Chapter 6: "Ang PENGUIN SOUP at PISO"

281 11 9
                                    

CHAPTER VI

Naglakad-lakad muna ko since medyo nahihilo pa ko sa matinding pagbagsak ko. Ikaw ba naman pabagsakin mula sa langit ng wala man lang parachute e? Siguradong sabog ka rin. XD Kaso hindi pa rin nawawala ang pangamba ko. Makababalik ba talaga ko sa katawan ko kung MATH ang mga quizzes na pagdaraanan ko? PROMISE. Hindi naman sa minemenos ko ang sarili ko. Pero siyempre kilala ko rin naman ang sarili ko. Madalas akong nakatatanggap ng iba't ibang mga karangalan at merits sa school pero hindi sa MATH. Paniwala ko kasing nakakaMATHay ang subject na 'yun.

Basta NAKAKABADTRIP LANG TALAGA! 'Pag naglelesson na nga 'yung mga Math teachers namin noon, parang nag-uumpisa na 'yung pagtugtog ng mga ORCHESTRA. O 'yung mga sobrang melodic songs at mga kanta ng nanay na nagpapasuso ng anak. Nagsisimula na rin akong unti-unting ihele. Ang sarap MATHulog haha. Solid. Wala akong pakialam kung may tumulo mang laway sa bibig ko o mamula man ang noo ko sa pagkakasandal nito sa braso ko. Ang mahalaga, makatulog ako. May bigla tuloy akong naalala na isang lesson namin sa Mathematics noong High School. Ganito ang mga pangyayari nun.

------FLASHBACK------

Isang normal na araw noon, kalagitnaan ng isang nakaaantok na hapon. 12:00nn-1:00pm ang oras ng klase sa teacher naming MATHaba. Oo dambuhala nga siya. Kung ano yung iniisip niyong size niya and shape, ayun na yun. XD Pagpasok niya pa lamang ay narinig kong nagbubulungan na agad ang mga kaklase ko. Excited na raw sila. May pinagtatalunan pa nga sila na isang Brain Teaser na pinasagutan ng teacher namin at ngayon daw malalaman yung sagot. Nagpustahan pa pala sila kung sino ang tama. Pero ako? Wala akong PAKIALAM. As in. WAPAKELS. Bulong ko sa sarili nun, sa Math lang naman kayo magagaling e. Try nating magpustahan sa ibang subjects especially sa History or Science. Pihado, ang sarap ng tanghalian ko kinabukasan.

Napatingin ako kay Sam. Excited na excited din siya malaman ang sagot sa Brain Teaser na pina-assignment ng teacher namin. Hays lahat nalang talaga sila HOOK NA HOOK sa MATH na yan. Hindi naman sa hindi ako magaling sa MATH or whatsoever, ang akin lang ay HINDI SUKATAN NG TUNAY NA TALINO KAPAG MAGALING KA SA MATH. Masyadong LOGICAL ang REASONING. Ang TUNAY NA MATALINO, CRITICAL REASONING dapat ang tinataglay. At kadalasan sa mga Social Sciences, Sciences at iba pang subjects iyon makikita, at HINDI SA MATH. BITTER NA KUNG BITTER. BASTA HATER AKO, TAPOS!

Nag-umpisa nang mag-discuss si Ma'am MATHaba. Walang humihinga habang naghihintay sila kung ano ba talaga ang sagot. Ganito kasi 'yung iniwang BRAIN TEASER ni Ma'am kahapon. Sasagutin daw ngayon para sa Energizer namin. (WAG MAINGAY YUNG MGA NAKAKAALAM DIYAN OKAY? :P)

"Mayroong dalawang magkaibigan. Sina Juan at Pedro. Sila ay matalik na magkaibigan kaya't naisipan nila na magbakasyon sa abroad ng mga 2 weeks para makapag-unwind naman sila sa sobrang busy nila sa kanilang mga trabaho. Kaso nagkaroon ng problema nun sa flight nila. Nag-crash ang sinasakyan nilang eroplano at luckily sila lang ang naging survivors. Pero may isa pa ring problema (PURO PROBLEMA TALAGA HAYS SORRY BITTER) dahil napilayan si Pedro. Hindi siya makakalakad para matulungan si Juan na maghanap ng mga pwede nilang makain habang hindi pa sila narerescue. Pero dahil BESTFRIENDS sila, wala dapat iwanan.

Si Juan ang dumiskarte ng pagkain nilang dalawa. Buong maghapon naghanap ng pagkain si Juan dahil nga medyo isolated talaga ang isla na kanilang binagsakan. Pagdating ni Juan ay may dala-dala na siyang pagkain. "Penguin Soup" ang tawag niya rito. Kinabukasan ay naghanap na naman ng pagkain si Juan. Gaya ng inihain niya kahapon, "Penguin Soup" ulit hanggang sa puro ganun ang pagkain na pinagsasaluhan nila ni Pedro sa loob ng isang linggo bago sila na-rescue. Pagdating nila sa kani-kanilang mga buhay, sobrang namiss ni Pedro ang pagkaing inihain sa kanya ni Juan kaya pumunta siya sa isang Resto na may "Penguin Soup." Ngunit pagkatapos niyang kumain nun at pagkauwi niya sa sarili niyang bahay, "NAGPAKAMATAY SIYA."

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon