Chapter 8

1.9K 54 0
                                    

Chloe's POV
Pagkatapos ng ilang shots ay agad kong nilapitan si Nathan noong makita ko siya. Nanood talaga siya? Mabuti na lang at hindi niya naagaw ang atensyon ko habang nasa shoot, baka hindi ako nakapag focus.

"Nathan!" Halos excited akong lapitan siya.

Naglakad siya palapit sa akin.

"Good job, Chloe." He smiled at me. Naaamoy ko na naman ang mabango niyang pabango!

"N-nanood ka talaga?" Tanong ko, hindi pa rin makapaniwala.

"I told you, I'm gonna support you, right?" He answered. "Ang galing mo."

Lord, kung namumula man po ang pisngi ko ngayon, puwede bang kunin mo na ako?

Pinilit kong magsalita ng maayos ngunit walang bago, nautal pa rin ako.

"T-thank you, Nathan. Hindi ko na naman alam kung anong gagawin ko."

Tumawa siya.

Sinundan ko naman ng tingin ang kamay niya nang may kinuha ito sa kaniyang bulsa.

"Wipe your sweat, Chloe. You're sweating..." Aniya at inilahad sa akin ang isang puting panyo.

Ano 'yan? Ipapahiram niya ba sa akin ang panyo niya? Gagamitin ko ang gamit ni Nathan?

"H-ha?"

Dahil sa pagkalito ay iyon lamang ang tangi kong nasabi. Tumawa siya.

Magsasalita na sana ako nang bigla siyang humakbang palapit sa akin. Napaatras ako sa gulat ngunit pinilit pa rin niyang lumapit.

"Pinagpapawisan ka, Chloe..." sambit niya at dahan dahang idinampi ang panyo sa aking noo. Kaya naman habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lamang ako sa kaniya. Tangina. Paano ko nakakayang manatiling nakatayo ngayon sa harapan niya? Dapat kanina pa ako hinimatay dito!

Lumakas lalo ang kabog sa dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. Wala sa sarili ko tuloy na nakagat ang aking labi dahilan ng pagbaba rin ng tingin niya doon. Damn it.

Sa sobrang lapit namin sa isa't-isa qy halos mangatog ang mga binti ko. Ano ba kasi itong ginagawa niya?

"Chloe? Nathan?"

Halos sabay kaming napalingon sa nagsalita. Lumayo ako ng kaunti kay Nathan nang makita ang nagtatakang mukha ni ate Joan.

Bakit parang lagi na lang nasisira moment namin ni Nathan? Wala nga si Mon, si ate Joan naman ang pumalit.

Ibinaba ni Nathan 'yong hawak niyang panyo bago tuluyang humarap kay ate Joan.

"Uhh..." Si ate Joan na tila nag-aalangan sa sasabihin. "Nathan, kakausapin ko lang sana muna si Chloe. Ayos lang ba?" Aniya na palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

My forehead furrowed at that. Why is she asking a permission from Nathan?

"Sure, ate." sagot ng katabi ko.

Napalingon ako sa kaniya at nahuli kong nakatingin din pala siya sa akin. Ngumiti siya.

"Let's go, Chloe?"

Bumaling ako kay ate Joan.

"Uh... s-sige po."

Ate Joan nodded before she turned again to Nathan.

"You can wait on the couch, Nathan. Saglit lang kami..." Bilin niya rito bago nagsimulang maglakad.

Hindi ko na muling nilingon si Nathan. Sumunod naman na lamang ako kay ate Joan.

"Ano pong pag-uusapan natin?" Tanong ko nang nasa opisina na niya kami.

"Na move 'yong fashion show next next week, Chloe. Kaya next week baka puro photo shoot ka lang muna rito. May mga bagong labas rin kasi na mga damit ang brand natin."

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon