Chapter 10: "Ready na po ako."

163 6 1
                                    

CHAPTER X

 

"LORD, ANO PONG NANGYAYARI? PAKI-EXPLAIN PLEASE? LABYUUUU!"

 

Iyan ang mga katagang nasabi ko pagkatapos ng mga nakabibiglang mga pangyayari. ALAM KO NA SIYA LANG ANG MAY DAHILAN NG LAHAT NG ITO. SIYA LANG AT WALA NG IBA PA. Pero nagulat ako ng walang sagot akong nakuha mula sa Kanya. Bakit kaya? Hays. Basta bahala na. Bahala na kayo Lord.

"Kai??? IKAW BA TALAGA IYAN??? Magaling kana ba? Kelan ka pa nakalabas ng ospital?" sunod-sunod na tanong ni Sam sa akin.

"Ah eh, ano kasi.." hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"Nung nakaraang araw, sana dadalaw ako sayo. Kaso nag-alanga.."

BIGLA KO NALANG SIYANG NIYAKAP ULIT. HINDI KO NA PINATAPOS PA ANG MGA SASABIHIN NIYA. BASTA ANG MAHALAGA, ALAM KONG OKAY NA KAMI ULIT.

Pinaliwanag ko kay Sam ang lahat-lahat, mula sa nawalan ako ng malay noong nakita ko sila ni Sean sa bahay nila at pati na rin ang encounter k okay LORD. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko. Pero noong sinubukan kong lumabas sa pinto ng kwarto niya at makita niyang tumagos ako, wala na siyang nagawa kundi maniwala. Matagal-tagal na paliwanagan ang nangyari. Kahit ako rin kasi mismo dib a hindi rin naman ako makapaniwala noon sa mga nangyari, pero wala e, IBA ANG TRIP NI LORD SA BUHAY KO EH. Nabanggit ko rin yung CHALLENGE sakin ni Lord through MATH QUIZZES. NATAWA SIYA BIGLA.

"YUNG CHALLENGE SAYO NI LORD AY MATH??" gulat na gulat na tanong ni Sam sa akin.

"OO EH," dismayadong sagot ko sa kanya.

"Paano 'yun Kai, 'di ba BOBO KA SA..."

"HINDI AKO BOBO SA MATH. HINDI KO LANG TYPE ANG SUBJECT NA 'YUN." Sagot ko naman sa kanya.

Medyo napikon ako sa sinabi ni Sam pero wala na akong oras para doon. Bigla nalang kasing may pumasok na isang putting kalapati sa kwarto ni Sam. Paglapag pa lang ng kalapati sa kwartong kinaroroonan namin ay bigla nalang itong nagliwanag. Isang nakasisilaw na liwanag. Nagulat nalang kami na sa pagdilat ng aming mga mata ay may isang papel na nagliliwanag ang nasa lapag. PIHADO, ISA NA NAMAN IYONG PAGSUBOK NI LORD. Okay naman sana, kaso ang malupit doon, 2 questions iyon. Noong binabasa ko ang mga tanong, biglang kinuha ni Sam sa akin ang papel. Binasa niya ang mga nakalagay doon. Hindi na ko gaanong umangal. Hindi ko naman din kasi maintindihan ang mga nakalagay. Nagulat nalang ako nang biglang magsalita si Sam.

"Kai, halika rito umupo ka."

"Ha? Bakit naman?" tanong ko habang pinapaupo niya ako sa tabi niya sa kanyang study table.

"Tuturuan kitang i-solve ito." Nakangiting sambit niya sa akin.

"Ha? Wag na. Kaya ko naman iyan. SUS YAN LANG BA? NAPAKASISIW LANG NIYAN." Payabang ko namang sagot sa kanya.

"Tss. Wag ka na kasing mahiya. Para naman 'tong others. Di ba bestfriend tayo?" pagpipilit pa niya sa akin.

"Ayokong lumapit sa iyo. Kahit hindi ako nakikita ng iba, baka kasi biglang dumating dito si Sean at ma-guilty ako. Ako namang isipin na nananalo ako ng girlfriend ng iba," matigas kong sabi kay Sam.

Natahimik si Sam sa mga binitiwan kong salita. Alam kong medyo mali ang mga nasabi ko sa kanya pero wala akong magagawa. Para sa akin, tama lang naman ang ginawa ko. Pero ikinabigla ko ang pagngiti ni Sam. Nagsalita siya.

"Kai, saka ko na ieexplain sayo ang lahat okay? For now, what we should focus on is how to answer these questions para makabalik ka na sa katawan mo, 'kay?"

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon