Chapter 12

1.7K 52 0
                                    

Nang matapos kaming kumain ni Nathan ng lunch ay nagpahatid akong muli sa kaniya sa Agency. May taping siya ngayon kaya magiging sobrang abala raw siya. Nakakatawa talaga dahil lagi na akong updated sa buhay niya, samantalang noon ay halos mamalimos ako ng update sa media tungkol sa kaniya.

"Chloe, hindi ka pa umuuwi?" si ate Joan nang makita ako.

"Uh... Hinihintay ko po si Drae para sabay na kaming umuwi."

"Oh? Sige, mag-ingat kayo sa pag-uwi ah? Maiwan na kita at may gagawiin pa ako."

Tumango lamang ako. Mga ilang sandali pa ay narinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Chloe..."

Nilingon ko ito at nang makitang si Drae iyon ay agad ko siyang nilapitan.

"Drae!"

"You're still here..."

"Ahm, sasabay sana ako sa 'yo pag-uwi, okay lang ba?" Nag-aalangan kong tanong dahil alam kong galit pa siya, baka hindi siya pumayag.

"Let's go, then..."

"T-talaga? Ayos lang sa iyo?" gulat kong tanong. Hindi na ba siya galit sa akin?

"Ayaw mo?"

Ito naman, tinatanong lang init agad ng ulo!

"Sabi ko nga tara na, e." ngisi ko. Nakita ko rin ang ngiti sa kaniyang labi ngunit nang napansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay mabilis muling nagbago ang ekspresyon niya. Mukhang hindi na nga siya galit!

"Drae!"

Nasa parking lot na kami nang marinig naming may tumawag sa kaniya. Lumapit sa amin ang babaeng kausap niya kanina.

"Uuwi ka na?" tanong nito, na kay Drae lamang ang mga mata.

"Oo, Grace, umuwi ka na rin." tipid na tugon ni Drae sa kaniya.

"Hmm... okay. See you tomorrow, then?"

"Yeah..."

Bumaling sa akin si Grace at ngumiti.

"Nice to meet you, Chloe!"

"Uh, nice to meet you, Grace. Ingat ka sa pag-uwi."

"Thanks! Ingat din kayo ni Drae." masaya niyang utas ngunit naagaw ni Drae ang atensyon niya nang buksan nito ang front door ng kotse.

Sumakay na ako sa kotse at agad naman itong isinara ni Drae. Nag-usap pa sila saglit bago tuluyang pumasok na rin sa sasakyan si Drae.

Kumaway sa akin si Grace nang pinaandaar na ni Drae ang sasakyan kaya kinawayan ko rin siya.

"Drae..." tawag ko kay Drae nang makaalis na kami sa building.

"Hmm?"

"Galit ka pa ba?"

Humugot siya ng hininga bago sumagot.

"Hindi naman ako galit, Chloe." Aniya. "Nainis lang ako kasi pakiramdam ko mas importante sa 'yo si Nathan kaysa sa amin ni Mon na kaibigan mo. Pakiramdam ko, mas gusto mo na siyang kasama ngayon." sagot niya, diretso lamang ang tingin niya sa kalsada.

"Hindi totoo iyan, Drae. You're both important to me, okay? Kayo ni Mon... You know how much I love you both."

"And I know how much you love Nathan too."

Hindi talaga mawawala si Nathan sa usapan aba.

"He's my idol, Drae, I'm just his fan. Yes, I love him, that's why sobrang saya ko noong nakilala niya ako.Sobrang natuwa rin ako kasi tama ka, nagiging malapit na kami sa isa't-isa."

I'm Inlove with My Idol (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon