Chapter V
"Kai."
(Nag-eecho sa buong lugar ang tinig Niya.)
"Ano po iyon? Sino po ba kayo? Bakit po ako nandito? Bakit niyo po ako tinatawag? Saka bakit po kayo nakaputi? Saka ano po yung..."
"Teka! Makinig ka muna sa akin! Bakit ang dami mo agad tanong na bata ka?" tila galit na sabi ng lalaki.
"Unang-una, narito ka sa Langit."
"Langit? So, patay na pala ako. Ha? TEKA. L-A-N-G-I-T??? PATAAAAAAY NA KOOOOO? HAAAAAAA? WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH! Bakit ganun? How is it? What's happening????? HINDI ITO MAAARI!!!!!!!! AAAAAARRRRIII! AARRRRRRIIIII!!!!! AARRI! ARI! RRI! RI!
(Grabe ang ECHO rito. Parang may Mic kami sa harap. Pero hindi nga? Patay na ko?)
"Oyy! Wag kang sumigaw! Hindi ako bingi no?" sigaw naman nung lalaki sa akin.
"Ganito kasi iyan. Makinig ka muna owwwwkaaaay? UULITIN KO. NASA LANGIT KA NGA. PERO HINDI KA PA PATAY. NASA HOSPITAL PA ANG KATAWAN MO. Wag kang advanced masyado okay? Ang OA kasi e."
Biglang may lumabas na salamin. Parang 'yung isang fairy tale na napanood ko. 'Pag kailangan nung witch 'yung napalaking salamin niya, lalabas na lamang ito at bigla siyang magsasalita.
"SALAMIN, SALAMIN. SABIHIN MO SA AKIN, KUNG SINO ANG MAS MAGANDA SA AMIN!"
At biglang sasabihin ng salamin, "SI SNOW WHITE PO MADAM."
Ayuun kisay ang salamin. Wasak. Sabog ang UTAK. (Siyempre di nangyari 'yun. NAGSINUNGALING PA RIN ANG SALAMIN SA BRUHANG NAKATINGIN. BWAHAHAHAHAHA.)
"Tignan mo Kai, ikaw ang nasa higaan." sabi ng lalaking mahaba ang balbas.
"Bumigaw na ang katawan mo. In short, malapit ka na talagang mamatay." pahabol pa niya.
"HAAAAAA? WHAAAAAAAAAAAAAAT? DI NGA? OWSSS?! WAG KA NGANG ECHOS DIYAN!" sagot ko naman sa kaniya.
"Wag ka ngang feeling diyan! Wag mong sabihing hindi mo alam ang kondisyon mo?" bawi naman niya sa akin. "Saka hindi ka pa naman patay. Actually may magagawa ka pa."
"Po? May magagawa pa ko? Makakabalik pa ba ko sa lupa?" tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Kaso may mga dapat kang gawin at may mga kondisyon din." paliwanag niya sa akin.
"May mga dapat na gawin? Mga kondisyon?" bulong ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa salamin. Naroon ang katawan ko. Kitang-kita ko na lahat sila malungkot. Iyak ng iyak si Mommy at si Anne, ang bunso kong kapatid. Naroon din si Tito Rene. Alam ko malungkot silang lahat. Ayoko pa silang iwan. Wag muna Lord. Wag po muna please.
"Wag mong lakasan ang dasal mo. Hindi ako BINGI."
"Ha? 'Wag niyo pong sabihing kayo po Si..."
"Oo, Ako nga. Kaya ako narito kasi nakita kong hindi mo pa tapos ang mission mo sa lupa. Marami ka pang dapat gawin. Hindi lang sa pamilya mo kundi pati na rin kay Sam."
Pagkasabi ni Lord nun ay biglang nag-iba ang nag-faflash sa screen ng salamin. Nakita kong magkasama sila Sam at Sean. Namamasyal sila. Iba't ibang mga lugar na kanilang pinupuntahan ang ipinalalabas. Iba't ibang mga bagay ang kanilang ginagawa ng magkasama. Pero may napansin ako. Parang may mali. Napansin kong sa lahat ng oras na magkasama sila, parang hindi si Sam ang nakikita ko. Ano kaya ang problema? Parang pinepeke lamang niya ang kanyang mga ngiti. Alam kong hindi ganyan ngumiti si Sam. Hindi talaga ata siya masaya. Pero bakit?
"Tama ang nararamdaman mo Kai. Hindi masaya si Samantha," biglang nagsalita si Lord habang nakatuon ang pansin ko sa salamin.
"Paano niyo po nalaman na iyon ang iniisip ko? Nagbabasa kayo ng isip Lord ha? MALI YAN!
TRESPASSING! TRESPASSING YAN! KAKASUHAN KO KAYO!" >,<
"Ha? Nakakalimutan mo yatang ako ang Diyos na may lalang ng Langit at lupa? At naririnig kong lahat ng mga nasa isip at mga panalangin ng bawat nilikha ko," sagot naman niya sa akin.
"Wow! Ang galing naman po nun Lord! Kaso hindi po ba kayo napapagod niyan?" tanong ko na parang hindi si Lord ang kausap ko. Medyo sabaw lang -________-
"Alam mo kasi anak, ang tunay na nagmamahal ay hindi napapagod magmahal. Ganun lang kasimple iyon. Kaya kayo natutong magmahal dahil kayo ay aking ginawa batay sa aking ninanais. Gusto kong matuto kayong magmahal, maging masaya, masaktan at lumuha na rin ng dahil dito. Gusto kong maging matatag kayong lahat sa pagdaraanan ninyo sa buhay." paliwanag niya ulit sa akin.
"Eh paano po 'yung mga katulad ko Lord? Na may mga sakit at may mga mabibigat na pinagdaraanan sa buhay? Ano po ang plano Ninyo sa amin? usisa ko pa rin sa kanya.
"Anak, may mga bagay na bahagi ng aking plano sa inyo. Gusto ko man sabihin sa iyo ang lahat ngayon ay hindi pa rin maaari. Kaakibat itong lahat ng hindi mo pa natatapos na misyon mo sa mundo." sagot pa rin ni Lord sa akin.
Pagkatapos ng usapang iyon ay ipinaliwanag na sa akin ni Lord ang "MECHANICS" ng mga gagawin ko. Grabe lang pakiramdam ko nasa BAHAY AKO NI KUYA na ang lahat ay pawang mga challenges lang. Dito nga lang ay iba ang catch, kasi hindi pera, bahay at kotse ang mapananalunan ko. Kundi ang sarili kong buhay. Sobrang kabado ako pero dapat maging matatag para kay Mommy, Tito Rene, Anne, Manang Etang, Manong Johnny at marami pang iba. Teka nakalimutan ko, para rin ito sa kanya. Para ito sa nag-iisang babaeng laman ng puso ko. Sa babaeng laman ng bawat panaginip. Sa babaeng nais kong pag-alayan ng natitira ko pang buhay. Para ito sa'yo Sam!
Simple lang ang Mechanics ni Lord sa mga dapat kong gawin. Sasagutin ko lang daw ang lahat ng mga "quizzes" na ipasasagot niya sa akin. Bawat tamang sagot na magagawa ko ay magiging equivalent to 10 points. Kailangan kong makaipon ng 100 points para makabalik sa katawan ko. So logically speaking, ganito ang equation na aking dapat tandaan:
1 Correct Answer = 10 points
10 Correct Answers = 100 points
100 points = Balik sa katawang-lupa
SO BASICALLY, KAILANGAN KO LANG SAGUTIN NG TAMA ANG LAHAT NG "QUIZZES" NA ITO NI LORD AT TADDAAAAAAN! MAKABABALIK NA KO SA PAMILYA KO AT LALONG-LALO NA KAY SAM. Kaso may nakalimutan akong itanong kay Lord.
"Lord, tungkol saan nga po pala ang QUIZ na pasasagutan ninyo sa akin? I mean anong particular subject po iyon belong?" tanong ko kay Lord bago ko umpisahan ang hamon niya.
"Ay oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. Pagbalik mo sa lupa ay kaluluwa mo lamang ang maaaring sumagot ng mga katanungan. Bawal sumanib sa ibang katawan. So ang pagsagot mo sa bawat hamon ko ay mananatiling sayo lang nakasalalay dahil hindi ka makikita ng mga tao. At don't forget my dear, CHEATING IS NOT ALLOWED. Once I've caught you CHEATING, alam mo na ang mangyayari sayo. Madodouble-dead ka sigurado. Just kidding. Remember this, bibigyan lang kita ng sampung araw para maisakatuparan mo ang lahat ng hamon ko sa'yo. You'll be receiving the "Quizzes' questions once na nasa lupa ka na and I will be also providing clues for you para hindi ka naman sobrang mahirapan," mahabang-mahabang paalala at paliwanag Niya sa akin.
"Opo Lord salamat po sa paalala kaso di Niyo pa po sinasagot 'yung tanong ko."
"Ah oo nga pala, sige. Ang quizzes na ibibigay ko sayo ay nasa subject na MATH," sagot naman niya sa akin.
"Ah owwwkaay po, so, MATH pala. HAAAAAAAAAAAA?????? WHAAAAAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTT? PPPPPPPPPFFFFTT!!! MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAATH???????????????? WTHHHHHHHHHHHHHHHHHH?????????? HINDI NGA? NAKU. PIHADO. YARI NA KO. IMPIYERNO NA SIGURADO ANG BAGSAK KO. DI KO NGA KABISADO ANG MULTIPLICATION TABLE NOONG NASA ELEMENTARY PA KO TAPOS MATH PA?????? LORD GUSTO NIYO PO BA KO TALAGANG TULUNGAN??? O ITO YUNG SINASABI NIYONG PLANO NIYO SA AKIN? ANG MALIGO AKO HABAMBUHAY SA KUMUKULONG MANTIKA? HUHUHUHUHUHUHU!! T_________________________T
"Makinig ka Kai, kaya mo iyan. Magtiwala ka lang sa Akin."
Bigla na lang Niyang iniangat ang kamay Niya at biglang bumukas ang tinatapakan kong ulap. Nalaman ko nalang na bumubulusok ako pababa ng sobrang bilis (mga 7653354543543/kph) at ang tanging namalayan ko nalang ay nasa lupa na ako. Una ulo. Wasak ang matagal kong iningatang kagwapuhan.
ITO NA. UMPISA NA NG KALBARYO KO. GOODLUCK SA AKIN. -_____-
LORD, SALAMAT PO ULIT. ANG BAIT NIYO TALAGA. HEHE ;//
(ITUTULOY..)
BINABASA MO ANG
BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-
FanfictionBADTRIP KA BA SA MATH? SUKDULANG KINASUSUKLAMAN MO BA ITO? Eh paano kung dahil sa kahinaan mong ito MAHANAP MO ANG TRUE LOVE MO?? ANO? ANO? Pwes siguradong magugustuhan mo ang kwentong ito na puno ng kakornihan at kabaliwang dadalhin kayo sa isang s...