Chapter 7: "Bahala na po kayo Lord"

325 8 3
  • Dedicated kay Jinky Cobilla
                                    

CHAPTER VII

(A/N: Ang Kabanata/Chapter pong ito ay dedicated sa aking kambal na si Bb. Jinky Cobilla. Siya po ay isang babaeng sobrang mabait, sexy, gorgeous, intelligent and a very humble and down-to-earth person. Single po siya ngayon hehe! Salamat sa pagtangkilik sa istorya ko sa kabila ng business mo! Thanks ng marami kambaaaal! <3)

Sinubukan kong basahin ulit 'yung tanong. Naalala ko kasi 'yung usapan namin ni Lord tungkol sa challenge na ito. The moment na matanggap ko 'yung tanong Niya ay mayroon lang akong isang oras para sagutin or humanap ng sagot para rito. Nagsimula na ang oras na iyon at mayroon nalang akong natitirang 50minutes to be exact. Wala na akong magawa. Nag-istart na kong magpanic kasi alam kong isang maling sagot at DEDO. Di na ko makababalik sa katawan ko. Hindi ko na rin makakasama ang pamilya ko at lalong-lalo na si Sam. Pero sabi ni Lord bibigyan niya ko ng clue sa mga quizzes na ito ha?

"You'll be receiving the Quizzes' questions once na nasa lupa ka na and I will be also providing clues for you para hindi ka naman sobrang mahirapan," mahabang-mahabang paalala at paliwanag Niya sa akin.

('yan 'yung paliwanag ni LORD sa akin)

Okay. Pero nasaan na 'yung clues? Wag niyo naman sabihin na mga 1 minute before the time ends saka lang lalabas ang sagot sa tanong na ito? WAG NAMAN SANA PLEASE. KINAKABAHAN NA KO.

Makalipas ang ilang saglit (10 minutes to be exact) ay nakita kong papasok ang isang pamilyar na mukha. Sino nga ba siya ulit? Seth ba? O Beth? Basta si batang iyakin! Ewan ko kung anong pangalan niya. Wala na kong balak alamin pa. Lalo na nung naalala ko na naman ang kuya niyang reincarnation ni Hitler! Umiinit lang ang dugo ko e! Pero hindi kaya siya ang clue na binigay sa akin ni Lord. I have no freakin' idea! WTH! ;//

Papasok na siya at may kasama rin siyang isang babae. Parang kilala ko rin ang nasabing babae. Siya 'yung sikat na President ng Mathematics Club sa School at Mathematics-Representative ng University Student Council (USC) namin. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Ms.Jinky Cobilla! Tama alam kong matutulungan nila ako sa una kong challenge. SISIW LANG SA KANILA ITO FOR SURE! :)

Kaso ang problema, ang daming nakabuntot sa kanilang dalawa lalo na kay Ms.Cobilla. Bukod kasi sa pagiging SIKAT niya dahil isa siyang STUDENT-LEADER, MAGANDA RIN SIYA AT SEXY PA. Kaya there's no doubt na maraming nahuhumaling sa kanyang mga lalaki. Pero hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Kailangan kong makagawa ng paraan para matulungan niya kong masagutan ang challenge sa akin. I admit na mahirap ito dahil sa mga inabilities ko ngayong nasa ethereal  form (ghost) ako at hindi naman ako sanay na humihingi ng tulong sa iba. Pero wala na kong dapat iba pang intindihin kundi kung paano ko mailalapit ang sarili ko sa kanya para matulungan niya ko.

"Hey guys! Today we would be launching our newest project here as USC," isang announcement ni Ms.Jinky sa aming Flag ceremony.

"The newest project is entitled "Maging MATHalino," she exclaimed.

Marami pa siyang mga inexplain pero isa lang ang nakapukaw ng atensyon ko. Maglalagay din sila ng mga parang "Suggestion Boxes" near our Study Halls at may monitor everyday na magbabantay at magbabasa ng nasabing suggestion or kung anomang hinihinging tulong ng nasabing estudyante. May biglang nabuong idea sa utak ko at "TING!" (may nag-appear na isang malaking bumbilyang umiilaw sa itaas ng ulo ko) alam ko na! Doon ko ilalagay ang tanong ni Lord. Then, what comes next is bahala na. Bahala na si Lord. Oooops nagbago na ko ng tag line ah. Eh kasi naman Lord, kayo ang nagpapahirap sa akin kaya "Kayo na pong bahala."

 

Kahit nasa ghost form ako ngayon I am granted naman to move things kaya alam kong makasusulat ako sa isang kapirasong papel para mailagay ang question na iyon sa suggestion box ng USC. Naghanap ako ng papel and nakakita ako ng isang scratch na papel na naiwan sa study hall. Saktong kaunti lang naman ang mga estudyante nun kaya freely akong makagagalaw nang hindi napapansin ng mga students na may mga gumagalaw na bagay or something. Nag-CR yung nagbabantay ng suggestion box nung mga oras na yun kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at kinuha ang isang ballpen sa tabi nung box at nagsulat na ko. After ko maisulat 'yung problem, nilagay ko rin na ASAP iyon at kailangang-kailangan ko ng tulong nila within 20 minutes kasi may natitira nalanga kong exactly 25 minutes to answer the quiz/challenge sa akin. After a while, bumalik na rin naman agad yung ateng nagbabantay sa suggestion box. Kaso paano niya malalaman na naghulog ako ng papel doon at kailangang-kailangan ko na ng tulong nila? Hayss pano na to? ;//

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon