Chapter 1: "Ang Unang Kabobohan"

2.2K 26 13
                                    

BOBO SA MATH  

(Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) 

ni MakatangMusikero

All Rights Reserved 

Copyright 2014

Hello po sa mga MINAMAHAL KONG WATTPADers diyan! Sana po magustuhan ninyo ang aking unang istoryang ginawa. Sobrang SIMPLE lang po niya. As in. Gusto ko kasing makagawa ng isang story na hindi man kasing complex ng iba, tatatak naman sa mga puso ng mga makababasa. Kaya ito na nga, SANA MAGUSTUHAN NINYO! <3 :))))

Love,

Kai Lopez

BSMath (BoboSaMath) XD

Chapter 1

Dalawa lang ang maaaring puntahan ng isang tao pagkatapos niyang mamatay: Una; pwedeng sa langit at pwede rin namang hindi; Ikalawa, kung saan man siya mapunta, paniguradong mananatili ang kanyang mga alaala sa puso ng isang taong tunay na nagmahal sa kanya. 

Marami tayong mga sari-saring bersyon ng mga maaaring mangyari sa mga tao kung kailangan na niyang lisanin ang kanyang katawang lupa, maaaring nakabatay ito sa relihiyon/sekta na ating kinabibilangan, tradisyon o paniniwalang ipinasa sa atin ng ating mga magulang, idinikta sa atin ng mass media (sinabi ko ito dahil pasibo ang karamihan ng mga taong nakabatay na ang buhay sa panonood ng telebisyon, pakikinig sa radyo, pagbabasa ng dyaryo at mga status ng mga friends sa Facebook at kung anupamang social media sa kadahilanang hindi na nila kadalasang sinusuri ang katotohanan sa likod nito o ang relevance nito sa kanilang mga buhay. Subo lang ng subo ng impormasyon kung baga) at marami pang ibang mga bagay.

Ngunit naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung handa ba talaga tayong malaman ang tunay na kasagutan sa tanong na ito? Marahil ang sagot ay hindi. Kaya nga kadalasan, pilit nating isinasaksak sa ating mga isipan ang mga bagay na puro kathang-isip lamang. Na ang buhay sa daigdig ay pawang paghahanda lamang para sa tunay na buhay pagkatapos nating mamatay. Na ipanganganak tayong muli sa ibang katauhan o anyo depende sa ginawa natin noong tayo'y nabubuhay pa. Na muli nating maitutuntong ang mga paa sa mundong ating kinagisnan at makararanas ng kasiyahang ating tinamasa at tinatamasa. 

Kay sarap lunurin ang ating mga kaisipan at diwa sa ganitong mga ideya. Ngunit habang pinalilipad natin ang ating mga sarili sa ganitong pananaw ay nananatiling hindi malinaw ang tunay na kasagutan sa mga katanungang takot tayong itanong sa iba o mismo sa ating mga sarili.

Totoo ba ang kabilang buhay? O totoo ba ang langit? Ang mga anghel na nagsisiawit sa kalangitan o ang diablo na walang ibang hinahangad kundi mapasakamay ang ating mga kaluluwa. E ang Diyos kaya? Na bilyong tao ang araw-araw dumudulog ng iba't ibang panalangin, pagtangis, pasasalamat at iba pa? Totoo ba Siya? Kaya ba talaga Niyang dinggin ang mga panalangin ng lahat ng nananalig sa Kanya? 'Yung panalangin ko kaya na madalas ay pansarili lamang ay magagawa kaya Niyang pag-aksayahan man lang ng kahit isang segundo o nano second man lang, e samantalang napaka-busy Niya? Kinikilabutan akong nagagawa kong itanong ang mga bagay na ito sa aking sarili. Baka kasi biglang kumidlat, tumama nalang bigla sa akin at bawian ako ng buhay.

Pero hindi man ako tunay na sigurado kung sino man Siya o kung meron ba talagang Siya, isa lang ang lubos akong nakasisiguro. Tuwing iyuyuko ko ang aking mga mata at magsasalita sa isip ng aking mga nais sabihin sa Kanya (gaya ng itinuro sa akin ng aking ina) gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko rin alam pero naisip ko na wala naman talaga ang Diyos sa tinatawag nilang langit. Parang nasa puso ko Siya, o mas magandang sabihing nasa puso ko talaga Siya. Bakit? Simple lang ang kasagutan. Hindi kasi ako naniniwala sa mga taong pilit siyang hinahanap sa iba't ibang mga simbahan, lugar-sambahan, mosque, templo, bahay-dasalan at sa napakarami pang mga lugar. Hindi naman kasi ako madalas sa mga lugar na iyon pero kapag ginawa ko nang buksan ang sarili ko para sa Kanya, agad naman Siyang dumarating para kausapin ako at yakapin ako. Selfish na kung ito man ang tamang salitang maglalarawan ng aking pananaw, pero naniniwala akong nasa puso ko talaga Siya. Lalo na ngayong malapit ko nang malaman ang kasagutan sa aking pinakamalaking katanungan.

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon