[NICHOLAS]
“Ser, pagpasensiyahan mo na kami’t ganito talaga kasigla dito sa kiskisan.” Wika ni Leo. Isa sa mga tauhan ng Ricemill ng kaniyang ama. “Mas maganda kasi ‘yung habang nagtatrabaho’y nagbibiruan at nagtatawanan para hayahay ang buhay.”
He chuckled. Tinapik pa ang balikat ni Leo. “Natutuwa nga akong makita kayong ganito kasaya, e.” He said. “Ano bang puwede kong maitulong ngayon sa inyo?”
“Ay, Ser. Just sit back and relax. Hayaan niyo nalang kaming magtrabaho.” awat ni Leo sa kaniya.
Umiling naman siya at dahil determinado sa kagustuhang pagtulong, Sinubukan niyang buhatin ang isang sakong palay na ilalagay sa makina upang gawing bigas pero dahil hindi sanay sa ganoong trabaho ang binata, Hindi niya kinaya at naibagsak din niya ito.
“Dammit!” He cussed. “Bakit ba ayaw ng sakong ‘yan sa ‘kin? Tumatalon, e.”
Natawa naman ang mga tauhan ng Rice mill sa kaniya maging ang mga taong naroon para magpakiskis.
“Ser, Ayos lang ‘yan.” Wika ni Leo na binuhat na rin ang isang sako at saka ibinuhos ang lamang palay sa makina. “Hindi lahat ng trabaho madali pero maari mo namang matutunan, Ser.”
“Sa susunod na magbubuhat ako, Siguradong magugustuhan na ako ng sako.” He kidded.
Tumawa naman si Leo. “Sa ganda ng katawan mong iyan, Ser. Aba, Hindi malayong kahit dalawang sako pa ng palay ay kaya mong buhatin.” ani Leo. “Tamang ensayo lang 'yan, Ser. Pero hindi naman n’yo kasi kailangang gawin ‘yon. Ikaw ang boss ng Hacienda, e.”
“Sabi ko naman sa inyong tratuhin ninyo akong pangkaraniwang taong kagaya ninyo. Walang Boss, Walang tauhan. Simple lang naman ang gusto ko, Leo. Ngayon sabihin mo sa ‘kin kung may iba pa bang paraan para makatulong ako ngayon.”
Napailing nalang si Leo sa kakulitan ni Nicholas. “Mang Celso, May problema tayo!” Tawag ni Leo sa ama ni Nicholas na kasalukuyang nagbibilad ng palay sa labas.
Natawa nalang din si Nicholas at sa isip-isip niya’y, Mas maganda nga sigurong dito nalang manirahan at ipaasikaso nalang ang kompanya niya sa City sa isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tao. ‘di bale ng mahirapan siyang pakisamahan ang taong nang-iwan at lumimot sa kaniya.
“Leo, Ano bang problema mo?” Tanong ni Mang Celso nang makalapit siya sa dalawa. “Ser, Ayos ka lang ba?” Tanong pa nito kay Nicholas.
“I'm fine, Mang Celso.” Tugon naman ng binata.
“Kuwan kasi, Mang Celso,” Pagsasalita ni Leo. “Si Ser kasi nangungulit. Gusto raw tumulong pero hindi pa naman sanay sa mga gawain natin dito kaya baka may puwede kang ipagawa sa kaniya na hindi gaanong mabigat?”
Sumulyap naman si Mang Celso sa kaniyang relos saka ngumiti at tumango. “Mayroon.” aniya. “Tutal malapit na rin lang naman tayong mananghalian, Bakit kaya hindi mo nalang sunduin si Shenyang, Ser? Ikaw nalang ang tumulong sa kaniya sa pagdadala ng ulam natin dito pero kung gusto mo lang naman.”
Mabilis na tumango si Nicholas. “Napakadali naman ng ipinapagawa ninyo, Mang Celso.” aniya. “Kaso hindi ko naman alam kung saan siya susunduin.” Dagdag niyang napakamot pa sa kaniyang batok.
“Sasamahan nalang kita, Ser, para sa susunod alam mo na kung saan kahit wala ka ng kasama.” Presinta ni Leo.
“Akala ko pa naman ako lang mag-isa ang gagawa.” saad ni Nicholas na natawa pa. “Tara na kung gano’n. Nagugutom na rin ako, e.” aya niya kay Leo na natawa na rin.
“Gamitin niyo na ‘yung Tricycle ko.” Pahabol ni Mang Celso sa kanila.
Naglakad na sina Nicholas at Leo sa nakaparadang Tricycle ni Mang Celso at agad sumakay. Si Leo na rin ang nagmaneho dahil siya naman ang nakakaalam kung saan ang bahay nila Shenyang.
BINABASA MO ANG
Forbidden Romance ✔️
General Fiction■Must read "Marrying The Arrogant Bastard" first.■ NICHOLAS FUENTES. A 26 years old powerful, handsome Filipino Billionaire who got everything in life. Wealth, Power, and most especially, the looks that made women chased him. He will have all that h...