umalis ..

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag stay sa banyo .. Pero ang alam ko gumaan ng kaunti ang pakiramdam ko .. Nang masiguro kong maayos na ulit takbo ng bituka ko e, nagpasya na akong lumabas ..

" 'Nak, sabi mo hindi yun SCAM .. ? "  - bungad agad sa akin ni Mama pagpasok ko palang ng kusina .. Ni hindi man lang ako tinanong kung maayos ba pakiramdam ko .. Medyo tampo ko sa part nayun .. Napatingin naman ako sa orasan at napakagat labi ng mapagtanto kong ala una y media na pala .. Sya pala dapat mag tampo sa part nayun ..

Mabilis ko syang niyakap mula sa likuran at tsaka hinalikan sa pisngi ..

" Ma - "

" 'Nak, hindi mo na ulit ako mabubudol sa mga pagyakap paghalik mo, natuto na ako .. "  -  putol agad nya sakin ..

" Ma, alam kong pasaway akong anak .. Pero mahal na mahal kayo ng pasaway na'to .. At kung bibigyan man ako ng pagkakataon na mabuhay ulit, ikaw parin yun pipiliin kong maging Mama .. "  -  pagkasabi nun ay mas hinigpitan ko pa ang yakap sakanya .. Gusto ko maramdaman nya ang sinseridad ko ..

" Ba't di mo nalang kaya ako bigyan ng apo baka sakali maniwala ulit ako sa mga ka etchusan mo .. "

Napakalas agad ako sa sinabi nyang iyon .. Hindi dahil sa akala nya na nang e etchos lang ako, kundi dahil dun sa word na " apo " ..

" Ma .. !!! "   -  protesta ko sakanya sabay padyak ng paa na parang bata .. Tatawa tawa naman sya dahil alam nyang pikon na agad ako .. Alam din nyang ayaw na ayaw ko  pinag uusapan ang pagbo boyfriend .. Girlfriend pwede pa .. Kaso ayaw din nya .. Its a tie ..

Maya maya pa ay napansin ko ang tatlong piraso ng bulaklak na nakalagay sa vase .. Agad kong sinipat iyon .. Napangiwi ako dahil hindi basta basta bulaklak mga sibs .. Juliet Rose mga sibs .. Juliet rose  .. ! In short, pang mayaman ..

" Ma .. !? Ano 'to .. ?? "  -  nakataas kilay kong tanong kay Mama ..

" Bulaklak 'nak .. "  -  pilosopo naman nyang sagot habang nagpapatuyo ng mga hinugasan nyan pinagkainan .. Napataas ng very light yun kilay ko .. Dalawa .. ? Samantalang kakababa ko palang .. May maid naman kame pero sya talaga toka sa kusina pag natataong hindi office days o pag hindi sya pumapasok sa trabaho nya tulad nalang ngayon ..

Sya na kasi ang tumatayong manager sa kumpanyang naiwan samin ni Papa simula ng mamatay ito nung 13years old palang ako .. And soon, pagtuntong ko ng 25years old, ako na mamahala nun .. At 21 palang ako ngayon, kaya meron pa akong apat na taon para sulitin ang kalayaan ko ..

" Alam ko Ma .. ! Pero bakit may pa juliet rose ka ngayon, ee wala naman 'to kahapon .. !? "  -  usisa ko pa sakanya ..

" Kanina lang din kase binigay yan 'nak .. "  - nakangiting sagot naman nya ..

Pero diko gusto mga ngitian nyang ganyan .. !

" Ma - .. "

" Wagka mag alala 'nak, mali iniisip mo .. Hindi ko nakakalimutan yung deal natin .. "  - paliwanag naman nya sakin ..

May kasunduan kasi kaming mag ina, na hindi sya magbo boyfriend hangga't hindi pako nagkaka girlfriend .. ULET .. !

And yes .. ! You read it right mga sibs .. Girlfriend talaga gusto ko, and i had one before .. Pero katulad ng ibang relasyon, nauwi rin sa hiwalayan .. Tanggap naman ni Mama, pero gusto talaga ng apo .. Sayang naman daw kasi yung magandang lahi ko ..

Hindi naman sa ayaw kong palitan nya si Papa or pinipigilan ko sya maging masaya, napagtripan lang talaga namin gumawa ng kasunduan, and we both agreed naman .. Oh,diba atleast hindi boring life namen ..

Mataman lang akong nakatitig sakanya, habang sya naman ay nakahalukipkip at nakangiti parin ng abot hanggang langit ..

Naramdaman kong parang babaliktad na naman ang sikmura ko kaya napatutop agad ako ng bibig .. Pigil pigil din masuka pag may time .. My gad .. ! Para kong buntis na naduduwal .. !

" Oh, anak .. Kaya pa ba .. ? Alak pa more .. Walwal pa more .. Bago ka mag 25 pudpod na atay mo .. "  - pang aasar pa sakin ni Mama ..

Sinamaan ko naman sya tingin .. Wala e, pikon tayo ngayon mga sibs .. Lakas mang asar ee .. !

" Hindi na'ko iinom .. Hindi yan scam .. ! "  - sabi ko sabay talikod at patakbong umakyat sa kwarto para magpakain ulit ng pato ..

" Nung huling sinabi mo 'yan 'nak, nilagnat ka .. ! "   - pahabol pa ni Mama na alam naman nating lahat may bahid ng pang aasar ..

Pasensya na kayo mga sibs kung ganyan kami mag usap ng Mama ko, minsan talaga nakakalimutan namin na mag ina kame ..

Pero sinasabi ko sa inyo mga sibs, ang sarap magkaroon ng Magulang na parang tropa mo lang ..

Kung meron man magandang naging dulot pagkawala ni Papa, iyon ay mas naging mas malapit kame ni Mama ..

Pero parang hinahalukay parin sikmura ko .. !

- - - - -

A / N :  PASENSYA NAPO SA MABAGAL NA UPDATE .. MAHIRAP KASE MAG ISIP NG SCENE LALO KAPAG MAY IMPAKTA SA PALIGID ..

" MS.PHILOPHOBIC .. "Where stories live. Discover now