Chapter 30

1K 33 2
                                    


"Chloe, what's wrong? Bakit nagmamadali kang umuwi?"

Bumaling ako kay ate Joan na inaayos na rin ang mga gamit niya. Tapos na ang photoshoot kaya maaari na kaming umuwi.

"I just want to go home, ate. I want to rest."

"Is it because of Nathan's mom?" Tanong niya pa. "Anong nangyari kagabi? Nag-usap ba kayo sa bathroom?"

Sinulyapan ko lamang siya at nagpatuloy muli sa pag-iimpake.

"Akala ko sa mga movies lang 'yan puwede mangyari, meron din pala talaga in real life, ano?" she sighed. "Pero, Chloe, 'wag mo sanang sukuan agad si Nathan. Alam kong mahal na mahal ka no'n."

Kung mahal niya ako, bakit hindi n'ya itinanggi 'yong sinabi ni Tracy sa interview nila kanina?

"Nasaan ka na? Nasa Airport na kami ni Drae, bes." Ani Mon sa kabilang linya.

Ligtas naman kaming nakarating ni ate Joan sa Airport. Naghiwalay na kami kanina pagkalapag ng Airport dahil may pupuntahan pa raw siya.

"Naglalakad na ako, Mon. Nakikita ko na kayo mula rito."

"Huh? Saan?"

Nakita kong inilibot ni Mon at Drae ang paningin nila sa piligid. Kumaway si Mon nang mahanap ako ng mga mata niya. Ngumiti ako at kinawayan siya pabalik.

Hindi naman marami ang dala kong gamit, pero gusto nila na silang dalawa ang sumundo sa akin ngayon.

"I miss you!" masayang sambit ni Mon sabay yakap sa akin nang makalapit ako sa kanila.

"I miss you too, bes." I said as I hugged her back.

"Buti nandito ka na! Hindi talaga ako sanay na wala ka sa bahay!" sabi niya at bumitiw na sa yakap.

"Ilang taon ba kayong hindi nagkita? Tatlo? Apat?" sarkastikong singit ni Drae dahilan kung bakit napalingon kami sa kaniya.

"Epal mo, Drae! Siyempre, na miss namin isa't-isa 'no!" Pagtataray ni Mon sa kaniya.

Bahagya namang natawa si Drae. "Dalawang araw lang naman kayong hindi nagita ah?"

"Wala kang pake!"

"Hayaan mo na 'yan, Mon. Palibhasa hindi ko siya na miss!"

Ngumuso naman si Drae saka ako masamang tiningnan.

"Aba! Hindi yata puwede 'yan, Chloe!"

Inirapan ko siya. "Oh bakit? Dalawang araw lang din naman tayong hindi nagkita ah?" Gaya ko sa sinabi niya kanina.

"Tsk..." he hissed.

"Tama na nga 'yan! Umuwi na tayo para maipagluto mo na kami, Drae!"

"Yeah, let's go..."

Dala ni Drae ang sasakyan niya at doon kami sumakay. Mabuti na lang at wala namang nakakaalam na ngayon ang balik namin ni ate Joan, kaya walang media sa Airport.

Habang nasa byahe kami papunta sa bahay ay nakatanggap ako ng mga text galing kay Nathan. May mga missed calls din siya.

Nathan:
      Are you home now?

Nathan:
      Please, reply on my text. Sabi ni ate Joan nakauwi na raw kayo?

Nathan:
     Hey... What's wrong? Do we have a problem?

Nathan:
    Chloe...

"Hindi alam ni Nathan na ngayon ang uwi n'yo?" tanong ni Mon sa gilid ko na kanina pa yata nakadungaw sa cellphone ko.

Bruhang 'to! Marites talaga!

"Hindi, pero sigurado akong sinabi na sa kaniya ni ate Joan."

"Ano? May lovers quarrel kayo?"

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon