Chapter 27

1.3K 33 0
                                    

Ilang buwan na ang lumipas simula noong maging kami ni Nathan. Habang lumilipas ang panahon ay doon pa lang rin napagtatanto ang lahat ng nangyayari sa amin, lalo na sa akin. I am so lucky to be his girlfriend. It's a dream of every fan girl that's why I am really lucky to be my idol's girlfriend.

Talagang napaka suwerte ko sa parteng iyon, pero dahil nga artista si Nathan ay hindi mawawala 'yong mga taong galit sa 'yo. Siguro kung ako ang nasa sitwasyon ng ibang fans ni Nathan ay ganoon din ang magiging reaksyon ko... Maiinis din ako sa una dahil ideal man ko siya, pero hindi ako darating sa punto na sobrang magagalit ako doon sa babae. Bilang isang tagahanga kasi ay kailangan mong tanggapin na tulad lang din natin ang ating mga iniidolo, bubuo rin sila ng sarili nilang mga pamilya.

"Very good, Chloe! Ang ganda ng shots!"

Lumapit ako sa photographer at tiningnan na rin ang mga kuha nila sa akin.

"Grabe! Sobrang galing mo na talaga!"

"Hindi naman po," nahihiya kong sinabi.

"Totoo! Mas magaling ka na ngayon kaysa dati."

"Of course, Vin, modelo ko yata 'yan!" Tila nagmamalaki namang utas ni ate Joan.

Magsasalita pa sana 'yong isang photographer, ngunit natigil sila at napatingin sa gilid ko.

Nang maramdaman kong may kamay na lumapat sa aking baywang ay doon ko nakumpirma kung sino ang nakaagaw ng atensyon nila.

"Oh, Nathan! You're here! Wala kang taping?" Si ate Joan ang unang bumati sa kaniya.

"Wala, ate, bukas pa."

"Sinusundo mo na ba si Chloe?" Ngisi pa ni ate Joan.

"Oo sana," bumaling siya sa akin. "Tapos ka na ba?"

I just nodded my head.

"O siya, sige! Chloe, 'yong napag-usapan na lang natin ah? It's a big break for you!"

Nagtatakang tumingin naman sa akin si Nathan. I just smiled at him.

"Pag-iisipan ko po, ate."

"Pag-isipan mong mabuti kung ganoon." she smiled. "Sige na, you can go now. Ingat kayo, Nathan."

Tumango si Nathan at iginiya na ako palabas.

"May offer sa 'yo si ate Joan?" Tanong niya habang naglalakad kami patungo sa parking lot.

"Photoshoot daw sa Canada..."

"Canada?"

Tumingin ako sa kaniya. "Oo, pero dalawang araw lang naman daw iyon." Tugon ko. "Hindi pa rin ako... pumapayag."

He licked his lower lip and nodded.

Nang makarating kami sa kaniyang sasakyan ay may nakabantay dito na dalawang guard.

"Si mama ang nagpasama sakanila sa akin. Ayoko sana, pero para sa ikatatahimik niya ay pumayag na lamang ako."

"Mas okay na rin 'yan para siguradong safe ka lagi, Nathan."

"Tss... I can handle myself, Chloe."

"Hindi pa rin natin alam kung anong maaaring gawin ng ibang bashers mo."

"I think you need that too."

"Huh?"

"Marami kang natatanggap na death threats, hindi ba? You need a body guards too, Chloe."

"Hindi na kailangan, Nathan. Ayos lang ako at isa pa, hindi ako sanay na may nagbabantay lagi sa akin."

"Ikaw na nga nagsabi, Chloe. Hindi natin alam kung anong kayang gawin ng mga bashers, kaya kailangan mo rin nang magbabantay sa 'yo."

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon