Chapter 39

1.2K 33 11
                                    


"May ilan ngang nakakita kanina kay Chloe at Nathan sa may parking lot na tila raw nag-aaway ang dalawa.  Ano nga ba ang dahilan sa likod ng mga litratong ito?"

Really? Halos dalawang araw na ang lumipas ah? Tapos ngayon pa nila ibabalita iyan?

Ang tanga mo naman Chloe! Ba't hindi mo naisip 'yon? Kahit pala anong kaunti ng tao sa isang lugar, kung may gustong manira sa iyo ay sisiraan ka talaga.

Mabilis kong dinampot ang remote sa mesa saka pinatay ang tv.  Fuck those issues!

Kalalabas lang ni Mon sa banyo nang may kumatok sa gate. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Ako na magbubukas! Baka 'yan na iyong order kong pizza." 

Tumango lang ako sa kaniya at bumalik na sa kuwarto ko.

Nakakatamad manood ng tv, puro issue lang ang nakikita ko. Mabuti pang matulog na lang.

Pahiga pa lang ako sa kama ko nang kumatok si Mon sa aking kwarto.

"Si Nathan nandito, bes. Papasukin ko ba?"

Anong ginagawa niya rito? Tss...

"Paalisin mo, Mon. Tulog kamo ako!" sigaw ko at humiga na.

"Oh... okay, sige."

Bakit pa siya pumunta rito? Nag-aaksaya lang siya ng oras niya. Break na kami kaya wala naman na kaming dapat pang pag-usapan.


Nathan's POV
     Pinuntahan ko ulit si Chloe sa bahay nila sa pagbabaka sakali na kakausapin na niya ako. Si Monica ang bumungad sa akin pagkatok ko sa pinto nila. Kababalik lamang daw ni Chloe sa kaniyang kuwarto kaya tatawagin niya raw muna.

"Sorry, Nathan. Tulog pa pala siya."

I clenched my jaw. Kababalik lang sa kuwarto, pero tulog pa pala?

"Ganoon ba?" bigo kong sinabi.

Tumango siya ng dahan-dahan.

"Sige, Mon." sabi ko na lang. "Paki sabi na lang na babalik ulit ako. At kung puwede... sagutin niya ang mga tawag ko sa kaniya."

"O-okay. I will..."

"Salamat. Mauna na ako,"

"Sige."

Tumango ako at walang ganang bumalik sa aking sasakyan. I took my phone on the dashboard and tried to text her again.

Ako:
   I'm going home now. Sabi ni Mon natutulog ka raw?

I sent that to her and typed another message.

Ako:
    Please, let's talk next time. I love you...

Ako:
    I'm really sorry for everything. I love you, Chloe.

Like what I expected, she didn't reply again. Fuck.

My phone suddenly rang. I answered her call.

"Hello..."

"Nathan, anak where are you?"

"Pabalik na sa Condo ko. Bakit?"

"Please come here, son. I need you..."

I sighed deeply and closed my eyes tightly.

What the hell happened again?

"Son, please. Are you s-still there?" she asked when I didn't talk.

"Yes, mom. Papunta na ako, don't worry."

"Okay. I'll wait for y-you,"

She ended the call.

I tried to text Chloe again.

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon