Chapter 35

1K 27 0
                                    


Chloe's POV
Kinabukasan ay nagpasya na rin kami ni Nathan na umuwi. May photoshoot din kasi ako bukas kaya hindi kami puwedeng magtagal pa.

"Mag-ingat kayo sa byahe. Tawagan mo ako, anak kapag naroon na kayo." Bilin sa akin ni dad.

"I will, dad." lumapit ako sa kaniya at niyakap na siya.

Wala akong kapatid kaya nag-iisa lang si daddy dito sa bahay. Mabuti na lang at katabi lang naman ito nang mga bahay ng mga kamag-anak namin. Paminsan minsan ay nauutusan ko ang iba kong pinsan na tingnan tingnan siya. Hindi kasi muling nag-asawa si daddy simula noong iniwan kami nimommy.

"Ingat ka rin dito, dad. Alagaan mo po ang sarili mo." Paalala ko naman sa kaniya.

He nodded.

"Thank you again, sir. Babalik po kami ulit dito kapag maayos na ang schedule namin pareho." si Nathan.

"You can call me tito from now on, hijo. You're my daughter's boyfriend."

Napangiti ako sa sinabi ni daddy. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo, ano?

"Salamat, tito. Mauna na po kami."

"Sige. Ingat kayo."

Sa huling pagkakataon ay muli kong niyakap si daddy.

"I told you... he's kind." sabi ko kay Nathan nang nasa byahe na kami.

Sumulyap siya sa akin.

"Yeah... just like you..."

I smiled at that. Bolero.


Nathan's POV
Masaya ako dahil maayos ang naging pagtanggap sa akin ng daddy ni Chloe. Malungkot lang ako para sa kaniya dahil hindiko maiparamdam sa kaniya ang sayang nararamdaman ko ngayon sapagkat hindi siya magawang tanggapin ni mmomy. Maybe next time...

 I opened the front door for her. Mas mabilis ang naging byahe namin pauwi kaysa noong papunta roon.

"Thank you sa pagsama sa akin, idol. Nag-enjoy ako kasama ka."

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at marahan kong hinalikan ang kaniyang noo.

"I enjoyed it too, baby. I love you," I said gently.

She smiled. "I love you too. Text me when you're home, okay?"

"Sige. I'll go now, then."

Tumango siya. "Take care!"

Mabilis ang paandar ko sa kotse pauwi sa Condo.Pagdating ko rito ay naabutan ko si mommy na nakaupo sa couch at  nanonood ng tv. Tumayo agad siya nang makita niya akong pumasok.

"Mom? Why are you here?"

Lumapit siya sa akin.

"Mabuti naman at umuwi ka na! Akala ko wala ka ng planong umuwi eh. Tila iaalay mo na yata ang buong buhay mo sa babae na 'yon!"

So, here we go again...

"I'm just asking why you're here. Ang dami mong sinabi, mom." I said sarcastically. She rolled her eyes.

"Dito ako natulog dahil ang akala ko'y kagabi pa lang ay darating ka na!"

"Sinabi ko naman na ngayon ako uuwi, hindi ba?"

"Why are you like that my son? You are literally changing! Ganyan ba ang epekto sa iyo ng babaeng 'yon?"

"Dati na akong ganito, mom. You're just imagining things." nilapag ko ang bag na kanina ko pa dala.

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon