Chapter 29

1K 31 0
                                    

Grace's POV
Nasa backstage na ako at nag-aayos para sa fashion show na gaganapin ngayon. Ito iyong kasama ko si Drae at hanggang ngayon ay iniisip ko na kung paano magugustuhan ng mga tao ang pagrampa namin mamaya. Hindi ko pa man din siya kinakausap hanggang ngayon.

"Grace, are you done? Five minutes na lang at magsisimula na."

I'm wearing a black backless dress and a stilleto. Inaayos ko na ngayon ang make-up ko. Mas gusto kong ako ang mag-ayos sa sarili ko kaysa sa mga make-up artist nila rito dahil mas kumportable ako.

"Matatapos na po," sagot ko kay ate Diane.

Assistant siya ni ate Joan at siya ang kasama namin ngayon sapagkat nasa Canada pa si ate Joan.

"Gosh, Drae! You really look so handsome!"

Napabaling ako sa banda nila.

I saw Drae and he's wearing a black long sleeve. Nakabukas ang unang tatlong butones nito.

"Sige na! Five minutes at lalabas na kayo! Iwan ko na kayo rito ah?" Ani ate Diane sa amin saka lumabas na.

Nagkatinginan kami ni Drae nang maiwan kami doon. Agad akong nag-iwas ng tingin at tumayo na lamang upang makapila na. Ang ibang modelong kasama namin ay ganoon na rin ang ginawa.

"You look nervous, Grace, don't be." rinig kong bulong ni Drae na nasa tabi ko na.

"Hindi naman," bulong ko pabalik at inirapan siya.

Nang magsimula ang fashion show ay sabay kaming lumabas ni Drae dahil by pair nga ito. Sa una ay nakahawak pa ako sa braso niya, pagkatapos ay kapag nasa gitna na, maghihiwalay na kaming dalawa sa pag-rampa. Medyo marami ang tao, kaya pinanatili ko talaga ang pagrampa ng maayos.

Natapos naman ito ng maganda at nang hindi ako nagkakamali. May after party daw sabi ni ate Diane, subalit sinabi ko sa kaniyang hindi na ako dadalo roon. Kinausap ko na rin naman 'yong fashion designer ng mga damit na nirampa namin kanina.

"Grace, wait!" Rinig kong tawag sa akin ni Drae ngunit nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makarating ako sa tapat ng kotse ko.

I was about to open my car's door when someone pulled my hand. Sa hawak pa lang ay alam ko na agad kung sino ito.

"Ano ba?!"sigaw ko sabay bawi sa aking kamay. Iritado ko siyang nilingon. "Please stop following me, Drae!"

"Please, Grace, let's talk-"

"Wala akong sasabihin sa 'yo kaya hindi na natin kailangan pang mag-usap!" Putol ko sa kaniya.

"I want us to talk, Grace. Why are you avoiding me? I thought we're friends?"

"Fuck that friends! Fuck you!" I shouted at him angrily.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko, pero agad din naman siyang nakabawi.

"Please, calm down-"

"Ano bang kailangan mo sa akin? Bakit sunod ka ng sunod?"

He sighed deeply before talking again.

"Gusto ko lang malaman kung bakit mo ako iniiwasan, Grace. May nagawa ba akong mali? Para iwasan mo ako ng ganito katagal?"

"And what do you care? Because we're friends?"

"Of course, I care-"

"Puwede ba, Drae! Tigilan mo na ako! Stop following me, you asshole!"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Ano ngayon kung iniiwasan kita? Can't you see?" I continued. "I'm trying my best to forget you! I'm trying my best to forget my feelings for you! That's why I'm avoiding you!"

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon