CHAPTER 4

2.6K 84 10
                                    

[NICHOLAS]

PAGKAGISING ay kaagad naligo ang binata dahil gusto niyang maagang makapaglibot ng Hacienda EL Pablo.

“Good morning, Nana.” Bati niya sa mayordoma ng bahay.

“Magandang umaga din sa ‘yo, Ser.” Bati din nito sa kaniya. “Gusto niyo na po bang mag-almusal? Ipaghahanda ko na po kayo.”

“No need, Nana. Ako na po ang bahala.” tugon ng binata saka naglakad papunta sa refrigerator kung saan alam niyang naroon ang mga ulam na natira kagabi. Iinitin na lamang niya ang mga ito.

“Ipagluluto ko nalang kayo ng bago, Ser.” Muling sabi ng matanda.

“Hindi na, Nana. Hindi pa naman sira ang mga ito kaya iinitin ko nalang. Sayang naman kung hindi ito kakainin.” Saad ni Nicholas at saka isinalin sa kawali ang napili niyang ulam.

“Alam niyo, Ser. Nu’ng una kitang makita, Aaminin kong nagduda ako sa ugaling mayroon kayo.” Medyo nahihiyang wika ng matanda. “Pero nang maglaon ay unti-unti ko rin kayong nakikilala at masasabi ko na ngayong nagkamali ako sa unang akala ko sa inyo. Pasensiya na, Ser.”

Natawa si Nicholas habang hinahalo ang adobong manok na nasa kawali para hindi dumikit at masunog.

“Huwag niyo ng intindihin ‘yon, Nana. Sanay na ako sa mga ganiyan kaya hindi kayo ang kauna-unahang taong humusga sa ugaling mayroon ako.” ani Nicholas.

“Humihingi pa rin ako ng paumanhin, Ser. Hindi ko dapat kayo pinag-isipan ng ganoon.”

Tumango si Nicholas at nginitian ang matanda. “Ayos lang, Nana.” aniya saka isinalin sa mangkok ang ulam. “Tara. Saluhan niyo na po ako. Unusual ang ulam na adobo sa almusal pero ayos na rin.” natatawang saad ng binata.

Ipinagsandok naman siya ng kanin ng matanda. “Ser, Kanin.” aniya at inilapag ito sa harap ni Nicholas. “Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa iyo, Ser. Ako nga pala si Hilda, Ang mayordoma ng bahay.”

“Nana, Kilala ko na kayo.” Nicholas said. “Ipinakilala na kayo isa-isa ni Marvin sa akin ng hindi ninyo nalalaman.” He chuckled.

“Si Señorito Marvin talaga.”

“Uhmmm ..” He moaned, savoring the delicious taste of the chicken adobo. “Ang sharap nito, Nana. Shinong nagluto?” Tanong niya habang may laman pa ring pagkain ang kaniyang bibig.

“Ser, masamang magsalita nang may lamang pagkain ang bibig at baka kayo’y mabilaukan.” Saway ni Nana Hilda sa kaniya.

Agad nilunok ni Nicholas ang pagkain saka uminom ng tubig bago humalakhak.

“Sorry, Nana. Pero alam ba ninyong naaalala ko sa inyo ‘yung matandang maid ko sa siyudad? Ganiyan na ganiyan din po kung sawayin ako, e.” He chuckled. “Pero seryoso, Nana, Sino pong nagluto nito? Ang sarap, e. Madami na akong natikmang chicken adobo pero ‘eto talaga ang patok sa panlasa ko.” ani ng binata habang tinuturo ang ulam na nasa harapan niya.

“Ser, Si Shenyang kasi ang nagluto niyan.” pag-imporma ng matanda. “Kapag siya ang nagluto ng ganiyan, Asahan mong mapaparami ka ng kain. Niluto niya ‘yan para daw kay Señorito Vin.”

“Nako, patay.” Usal ng binata. “Ubos na, Nana. Hindi naman ninyo sinabing para pala kay Marvin ito.”

Tumawa naman ang matanda. “Hayaan mo na, Ser. Magpapaluto nalang tayo uli ng ganiyan kay Shenyang kung gusto pa ninyo at para mapalitan natin ‘yang kinain ninyo.”

Humalakhak si Nicholas bago tumango. “Sige, Nana. Siya nga pala, Sino palang makakasama ko sa paglilibot? Nasabi na ba ni Marvin sa inyo?” Tanong niya.

Forbidden Romance ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon