Chapter 3: "Takot ako sa MULTO at sa..."

329 9 1
                                    

CHAPTER III (2nd and 3rd confessions)  

 

Teka ano pa nga pala yung mga sumunod na bagay na nais ko sa kanyang sabihin? Ah sige matignan nga ulit.  

 

10 Bagay na nais kong i-confess sayo :)  

 

1. Ako yung kumuha ng diary mo noong Grade 5. (Yun yung pink na diary na may drawing na Hello Kitty at may nakasulat na My Bestfriend then smiley :)

2. Ako rin yung nag-upload at nagpakalat sa FB (Facebook yung meaning, iyon ang pinakausong networking site noong mga panahong iyon)ng picture mo noong goodbye party natin noong Grade 6.  

 

------FLASHBACK ULIT------  

 

Isa rin ang larawan noong Grade 6 kami during graduation day noon. Di ko gaanong maalala ang mga pangyayari dahil sa tagal na ng panahong lumipas iyon subalit ang larawang iyon ang tunay na saksi sa mga naganap. Uso pa noon yung mga kantang Wiggle, Wiggle at Talk Dirty bilang mga hiphop dance craze. Napagdesisyunan noon ng aming teacher at ng mga magulang na magkaroon ng presentation ang buong klase para sa magiging goodbye party namin. Hiwalay ang presentasyon ng mga babae sa aming mga lalaki.

Sa klase naming ay labinlima lang kaming mag-aaral. Siyam ang mga babae at anim lamang ang lalaki. Ang papa ni Sean na kaklase ko noon ay dating miyembro ng isang dance group sa isang noon time Show noon sa ABS-CBN kaya siya ang nag-choreo ng sayaw namin. Sa mga babae naman ay walang magulang ang marunong sumayaw kaya napagdesisyunan nilang kumuha nalang ng magiging choreographer para sa kanilang mga anak. Nag-umpisa na ang oras ng pagpapraktis at isang linggo lang ang itinagal noon para makapaghanda ang magkabilang grupo. Kaming mga lalaki ay sa mismong bahay na ni Sean nagpapraktis na nasa loob din naman ng subdivision kung nasaan ang aming school.

Yung mga babae, ewan ko kung saan nagpraktis yun. Siguro umarkila pa sila ng mga dance studio. Bakit ko nasabi? Grabe kasi ang dating sa kanila ng kompetisyong iyon. As if 1Million ang premyo. Trophy lang naman ang premyo na galing din sa nanay ng isa kong kaklaseng babae. Remix-style hiphop ang naging arrangement ng dance number namin at cultural naman ang itinanghal ng mga babae. At sa wakas, dumating na rin ang araw na pinakahihintay namin at lalong-lalo na ng mga magulang namin (lalo na rin pala ang mga nanay ng mga classmates kong babae palibhasa mga asawa ng businessmen na madalas nasa ibang bansa para sa mga meetings at business trips) sa kalalabasan ng kanilang mga pinagpaguran (as if naman na hindi nila kami pinagod) na dance contest. After maitally ang lahat ng scores.  

Tentenenten! And the winner for this year's dance competition is ..  

(Dugdugdugdugugudugdug)  

The group of the....

 

BOYS! Please go here on stage and get your trophy!  

SIGAWAN kaming lahat ng mga kaklase kong lalaki lalo na sila Sean at ang daddy niya siyempre sila ang talagang naabala dahil sa praktis na ito at halos mabingi kami sa sigawan ng bawat isa. Sa pagpanik namin sa stage may napansin kaming lahat. Kaya pala puro sigaw lang namin ng mga kagrupo ko ang naririnig namin ay dahil tahimik lang ang kabilang grupo, sila Sam at tita pati na rin ang kanilang mga kasamahan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noon kung dapat ba talaga kaming magsaya o mas makabubuti nalang siguro na sila ang nanalo para hindi ako nakararamdam ng ganitong guilt lalo na para kay Sam.

BOBO SA MATH (Isang ordinaryong kwento ng pag-ibig) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon