[NICHOLAS]
PAGKATAPOS nilang magkaayos na dalawa ay dinala naman silang mag-ina ni Nicholas ng Maynila at babalik nalang ng EL Pablo kapag naayos na ng binata ang mga dapat niyang ayusin sa kaniyang kompanya na pansamantalang pinapalakad ni Marvin sa ngayon.
At ngayon ay magkasama nga ang dalawa na nagtungo ng supermarket habang ang anak na si Baby Nicole ay iniwan pansamantala sa sekretarya niyang si Ann at kay Manang Dolly.
“Nico!!”
Nahinto sina Zinnia at Nicholas sa akmang pagpasok ng Supermarket nang may tumawag sa binata mula sa kung saan.
“May tumawag sa ‘kin ‘di ba?” Tanong ni Nicholas kay Zinnia.
“Yeah.” Tugon ni Zinnia at sinusubukan ding hanapin ang pinanggalingan ng boses na ‘yon.
“Over here!!”
“Maurine ..” hindi makapaniwalang sambit ni Nicholas kaya napakunot naman ang noo ni Zinnia.
“Nicholas!” Humahagikhik si Maurine na lumapit sa kanilang dalawa at karga pa nito ang anak na si Prince Knight na malapit ng mag 3-years-old.
Mabilis niyang binitawan ang kamay ni Zinnia at sinalubong ang mag-ina at niyakap. “Maurine! woah! Ikaw nga.” He chuckled before he pulled back and pinched PK’s cheeks. “Hello, Little buddy.”
“Hello, Ninong.” Bati ng bata sa kaniya bago isiniksik ang mukha sa leeg ni Maurine.
Nagkatawanan naman ang dalawa maliban kay Zinnia na hindi naman alam ang nangyayari at malapit na ring mainis dahil nawala na siya ng tuluyan sa eksena.
“Anong ginagawa niyong mag-ina rito? Where's Luther?” Nakangiti niyang tanong.
“Obviously, mamimili.” natatawang saad ni Maurine. “'Yung asawa ko, nag-park pa ng kotse. Papunta sa siguro rito. Kumusta ka naman?” She asked.
“I’m fine, Mau. Happy and contented and soon-to-be a married man.” He proudly said.
Maurine looked at him, puzzled. “What do you mean?”
Ngumiti si Nicholas. “May anak na ako, Mau, and,” Umatras siya at binalikan si Zinnia na kanina pa masama ang timpla. Inakbayan niya ito at sinabing, “She’s the mother.”
A loud gasped escaped in Maurine’s lips. “Really?!”
“Yeah. She’s Zinnia Enriquez. Ang babaeng ubod ng ganda at mahal na mahal ko—ouch!” napangiwi siya ng sikuhin siya ni Zinnia. “Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit lagi mo akong sinasaktan, Red.”
Zinnia rolled her eyes then smiled at Maurine who's also looking at them with a teasing smile in her lips.
“Hi,” Maurine extends her hand to her. “I’m Maurine Varcancel. Nicholas’ friend.”
Buong galak namang tinanggap ni Zinnia ang pakikipagkamay nito. “Zinnia. Nice to meet you, Maurine.”
“Pleasure is all mine, Sissy. Finally, may Ninang na ang Baby boy ko at sana makilala rin namin ang Baby ninyo one of these days.”
Hindi na nawala ang ngiti ni Zinnia. Nakalimutan na rin niya ang inis niya kanina dahil naging magaan na ang loob niya kay Maurine unlike kay Leila.
“Sure.” Zinnia said.
“How about a lunch together, Mau? Sa bahay na namin.”
“I like that.” napatingin ang tatlo sa biglang sumulpot. Si Luther na tulak-tulak ang stroller ni PK. “Hey, bro! Long time no see.”
BINABASA MO ANG
Forbidden Romance ✔️
Genel Kurgu■Must read "Marrying The Arrogant Bastard" first.■ NICHOLAS FUENTES. A 26 years old powerful, handsome Filipino Billionaire who got everything in life. Wealth, Power, and most especially, the looks that made women chased him. He will have all that h...