CHAPTER 12

1.9K 66 6
                                    

[NICHOLAS]

WALANG ekspresyon ang mukha niyang pumasok sa opisina niya sa mismong basement. Nadatnan na niya doon si Celso na agad tumayo nang makita siya.

"Magandang umaga, Nicholas."

Dinaanan lang niya ng tingin ang ama at diri-diretsong umikot sa executive desk at naupo sa swivel chair. Sumandal siya dito at nag-angat ng tingin kay Celso.

"Have a sit." Utos niya dito. "Kumusta si Zinnia?"

"Wala pang tigil ang patak ng kaniyang luha dahil sa ginawa mo, Nicholas." Nagtaas-baba ang dibdib ni Celso na halatang galit sa ginawa ni Nicholas sa kaniyang unica hija. "Bakit mo ginawa 'yon? Kung wala ka naman palang balak panindigan ang anak ko'y bakit niligawan mo pa?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Nicholas na iglap ding nawala. "Wala akong balak gawin 'yon kay Zinnia. Nagkataon lang na kaya kong paganahin ang utak ko habang maaga pa." aniya sa seryosong tinig. "Ikaw ba, Naranasan mo ng mang-iwan ng isang babae?"

Napipilan si Celso sa tanong ng binata.

"Huwag mong ilihis ang usapan natin tungkol sa ginawa mong pakikipagkalas sa anak - "

"Hindi ako interesado." Putol ng binata dito sa nababagot na tinig. "Pinapunta kita dito dahil gusto kong malaman kung may kilala kang Lorna Estrella." Tumayo siya at tumalikod sa ama para 'wag nitong makita ang biglang pagtalim ng kaniyang mga mata. "Oh, well .. Hindi naman pala dapat tinatanong 'yon dahil alam kong siyento pursyentong kilala mo ang taong 'yon."

"Bakit - "

"Tama ba ako, Celso?" nawala na ng tuluyan ang natitirang paggalang niya sa kausap.

Nakuyom niya ang palad nang unti-unting tumango ang kaniyang ama bilang pagsang-ayon sa kaniyang sinabi kanina.

"Kaibigan ko."

"Kaibigan?" Ulit ng binata na nagtaas pa ng kilay. "Friends with benefits ba ang tawag do'n? May nabuo kayo, e." Pagak na natawa ang binata. "Si Aldwin, Siya ang anak ninyo, hindi ba?"

Bumuntong hininga si Celso at napahilamos sa kaniyang mukha pagkuwa'y muling tumitig kay Nicholas.

"Paano mo sila nakilala?"

Umiling si Nicholas. "May balita ka ba sa mag-inang 'yon, Celso?"

Mabilis na nag-iiling si Celso. "Ang huling balita ko ay nang umalis sila sa dati nilang tirahan at buhat noo'y hindi na talaga ako nagkaroon ng balita sa mag-ina. Ikaw, Kilala mo ba sila? Alam mo ba kung nasaan na sila?" Tanong ni Celso na tila wala pa ring ideya sa kung sino ang nasa harapan at kausap niya.

Muli na namang nagpakawala ng mapanuyang tawa ang binata pero hindi na nawala ang talim sa kaniyang mga mata.

"Alam ko." aniya sabay kibit ng balikat. "Si Lorna, 'ayun, sa awa ng diyos, Nakapagpahinga na. Nahirapan si Aldwin sa pagkawala ng kaisa-isang kasangga niya pero nang lumaki na'y naisip din niyang mas mabuti na rin siguro 'yon para lumigaya na ang nanay niya." Puno ng pait niyang wika.

"N-Nasaan na ngayon si Aldwin?"

Ipinasok niya sa dalawang bulsa ng kaniyang pantalon ang kaniyang mga kamay at walang ekspresyong napatitig sa ama na ni katiting ay hindi man lang siya nakilala.

"Si Aldwin? Maayos naman siya ngayon. Maayos na maayos na kung sakaling nabubuhay pa ang Nanay niya ngayon ay nasisiguro niyang magiging proud ito sa kaniya." He smiled sadly. "Ang Tatay kaya niya, Magiging proud kaya sa kaniya kapag nalaman niyang isa ng bilyonaryo ngayon ang kaniyang anak?"

Nangislap ang mga mata ni Celso na hindi iniinda ang mga tinging matalim na ipinupukol ng binata sa kaniya.

"Kilala ko ang mag-inang 'yon, Nicholas. At para diyan sa tanong mo," sandali siyang natahimik, huminga ng malalim, at nagpatuloy. "Alam kong ipagmamalaki siya ng kaniyang ama."

Forbidden Romance ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon