CHAPTER 2

3.3K 170 11
                                    

[NICHOLAS]

“Hinding hindi mo pagsisisihan ang pagbili mo sa Hacienda sa EL Pablo, Niks.” Wika ni Marvin kay Nicholas.

Magkasama sila ngayon sa backseat ng kotse ni Nicholas dahil patungo sila ngayon sa EL Pablo para kausapin ang mga dating tauhan nila Marvin doon na mga tauhan na ni Nicholas ngayon dahil pag-aari na niya ngayon ang hacienda na iyon sa EL Pablo matapos niyang bilhin sa Lolo ng kaibigan ang ari-arian niyang iyon.

“Hindi ka rin magsisisi dahil madaming babae — ”

“I'm not into female species.” Putol ni Nicholas sa kaibigan.

“You mean you're into male — ”

“Nakakadiri kang gago ka.” Nakangiwing putol ni Nicholas sa kaibigan na natawa lang din. “Wala akong pakialam sa mga babae, Vin. Sakit lang sila sa ulo at sa puso.”

“You mean ‘yang ulo,” Bumaba pa ang tingin ni Marvin sa pang-ibabang bahagi ng katawan ni Nicholas na mas ikinangiwi naman nito. “At ‘yang puson mo?”

“What the fuck, Vin? Minamanyak mo ba ako?”

Humagalpak naman ng tawa si Marvin and this time, pati na rin ang kanilang driver na si Romy na nakikinig lang din sa usapan ng magkaibigan.

“Hell!” Sapu-sapo ni Vin ang kaniyang tiyan dahil sa matinding pagtawa kanina. “Of course not. Ang seryoso mo lang kasi kaya kailangang may mapag-usapan naman tayong nakakatawa. Tama ba ako, Mang Romy?” Baling pa nito sa Driver.

“Tama ka diyan, Sir.” Tugon naman nito.

“Ikaw ba, ano na bang status ninyo ni Manang Dolly ngayon?” Malokong tanong ni Marvin kay Romy na ikinatawa naman ni Nicholas.

“Wala, e. Mahirap suyuin.” Sakay ni Romy sa kalokohan ni Marvin.

“Paano mo nga naman masusuyo si Manang Dolly, e, alam mo namang may asawa na ‘yun, Mang Romy.” natatawang wika ni Nicholas. “May apo na nga kaya kung ako sa ‘yo, Tutal sabi ni Marvin na maraming babae sa pupuntahan natin, Doon ka nalang maghanap. Marami naman sigurong mga balo doon.” Pagbibiro pa ng binata.

“At maraming mga matatandang dalaga roon na alam kong naghahanap ng pagmamahal, Mang Romy.” Natatawang gatong ni Marvin sa sinabi ng kaibigan kanina. “Mas mabuti na ‘yun kaysa maging kabit ka ni Manang Dolly.”

Nagtawanan lang ang tatlo sa sarili nilang mga kalokohan pero ang totoo ay magkaibigan ang dalawang kasamahan ni Nicholas na si Dolly at Romy.

“Pero hindi ako nagbibiro,” panimula na naman ni Marvin na pinanganak na ‘atang madaldal. “Marami talagang mga naggagandahang mga dilag doon kaya mabuti nalang at loyal ako sa Alvana ko kaya hindi ako basta-basta nagpapadala sa tukso.”

“Takot mo lang namang iwan ka ni Alvana, e.” Nicholas said in a mocking way. “Kaya magtigil ka na gago.”

Natawa naman si Marvin pero hindi na rin nagsalita pa kaya binalot na sila ng katahimikan sa kanilang buong biyahe papuntang EL Pablo.

∽∽∽■■■∽∽∽

[ZINNIA]

Shenyang, Dalhin mo iyong ulam na pinaluto ng Papa mo para sa mga trabahador sa kiskisan.” Utos ni Aling Digna sa kaniyang kaisa-isang anak na dalaga. Si Zinnia na madalas tawaging Shenyang O kaya naman ay Z.

“Pero, Mama, ang bigat po — ”

“Tutulungan nalang kita.” Sabad ng kaibigan ni Zinnia na si Harold. “Tutulungan ko nalang siya, Tiyang.” Baling pa nito sa Ina ng dalaga.

Forbidden Romance ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon