Chapter 13

1.6K 52 2
                                    

Chloe's POV
Ito na ang araw na isa sa mga kinatatakutan ko, ang fashion show. Nag-ensayo naman kami pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan pa rin talaga ako. Siguro ay dahil sa tagal na mula noong huli kong gawin ang bagay na ito.

Lalabas kami mamaya at rarampa ng iba pang mga modelo suot ang mga gown na gawa ng isang sikat na designer dito sa Pilipinas. May mga manonod din daw na designer galing sa ibang bansa kaya talagang maraming nakapalibot na camera sa paligid.

"Relax, Chloe. You can do that!" ate Joan cheered me up.

"Oo nga naman, bes. Ikaw pa ba? Ang galing mo kaya!" dagdag pa ni Mon na nasa tabi ko rin.

Nakabihis na ako ngunit hindi pa naman nagsisimula kaya naarito pa sila kasama ko. Iniwan daw muna nila si Drae sa labas para mag good luck sa akin.

"Thank you, pero hindi ko talaga maiwasan na hindi kabahan."

"Hindi naman mawawala 'yan, Chloe. Ngunit para magawa mo ito ng maayos ay huwag ka na muna mag-isip ng negatibong bagay.""

"Sorry, ate Joan kung nangako ako sa iyo na gagalingan ko, pero heto ako ngayon, kabado."

"You can do it, okay? Ikaw ang kinuha ko rito dahil alam kong kayang-kaya mo."

"Tama si ate Joan, bes! Magaling kaya magagawa mo iyan!" 

"Nasa labas si Drae at ang iba pang mga modelo ng agency natin. They're here to support you, Chloe."

"T-talaga po?" Ibig sabihin hindi lang silang tatlo ang kakilala ko rito?

"Gusto ka nilang suportahan kaya narito sila, Chloe."

Bumaling ako kay Mon nang inilapit niya nang mas idinikit niya ang katawan niya sa akin.

"Tapos balita ko manonood din si Nathan?"

Kung puwede nga lang ay mas gugustuhin ko pang huwag siyang manood dahil baka lalo lamang akong kabahan kapag nakita ko siya.

"Ready na girls, mag-uumpisa na ang pagrampa!" sigaw no'ng isang organizer.

"Goodluck, Chloe! Lalabas na kami ha!"

"Goodluck, bes! Kaya mo 'yan!"

Humugot ako ng malalim na hininga nang nakalabas na sila Monica. Sobrang kinakabahan talaga ako sapagkat 'di ko alam kung paano muling haharap sa maraming tao pagkatapos ng maraming taon. Isa pa, may mga media rito at hindi lang mga ordinaryong tao ang manonood sa amin, mga propesyunal pa!

"Linya na kayo!"

Sinunod namin ang sinabi ng organizer at mga ilang sandali pa nga ay nagsimula nang lumabas ang mga nasa unahan.

And when finally, it's my turn...

Kahit na nanginginig ang mga paa ay pinilit ko pa rin na ayusin ang lakad ko. Kailangan ko itong magawa ng maayos dahil marami silang bibiguin ko kapag nagkamali ako.

Seryoso akong rumampa sa harap ng maraming tao. Nahanap ng mga mata ko sina ate Joan, Monica, at Drae. Lalo namang dumoble ang kabog ng dibdib ko nang maagaw ng atensyon ko ang isang pamilyar na lalaki katabi no'ng designer nitong gown. Oh shit! Nandito nga siya!

He's just wearing a white long sleeve polo but he already looks hot!

Nang magtama ang mga mata namin ay naabutan ko siyang nakangiti. Umiwas lamang ako ng tingin sa kaniya dahil kung mananatili ang mga mata ko sa kaniya ay baka ma distract pa ako. Nagpatuloya ako sa pagrampa hangang sa matapos ko ito.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos kaming lahat sa pagrampa. Salamat naman at naitawid ko ng hindi ako natatapilok!

"Congrats, Chloe! I told you, magagawa mo!" paunang sabi ni ate Joan nang nasa back stage na kaming muli.

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon