Chapter 12: "Puso."

205 7 0
                                    

CHAPTER XII

 

Dalawa lang ang maaaring puntahan ng isang tao pagkatapos niyang mamatay: Una; pwedeng sa langit at pwede rin namang hindi; Ikalawa, kung saan man siya mapunta, paniguradong mananatili ang kanyang mga alaala sa puso ng isang taong tunay na nagmahal sa kanya. Ito ang mga katagang baon-baon ko simula ng mag-umpisa ang kwentong ito ng buhay ko.

 

Sa pagmulat ng aking mata, nasulyapan ko agad ang isang taong madalas kong kasama sa aking higaan. Isang napakagandang binibini ang araw-araw na bumubungad sa akin sa tuwing ididilat ko ang aking mga mata. Hindi ko na mabilang kung gaano na katagal na panahon na simula noong nangyari ang mga pangyayaring iyon sa buhay ko. Pero isa lang ang nasisiguro ko, alam ko na MASAYA AKO. Hindi ko man alam talaga kung ang aking sariling bersyon ng kasiyahan ay katulad ng sa karamihan, uulitin ko. MASAYA AKO. Nang maramdaman niyang nagising ako, iniangat niya ang kanyang ulo at ngumiti sa akin. Ito ang madalas niyang banggitin tuwing umaga sa halos paulit-ulit na pangyayari.

"Good morning dear," nakangiting bati niya sa akin.

Tumatango na lamang ako. Hindi dahil sa ayaw ko siyang gantihan sa bati niya. Kung hindi dahil may sarili akong dahilan. Napangiti pa rin ako. Kasi kahit araw-araw na lamang ay nagdurusa ang kanyang puso ay patuloy pa rin siya sa pagbibigay sa akin ng napakaraming dahilan. Dahilan upang ngumiti. Dahilan upang patuloy na bumangon sa umaga. Dahilan upang tuluyang maging masaya. Ilang taon na nga ba ang lumipas? Matagal na rin pala. Kung hindi ako nagkakamali, 3 taon na ang lumipas. Tatlong taon na pala. Hays. Buhay nga naman. Nagulat nalang ako ng may narinig akong nagbukas ng pinto. Isang babaeng nakaputi na madalas ko ring makasalamuha sa kwartong ito. Gaya pa rin ng dati, paulit-ulit ang pangyayari kapag nakasasalamuha ko sila. Pero nasanay na rin ako, WALA NA RIN NAMAN AKONG MAGAGAWA EH.

Paglabas sa pinto ng babaeng nakaputi, NAGULAT AKO sa biglang pagbukas ng pinto ko. May tumutugtog ng gitara kasabay ng isang pamilyar na kanta na halos buong mundo ang nakaaalam. Teka, anong petsa ba ngayon? Nang mabatid ko kung anong araw/petsa ngayon. NAPANGITI NA LANG AKO. Nagmistulang isang malaking reunion ang nagaganap sa loob ng kwartong ito. May dalas-dala silang lobo, cake, pancit, softdrinks at kung ano-ano pang mga pagkain.

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU, HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY TO YOUUUUU!" sabay-sabay nilang awit sa akin. Bigla akong niyakap ni Mommy, Anne at Tito Rene. NAKANGITI pa rin silang lahat kahit bakas na bakas sa kanilang mga mata ang labis na kalungkutan. Hindi ko pinahalatang nalulungkot din ako bagkus ay niyakap ko rin silang tatlo. Nandoon din sila Manang Etang, Manong Johnny at ilang mga kamag-aral namin noong College. Lahat sila ay nakangiti. Pinararamdam nilang espesyal talaga ang araw na ito. Pero hindi na maitatago ang katotohanan na ilang panahon na lang at.. At.. Basta, kailangan ko pa ring gawin ng tama ang lahat.

SIMPLE lang ang naging buhay ko. Tanging gusto ko lang noon ay makasama ang nag-iisang taong nagpasaya sa akin. Nabuhay ng masaya at ninais na aminin ang lahat ng nararamdaman sa kanya. Nagkasakit, naconfine sa ospital, naging MULTO at humarap sa maraming challenges ni Lord kasama siya. Ngayon, malapit na ang katapusan.

------FLASHBACK------

 

OKAY SIGE NA . >//< Wala na akong magagawa. "AKO AY ISANG BOBO SA MATH!" SIGAW KO! "AKO AY ISANG BOBO SA MATH!" "BOBO SA MATH!"  YESSSS! BOBO AKO SA MATH! YUHOOOOOOOOOOOOOOOOOOH! BOBO! BOBO! NIYAKAP KO SI SAM AT SUMIGAW AKO NG BOBO! BOBO BOBO AKO SA MATH! XD SI KAI BOBO SA MATH!

 

Iyon na ang mga katagang huli kong natatandaang nasabi bago biglang dumilim ang paningin ko at naging malinaw na sa akin ang lahat.

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon