CHAPTER II
Lumipas ang isang linggo. Ni text o tawag o mensahe sa Facebook at sa kahit anopamang social networking site na meron ako at meron siya ay wala man lang paramdam. Buti pa yung multo ni Aling Doring na kapitbahay naming araw-araw nagpaparamdam. Hindi katulad ni Sam. Kinalimutan na ata ako.
Nagulat ako nang may biglang tumamang bola sa ulo ko na nagpatumba sa akin. Noong medyo nahimasmasan ako ay kaagad akong tumayo at may lumapit sa aking lalaki. Nakasuot ng pambasketbol na damit. Sa sobrang kakaisip ko kay Sam, hindi ko namalayan na dumaan pala ako sa gilid ng gym namin. Katangahan nga naman.
Tol, okay ka lang? sabi ng lalaki.
Oo pre, sige alis na ko. sagot ko naman.
Sigurado ka? iniabot niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko yun pinansin. Tumayo na lang ako at lumakad na. Nakita ko si Sam na nakatingin sa akin. Kanina pa siguro siya nakatingin pero ni hindi niya ako nilapitan kahit alam niya ang sitwasyon ko. Siguro sobrang laki talaga ng galit niya sakin.
Pumunta ako mag-isa sa kinainan namin ni Sam noong nakaraang linggo. Ewan ko kung bakit ako roon nagtungo. Parang kusang kumilos ang paa ko. Pagkatapos kong makaorder ng lunch ko ay naghanap ako ng mesang maaaring kainan, pero halos puno ng lahat. Nakakita ko ng upuan sa may dulong bahagi ng kainan. Isang babae lang ang nakaupo roon at kumakain. Nakatalikod siya kaya nagsalita ako.
Pwede pong makiupo?
Pwede. Tipid niyang sagot.
Nang uupo na ko sa harap niya ay nakita ko kung sino ang nasa mesa. Yung batang iyakin. Nakangiti siya sa akin. Aalis sana ako kasi baka bigla na namang sumulpot ang kuya niyang si Hitler. Mahirap na. Pero wala akong nagawa dahil nagugutom na ko. Napagpasyahan ko nalang na bibilisan ko nalang kumain para makaalis na agad ako.
Hmm Ka-Kai? Bakit hi-hindi kayo mag-magkasama ni Sa-Sam? tanong niya habang parang sobrang ninenerbyos. Namumutla siya pati.
Kilala pala ko nitong iyakin na to. As if naman na naaalala niya pa yung mga panahong iyon. Ang tagal na nun. Sinagot ko siya, hindi e, galit sa akin iyon, sagot ko naman sa kanya.
Ahh. Kaya pala hindi ka niya sakin binabanggit gaya ng madalas niyang ginagawa, namumutla pa rin niyang tinuran.
Tumango na lamang ako habang nagpatuloy sa pagkain. Gutom na gutom na ko dahil hindi rin ako nakapag-almusal dahil wala pa rin ang parents ko at nasa probinsya pa rin si Manang. Nakita ko rin namang nagpatuloy na rin siya sa pagkain. Nagets niya sigurong wala akong panahong makipag-usap sa kanya. Makalipas ang limang minute at patapos na rin akong kumain, tinignan ko ang oras. 15 minutes na lang at tapos na ang break time.
May klase pa pala ko dun sa pesteng Sociology Prof ko na puro lipunan ang nasa isipan. Wala ng ibang mahalaga kundi ang lipunan, kesyo ang lipunan ang dahilan kung sino tayo bilang tayo at lipunan din ang totoong nagdedesisyon para sa atin dahil wala naman daw tayong tunay na desisyon sa buhay, lahat utang natin sa pesteng lipunan na yan. Mahirap na baka mayari na naman ako. Discussion pa naman daw tungkol sa Social Institutions ba iyon? Bahala na nga. Bahala na talaga. Bwisit.
Nagpaalam na ko sa kanya. Sige, una na ko. May klase pa e, salamat ulit.
Sige ingat ka , sagot naman niya na parang may kakaiba sa boses niya.
Bahala na nga, wala na kong panahon pang intindihin ang mga ganoong bagay. Naisip ko si Sam. Galit pa rin kaya yun sakin? Hays nakakamiss na talaga yung babaeng yun.
Natapos ang isa't kalahating oras na klase. Grabe. Lahat nawindang sa pinagsasabi ni Sir Lipunan (tawag ko dun sa Sociology Prof namin) paano ba naman kasi sobrang anti-structure. Basag lahat sa kanya ng mga bagay na mayroon sa ating mundo. Isang napakalaking sinungaling daw ng Mass media o yung mga telebisyon, radyo, internet at marami pang iba dahil hindi naman daw talaga nagsisilbi ang mga iyon sa masa hindi gaya ng madalas na sinasabi ni Mike Enriquez at Mel Tiangco (sama na natin ang ChikaDorang si Pia Guanio) sa kanilang motto na "Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo lang" dahil ang totoo, nagsisilbi lang sila sa interes ng iilan lalo na ng mga mayayaman, may kapangyarihan at maiimpluwensiya sa lipunan.
BINABASA MO ANG
BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-
FanfictionBADTRIP KA BA SA MATH? SUKDULANG KINASUSUKLAMAN MO BA ITO? Eh paano kung dahil sa kahinaan mong ito MAHANAP MO ANG TRUE LOVE MO?? ANO? ANO? Pwes siguradong magugustuhan mo ang kwentong ito na puno ng kakornihan at kabaliwang dadalhin kayo sa isang s...