CHAPTER IX
(A/N: Malapit na pong matapos ang akdang ito. :))) KONTING TIYAGA NALANG PO GUYS AT MALALAMAN NIYO NA PO KUNG ANONG MANGYAYARI KAY KAI. MASASAGOT BA NIYA ANG LAHAT NG QUIZZES/CHALLENGES sa kanya ni LORD? MAKABABALIK BA SIYA SA KATAWAN NIYA AT MAGKAKABATI NA BA SILA NI SAM? ANO NANG MANGYAYARI SA LOVE STORY NILANG DALAWA? ITO PO MUNA ANG LAST UPDATE KO TODAY. Pahinga mode muna dahil pasukan na bukas at kailangang hindi bangag sa pagtuturo sa mga estudyante. <3 :)
(I'll be also distributing soft copies to you guys once na tapos ko na 'yung last two episodes.)
ENJOY READING GUYS! ^________________^ <3 :)
Hindi pa rin ako mapakali. Wala pa rin kasi akong maalala. 'Yun nga di ba ang mga bagay na nais kong i-confess kay Sam bago man lang ako mawala then bigla kong makakalimutan. TEKA. PARANG MAY MALI YATA RITO. Siguro kagagawan na naman NINYO ito LORD??? TAMA PO BA AKO?
Biglang dumilim ang paligid. Wala akong makita. Ni wala man lang akong maaninag. Wala na rin akong marinig kahit anumang ingay. Sinubukan kong magsalita. Hindi lumalabas ang boses ko. ANONG NANGYAYARI SAKIN AT NASAAN AKO? Sinubukan kong tumakbo pero kahit saan ako magpunta, KADILIMAN LANG ANG NAKIKITA KO. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. NAGUGULUHAN NA AKO. Biglang may lumabas na mga salamin. Kagaya ng salamin noon na ipinakita sa akin ni Lord. Pero ano ang mga ipinakikita sa mga salamin? Tumayo ako sa harap ng isa. Pamilyar ang eksenang ipinalalabas ng salamin. AKO AT SI SAM NOONG MGA BATA PA KAMI. MASAYANG NAGLALARO SA PARKE. Sinubukan ko rin namang tignan ang katabing salamin. AKO NAMAN AT ANG AKING PAMILYA NA MASAYANG NAGKAKANTAHAN DAHIL KUNG HINDI AKO NAGKAKAMALI, KAARAWAN KO NOON. Tumalikod ako, napansin ko na may lumalabas din doon sa isang salamin. 'YUNG MGA ORAS NA NAGSASAYAW KAMI PARA SA GOODBYE PARTY NAMIN NOON SA ELEMENTARY (kasama si Sean) AT MASAYANG-MASAYA RIN KAMI.
Bigla kong NAALALA SI SEAN. Oo nga pala, MATALIK KO RIN SIYANG KAIBIGAN. NOON. Hindi na kasi kami nagkita't nagkausap nung tumira sila sa States. Pero ang IPINAGTATAKA ko lang, bakit kaya bigla nalang naging SILA NI SAM? MAY MGA BAGAY KAYANG HINDI SAKIN SINASABI NOON SI SAM? BAKIT NAMAN YATA SOBRANG BIGLAAN? O SADYANG AKO NALANG ANG TANGANG HINDI NAKAKAALAM? Naguluhan ako bigla.Sumakit bigla ang ulo ko. Siguro idamay na rin natin ang puso ko. Hindi ko na alam ang mga nangyayari. Bakit biglaan ko nalang na dapat maramdaman ang mga kalungkutang ito?
NAPAPIKIT AKO. SIGURO DAHIL SA MGA NANGYAYARI. PERO NAGULAT AKO SA MULING PAGDILAT NG MGA MATA KO. NASA LOOB NA KO NG ISANG KWARTO. ISANG PAMILYAR NA KWARTO AT MAY ISANG BABAENG NAKATALUKBONG NG KUMOT. SINO KAYA ITO? BAKIT AKO NARITO? May bigla akong naalala. Tama. Walang mintis. Kilala ko kung kaninong kwarto ito. KWARTO ITO NI SAMANTHA. Pero bakit nga ako narito? LORD NAMAN. BAKIT NAMAN PO PARANG PINAGLALARUAN NIYO NA KO NIYAN? UNANG-UNA, MUMU AKO NGAYON. TAPOS MAY INSTANT WARP TELEPORTER KAYONG TRIP SAKIN?? Pero ang MASAKLAP dito pa sa KWARTO NIYA. LORD, ASAR TALO PO E. WALA NA PO SUKO NA KO T________T
Nagulat ako ng biglang may narinig akong umiiyak. SI SAM. UMIIYAK SIYA. Bigla akong nakaramdam ng pagkaawa sa kanya. Hindi naman siya kasi ganyan. Bihira siya magpakita ng emosyon niya lalo nang hindi siya umiiyak dahil ayaw niyang mahusgahan siya ng tao. Madalas nga noon na siya ang TAGAPAGTANGGOL ko. Sobrang ASTIG NIYANG BABAE. NASA KANYA NA ANG LAHAT. Kaya nagulat talaga ako ngayon sa nasasaksihan ko. Hindi ko alam na umiiyak pala siya. I mean alam ko naman na lahat ng tao ay umiiyak pero perstaym ko kasing makita siya sa ganitong kalagayan. Kaya ang ginawa ko, tumabi lang ako sa kanya sa higaan niya. Medyo malaki kasi ang kama ni Sam kaya kasya kami. As if naman na magkatamaan kami sa kama at malaman niyang nandito ako kasi nga di ba, GHOST AKO NGAYON, IN SHORT MUMU AKO -_- Kakaiba ang pakiramdam ko habang katabi ko siya sa kama. First time ko lang makatabi sa kama ang taong matagal nang laman ng puso ko. Ni hindi sumagi kahit sa hinagap na mangyayari ang mga oras na ito. Naririnig ko pa rin ang mahina niyang paghikbi. AWANG-AWA na ko sa kanya. Bakit kaya siya umiiyak? Ano kayang problema niya? GUSTO KO SIYANG YAKAPIN HAYSSS ;//
Bigla siyang pumaling sa pwesto ko. Inalis niya ang kumot niya. NAKAHARAP SIYA SA AKIN. AS IN. MAGKATAPAT NA MAGKATAPAT ANG MGA MUKHA NAMIN. BIGLANG BUMILIS ANG TIBOK NG PUSO KO. PARANG MAY NAG-UUNAHANG MGA KABAYO. DUGUDUGDUGUDUGDUGUDUG! -_______-
"LORD, KASAMA PO BA ITO SA PLANO NIYO? KASI KUNG OO, 'WAG NALANG PO. PWEDE NA PO KASI AKONG MAMATAY NGAYON NA. NGAYON NA PO LORD. (pero paano nga iyon mangyayari e samantalang MULTO na ko. Haysss ang GULO NG BUHAY KO! Ha? BUHAY PA BA AKO? EWAN! EWAN!)
Kitang-kita ko pa rin na malungkot si Sam. Ang ganda pa rin niya kahit umiiyak siya. Lalo na sa malapitan. Nakapikit lang siya habang hindi pa rin halos maipinta ang mukha. HINDI KO NA NAPIGILAN PA ANG SARILI KO. NIYAKAP KO SIYA. Kay tagal kong pinangarap ang mga sandaling ito, ang mayakap ang kaisa-isang babaeng minahal ko sa loob ng mahabang panahon. Hindi man niya alam ang mga nangyayari, ang mahalaga, YAKAP-YAKAP ko siya. AYOKO NA SIYANG PAKAWALAN. SANA HABAMBUHAY NA LANG GANITO ANG SITWASYON. SANA HINDI NA MAGWAKAS PA ANG MGA SANDALING ITO NA MATAGAL KONG INASAM-ASAM.
"MAHAL NA MAHAL KITA KAI," sabi ni Sam habang patuloy sa pag-iyak.
Biglang bumalong ang mga luha ko. Parang walang katapusan. Parang lahat ng kapighatian na nararamdaman ko ay naipong lahat. HINDI KO INASAHANG MARINIG SA KANYA ANG MGA KATAGANG IYON MULA SA KANYA. NABIGLA AKO. Naghalo ang mga damdamin sa puso ko. Hindi ko malaman kung masaya ba ko dahil nalaman kong mahal din pala ako ni Sam o malulungkot ako dahil sa kalagayan ko ngayon o dahil sa kalagayan naming dalawa ngayon.
"MAHAL NA MAHAL KITA KAI"
"MAHAL NA MAHAL KITA KAI"
"MAHAL NA MAHAL KITA KAI"
"MAHAL NA MAHAL KITA KAI"
Paulit-ulit na umuugong ang mga salitang binitiwan ni Sam. Bigla akong napasagot sa kanya.
"MAS MAHAL KITA SAM," sabi ko habang patuloy pa rin ang pag-iyak. Alam kong hindi niya ito maririnig kaya ang lakas ng loob kong magsalita. Sasamantalahin ko na lamang ang mga pagkakataong gaya nito dahil alam kong baka ito na ang huling beses kong masabi ko sa kanya ang tunay na nilalaman ng puso ko.
"MAS MAHAL KITA SAM," ulit ko sa kanya. Pero NAGULAT AKO. BAKIT BIGLANG NAG-IBA ANG ITSURA NI SAM? BAKIT PARANG GULAT NA GULAT SIYA? ANONG MERON? ANONG NANGYAYARI? NASAGOT BIGLA ANG LAHAT NG KATANUNGAN KO NANG BIGLANG,
"KA-KA-KAI? IKA-KAW BA YAN?" gulat na gulat na tanong ni Sam sa akin.
Napabitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya. BAKIT NIYA AKO NAKIKITA? ANONG NANGYAYARI SA AKIN? HINDI BA KALULUWA NA LANG AKO? HINDI KO NA ALAM ANG NANGYAYARI. BASTA ANG ALAM KO, WALA AKONG ALAM SA MGA NANGYAYARI AT ISA LANG ANG ALAM KONG MAY ALAM SA MGA NANGYAYARI.
"LORD, ANO PONG NANGYAYARI? PAKI-EXPLAIN PLEASE? LABYUUUU!"
(TO BE CONTINUED...)
BINABASA MO ANG
BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-
FanfictionBADTRIP KA BA SA MATH? SUKDULANG KINASUSUKLAMAN MO BA ITO? Eh paano kung dahil sa kahinaan mong ito MAHANAP MO ANG TRUE LOVE MO?? ANO? ANO? Pwes siguradong magugustuhan mo ang kwentong ito na puno ng kakornihan at kabaliwang dadalhin kayo sa isang s...