CHAPTER 18

2K 71 6
                                    

[ZINNIA]

KASALUKUYANG naglalaba ang kaniyang inang si Digna habang siya ay ipinaghehele naman ang anak na sinusumpong din ng pagiging iyakin.

“Anong plano mo, Anak? Babalik ka na ba sa trabaho mo?”

Tumango siya. “Opo, 'Má. Kapag lumaki na po ng kaunti ‘tong anak ko. Sayang naman kasi ang pagiging loan officer ko sa bangko sa bayan kung hindi ko iyon babalikan.”

“Kunsabagay naman, Anak.” sang-ayon ng ina. “At saka ‘wag mong intindihin si Baby Nikki dahil nandito naman ako para alagaan siya kung sakaling nasa trabaho ka.”

“Alam ko naman ‘yun, 'Má, kaya nga malakas ang loob kong bumalik sa trabaho saka palagi namang nandito si Harold kaya hindi ka masiyadong mahihirapan kung saka-sakali, 'Má.”

“Bakit ba kasi hindi mo nalang ibaling kay Harold ang nararamdaman — ”

“'Má, ayaw kong pag-usapan ‘yan dahil sa ngayon ay mas gusto kong makilala si Nicholas bilang kapatid dahil ‘yon kami, at ‘yon ang dapat.” Patuloy pa rin siya sa paghele sa anak kahit nakatulog na ito. “Magiging happy din ang Papa kapag nangyari ‘yon, 'Má, dahil alam ko deep inside him, nalulungkot siya dahil inaayawan siya ng panganay niya.”

Bumuntong-hininga naman si Aling Digna. “Kung sana’y pinapayagan niyo akong kausapin si Nicholas, sana’y natapos na ang misunderstanding na ‘to. Ang hirap kasi sa inyong mag-ama, wala kayong tiwala sa ‘kin.” Naghihinampong aniya.

“'Má, hindi lang naman kasi ito simpleng misunderstanding lang. Intindihin natin si Nicholas kasi siya ang higit na nasaktan sa mga nangyari noon.” She sighed, “Sana lang kaya pang ayusin ni Papá ang lahat, 'Má.”

“Sana nga, Shenyang. Sana ..”

Napatitig siya sa kaniyang ina at bakas din ang lungkot nito sa mukha niya. Alam naman niyang pinagsisihan na ng kaniyang mga magulang ang nagawa nila sa nakaraan at naiintindihan na rin niya ang mga ito.

Si Nicholas nalang talaga ang problema. Ang kapatid niya.

◆◇◆

“Anak, sandali lang!” aniya sa malakas na tinig para marinig siya ni Baby Nicole na nagpakawala na naman ng malakas na iyak. “Patapos ng maligo si Momma, Baby. Nandiyan na ako. Wait lang.” aniya habang mabilis na nagbabanlaw ng katawan.

Ito ‘yung isa sa mahirap sa pagiging Nanay. Kailangan lagi kang listo. Kailangan laging mabilis ang kilos dahil kapag umiyak ang alaga, Matataranta ka nalang bigla. Walang maayos na tulog, pagdumi, at pagligo. Hindi rin makakain ng maayos but despite of that, She still enjoys being a mom.

She covered her naked body with a small towel. Hindi pa naman talaga siya tapos maligo pero kailangan na talaga niyang tapusin dahil sa anak. Mabuti sana kung kasama nila ang mga magulang niya O kaya si Harold kaso wala isa man sa kanila.

“Momma’s done, Baby— Baby?! Oh my god, oh my god! Where are you?!” Nagsimula na siyang mag-panic nang makitang wala ang anak niya sa crib na pinag-iwanan niya. “‘Pá? 'Má? Harold?!” Sunud-sunod niyang tawag sa tatlo thinking na baka dumating sila at nasa kanila si Baby Nicole. “Hindi na kayo nakakatu— Nicholas?!” Her eyes widened as she saw Nicholas with Baby Nicole in his arms.

“Hi.” Nakangiti pang bati ng lalaki sa kaniya.

The nerve of this guy!

“I don't want to be rude but what the hell do you think you’re doing?” Inis niyang tanong dala na rin ng pag-aalala niya. “Akin na nga ‘yang anak — ”

Forbidden Romance ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon