CHAPTER 19

2K 78 8
                                    

[NICHOLAS]

NAWALA na sa hacienda ang isipan niya dahil ilang araw ng inookupa ito ng sanggol na nasilayan niya. Ang anak ni Zinnia na kamukhang-kamukha niya at puwedeng p’wedeng sabihing female version niya.

Hindi naman siguro ganoon kalakas ang dugo niya para maging kamukha niya ‘yung bata. Well, he can say that it's normal dahil magkapatid nga sila ni Zinnia pero hindi, e. Hindi iyon sapat para masagot ang mga tanong sa isipan niya.

“Hijo, dumating si Celso.” imporma ni Aling Conching sa kaniya. “Gusto mo raw siyang makausap kaya nagtungo rito.”

Bahagya siyang nagulat dahil buong akala niya ay hindi na papaunlakan ng ama ang gusto niyang pakikipag-usap dito.

Ibinaba niya ang hawak niyang folder, “Nasaan siya, Manang?”

“Pinadiretso ko na sa office mo sa basement, Hijo.”

“Sige. Pupuntahan ko nalang siya, Manang.”

“O, sige. Dadalhan ko nalang kayo ng miryenda roon.”

Tumango nalang siya at dali-daling tinahak ang pasilyo ng Villa na papunta sa hagdanang pababa ng basement kung nasaan ang office niya rito.

Nadatnan niya ang kaniyang ama na naghihintay sa kaniya sa labas ng office niya. Nakapamulsa at nakasandal sa pader.

“Magandang hapon, Mang Celso.” Bati niya rito.

“Magandang hapon din sa ‘yo. Pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakapunta rito. Tinamaan ba naman ako ng trangkaso ng ilang araw.” ani Mang Celso.

He nodded. “Ayos lang.” Tipid niyang tugon bago itinulak pabukas ang office door. “Pasok po kayo.” ‘aya niya sa ama.

Celso closed the door behind him as Nicholas walks towards his swivel chair. Nang makaupo ang dalawa ay sandaling katahimikan ang namayani sa kanila. Nagpapakiramdaman hanggang sa hindi na iyon natiis ni Nicholas kaya siya na ang bumasag sa katahimikan.

“Ano pa ba ang dapat kong malaman bukod sa ipinagpalit mo kami ni Nanay sa ibang babae?” Malumanay pero naroon pa rin ang hinanakit sa tanong niya.

“Patawarin mo ako, Anak. Hindi ko naman sinadya ang nangyari — ”

“Huwag na ho kayong magpaliguy-ligoy pa kung p’wede.”

Huminga ng malalim si Celso bago muling nagsalita, “Hindi ako ang iyong tunay na ama, Nicholas.”

Parang bombang sumabog sa mukha niya ang sinabi ni Celso. Kahit kailan, never sumagi sa isip niya ang bagay na ‘yon.

“What did you say? Hindi ‘ata kita narinig ng maayos.”

“Ako at ang iyong ina ay matalik na magkaibigan, Nicholas. Isang araw, nangyari sa kaniya ang malaking dagok. Iyon ay ang magahasa siya.” Malungkot na aniya na para bang sinasariwa sa kaniyang isipan ang nakaraan.

Si Nicholas man ay natahimik at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig.

“Ako lang ang tanging nakakaalam sa nangyari dahil natakot siyang sabihin ‘yon sa kaniyang mga magulang dahil bata pa man siya’y sinasaktan na siya ng mga ito kung kaya't alam niya na kapag nagsabi siya sa kanila ng nangyari sa kaniya ay natitiyak niyang higit pa roon ang matatamasa niyang hirap.”

“N-Nasaan ang mga ..” May kung anong bumara sa kaniyang lalamunan dahilan para mahinto siya sandali sa pagsasalita.

“Kung ang gusto mong malaman ay ang tungkol naman sa gumahasa sa kaniya,” nagbaba siya ng tingin at umiling. “Napatay siya ng mga pulis sa isang buy-bust operation. Isang drug dealer ang iyong tunay na ama, Nicholas, kung kaya’t ako na ang tumayong ama sa iyo nu’ng maliit ka pa.”

Forbidden Romance ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon