Chapter 6

2.1K 63 0
                                    

Hawak ni Drae ang kamay ko palabas ng Bar hanggang sa makarating kami sa harap ng sasakyan niya.

"What are you doing there? Hindi ba't sinabi ko naman kasi sa iyo na 'wag kang sumayaw? Ang tigas ng ulo mo!"

"Hindi ko naman alam na ganoon ang mangyayari, Drae. I'm sorry, okay? I just want to dance and had f-fun."

Tila nawala 'yong pagka lasing ko sa nangyari kanina.

"What now? Did you have fun? Nag-enjoy ka ba sa hawak no'ng gagong lalaking 'yon?"

Bigla akong nairita sa sinabi niya.

"Bakit ka ba ganyan? I already said sorry! Why are you so mad, Drae?"

Namuo ang luha sa mga mata ko. Damn it! Tama naman siya. Kung hindi ako pumayag makipagsayaw sa Lance na 'yon ay wala sanang gulong nangyari.

Hindi na siya muling sumagot. Tinitigan niya lamang ako at mga ilang segundo lang ay nag-iwas siya ng tingin.

"Babalik ako sa loob." Aniya. "Hahanapin ko si Mon." utas niya bago binuksan ang pinto sa front seat. "Get in, Chloe."

Pumasok ako sa kotse gaya ng sinabi niya. Sinandal ko ang ulo ko sa headboard nito.

"Stay here. 'Wag na 'wag kang aalis." sabi niya pa bago tuluyang isinara ang pinto at umalis.

Damn vodka! Ang sakit ng ulo ko! Hindi na nga talaga ako sanay na uminom ulit.


My eyes were closed until I heard Monica's voice in the backseat. Nang dumilat ako'y nakita kong sinandal n'ya rin ang ulo nya sa headboard tsaka ipinikit ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay sumunod nang pumasok si Drae. He fixed his seatbelts before he turned to me.

"Ayusin mo seatbelts mo," masungit niyang utos.

Tinitigan ko lamang siya. And then, he glared at me.

"I said fix your seatbelts, Chloe."

Tiningnan ko muna siya ulit bago ko tuluyang inayos ang seatbelts ko.

Nagsimula na siyang magmaneho. Diretso ang tingin niya sa kalsada habang ako ay pasulyap-sulyap sa kaniya. Why is he so mad? Hindi ko naman ginusto iyong nangyari. Sino bang babae ang gustong hipuan sila? Tsk.

Buong byahe ay hindi kami nag-imikan ni Drae. Si Monica tulog na tulog sa back seat.

Nang makarating kami sa bahay ay naunang bumaba si Drae. Ni hindi niya ako nilingon nang pagbuksan niya ako ng pinto. Pumunta lamang siya sa likod at si Mon naman ang pinagbuksan. Tinapik-tapik niya ito para magising.

"Hmm... Ano ba... Let me sleep first."

Akala siguro ng babaeng 'to nasa kuwarto na siya!

"You can sleep in your room, instead. You're in my car, Mon. Wake up..." Drae said to her.

Unti-unti naman niyang idinilat ang kaniyang mga mata at bumaba na sa sasakyan ni Drae. Pagewang-gewang pa siya kung maglakad. Lakas talaga nito sa alak oh.

Naiwan naman kaming dalawa ni Drae. Nagkatinginan kami.

"Uuwi na ako. Magpahinga na kayo." basag niya sa katahimikan at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan niya pero agad ko siyang hinawakan sa braso.

"Drae..." mahina kong sabi.

Bumaba ang mga mata niya sa kamay kong nakahawak sa kaniyang braso bago siya nag-angat ng tingin sa akin.

"A-are you mad?"

"I'm just worried about you, Chloe."

"I know, Drae, but I also don't want that to happen, okay? Sorry for worrying you."

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon